"Pass your assignment. Hindi raw makakapasok si Mr. Facun, may emergency,"
Salubong ko sa kanila nang makapasok ako sa room. He texted me na ako na lang kumuha ng mga 'yon at ibigay sa kaniya kapag nakapasok na siya sa susunod. Agad agad nilang ipinasa sa 'kin nang wala pang ilang minuto, napatingin ako sa dulo, sa apat na tao.
"Anong tinutunganga niyo r'yan? Wala ba kayong balak magpasa?" Napakunot ang kilay ko dahil nakaupo pa rin sila hanggang ngayon. I heard Kart tsked. Wow, ano siya ahas? Hindi ko na lang siya inintindi. Naglakad na papunta sa harapan si Russell, siya kasi ang sinipag tumayo.
Nang naipasa na nilang lahat, inayos ko na at nilagay muna sa gilid. Hindi pa kasi time, kaya bawal pa lumabas.
"Pwede niyong gawin kung ano gusto niyo, maaga pa." Kinuha ko ang mga assignment nila, dinala sa upuan ko. Narinig ko silang naghiyawan sa tuwa, malamang, kating kati na maglaro o kaya mag f*******:.
Sinuot ko ang headset at nakinig na lang ako ng music habang nagbabasa ng libro.
Hindi ako mahilig mag f*******: nor makipag chat. Nag oonline lang ako kung may importanteng sasabihin. Kailangan bang pag aksayahan ng oras 'yon?
Maya-maya pa ay may kumatok, binuksan naman ng isang kaklase ko na malapit sa pintuan. "Sino daw po President n'yo dito?" Tanong nung mas bata sa amin, grade 10.
"Pres!" Lumapit ako sa kanilang dalawa, napalingon naman 'yung iba naming kaklase samantalang ang iba mukhang tulog.
"What do you need?" Tanong ko pagkalapit. Sinenyasan ko ang kaklase ko na pwede na siyang bumalik sa upuan niya. "Wala daw pong pasok ngayong araw, may gagawin lahat ng Teacher's. At saka, pinapatawag ka daw po ni Principal."
Tumango lang ako. Anong kailangan ng matandang 'yon? Talagang pinatawag pa 'ko. "Sige, salamat." Ngumiti siya at naglakad na paalis.
"There's no class today," bumalik ako sa upan ko at niligpit ang mga gamit ko. Nagsaya naman agad sila sa narinig. Basta talaga kapag walang pasok, sumisigla sila.
"Nagmamadali? Saan lakad 'te?" Tanong nilang tatlo nang mapansin na mabilis akong nag-aayos ng gamit ko. Hindi ko sila sinagot. Bagkus, nagpaalam na lang. Sasama pa sana sila nang bilisan kong maglakad.
"f**k!" Parehas kaming napamura ng nakabunggo ko. Hindi ko napansin na may tao dahil sa pagmamadali ko. Masama ko siyang nilingon pero agad ko ding napagtanto kung sino iyon.
Si Kart, hindi ko namalayan na umalis pala siya kanina. Diretso lang akong naglakad pagkalagpas ko sa kanya. Na para bang walang nangyari.
"Pinapatawag mo daw ako?"
Padabog kong binuksan 'yung pintuan ng office niya. Nagulat pa 'ko nang may isang babaeng nakatalikod sa 'kin, bale kaharap niya si Uncle. Tinanggal ko ang sapatos at medyas ko. Nagsuot ako ng nike slippers na hiniram ko sa kanya.
"Ikaw talaga! Hindi talaga uso kumatok sa 'yo, 'no!"
Napatingin ang babae sa gawi ko. Umupo ako sa couch na parang isang reyna. "Bakit mo 'ko pinatawag?" Pag uulit ko, walang pakialam kung may bisita.
Hindi kasi pinansin tanong ko kanina. Kaasar! Badtrip pa naman ako ngayon dahil doon sa bwiset na 'yon. Bumuntong hininga siya. O...kay?
"You are marrying the son of Mrs. Domingo." Did I hear that right? I am marrying to that I didn't know!? Ugh! Sirang sira na araw ko.
"What!" Medyo napalakas yata pagsigaw ko.
"Whatawat," sinamaan ko siya ng tingin. Natawa nang mahina si Mrs. Domingo. Oh, God. Iniisip ko pa lang na magkasama kami sa iisang bubong, nandidiri na 'ko.
"Oh, dear. It's just arrange marriage," natatawa pa siya nang sabihin niya 'yon.
"Gusto mo yata na ipakasal kayo nang totoo?" Pang aasar niya dahil natahimik ako kanina at hindi nakasagot. I gave him a death glare.
"Okay, okay." Pagsuko niya.
Ipinaliwanag nila sa 'kin kung bakit ko pakakasalan 'yung asungot ko sa buhay na 'yon. "Tapos na? Wala na ba kayong sasabihin? Nang makaalis naman ako."
They both nodded. "Bye uhm..." Hindi ko alam itatawag ko. "Just call me Tita E," ngumiti siya sa 'kin ng pagkatamis tamis.
"Bye Tita," hahawakan ko na sana ang door knob nang magsalita si Uncle, nagtatampo.
"How about me? You not love me anymore, are you?" Sus! Masyadong papansin 'tong Tito ko. Hindi bagay sa kanya. "Bye, tanda."
"Abat-"
Dali dali akong lumabas, iniiwasan boses niyang nakakairita. Sa halip na dumiretso sa room, umuwi ako sa bahay at nagpalit ng suot. I was wearing a black plain shirt and black high waisted ripped jeans. Oh diba, all black. I paired it with chanel white sneakers that has a pink linings.
Tinanggal ko ang suot kong helmet pagkarating sa mall at naglakad papasok. I brushed my hair as I entered the entrance. As soon as I went inside, their eyes landed on me. I ignored them.
Pupunta muna ako ng Starbucks, iinom ng kape. Baka sakaling mabawasan pagka badtrip ko. Pagkarating ko doon, mahaba haba pa ang pula kaya naglaro muna ako ng Piano Tiles. Dinownload ko lang 'to nung last week. I told you, hindi ako mahilig gumamit ng gagdets.
Matatapos ko na sana nang makarinig ako ng ingay sa paligid. May nakita akong dalawang lalaki na sobrang laki ng katawan. Nakaharap sila sa counter. 'Yung isa, nakahawak sa braso ng babaeng incharge sa cash register.
I licked my lower lip when I heard his question. Inikot ko ang paningin ko sa kabuuan, napairap ako dahil wala man lang gustong tumulong.
"Huwag ka na kasing pabebe, Miss. Pumayag ka na,"
Where is the f*****g guard? Siya dapat ang umawat dito. Ano pang silbi ng sinasahod niya kung nagrerelax lang siya? Kung pwede lang magsumbong kay Duterte, ginawa ko na.
Hinablot ko ang hawak ng isang babae at kumuha ng ice cube doon. Tinantya ko ito at pinitik patungo sa kasama niya. Nang lumingon siya ay saktong tumama sa noo niya.
"Sinong may gawa no'n?!" Nangigigil niyang tanong. Itinago ko ang cellphone ko at seryosong humarap sa harapan. Pero may siraulong tinuro ako. Nagtagis ang bagang nito nang lumingon sa 'kin.
"Ikaw babae ka!" Nginisihan ko lang siya. "How dare you?!" Sumama timpla ng mukha ko nang makitang kinagat niya ang pang ibabang labi niya.
"Oh, you're so beautiful naman pala," he was about to come near me when I kicked hard his balls. Napayuko siya nang kaunti dahil sa pamimilipit niya sa sakit. May humawak sa braso ko at paglingon ko may nakatutok na isang kutsilyo. Naningkit ang mata ko.
Sinipa ko ang isang upuan malapit sa 'kin, tumama 'to sa tuhod nila. Nabitawan niya ang kutsilyo, minura pa 'ko dahil sa sakit. Sa pagkakataong 'yon kinuha ko ang nahulog na kutsilyo, lumapit ako at tinutok sa leeg niya.
"Don't mess up with me." Malamig kong bulong sa kanya. I caught him swallowed hard and I tried my best not to smirk.
Umalis na ako roon, nagbago ang isip ko. Bago ako tuluyang umalis, binigay ko muna sa babae ang number ko.
Umuwi ako sa bahay na wala sa mood. Binuksan ko ang laptop ko. Manonood na lang ako. Nasa kalagitnaan ako ng panonood nang may tumawag. [Ano na naman kailangan mo, panget?]
[Relax, ang sungit mo naman.] Bored ko siyang pinapakinggan.
Itinuloy na niya ang sasabihin niya dahil siguro nahalata niyang wala akong balak kausapin siya.
[Napakainipin mo talaga. Anyway, ano 'tong napanood kong viral sa facebook... Bakit nakipagaway ka?] Nailayo ko nang kaunti nang tumaas ang boses niya.
[Hindi ako nakipagaway, sila ang nauna..] Protesta ko. [Binabastos nila ang babae roon... Kung ikaw nasa kalagayan ko.. Gano'n din ang gagawin mo 'di ba?] Hindi siya nakakibo.
____________________________________________________________________________
:)