Gaya nga ng sinabi ng mga Nanay kanina kasama na rin ang Mommy ni Mildred dahil hindi ko alam na may group chat na pala sila ay pinalibutan nilang tatlo si VJ na hindi na alam ang gagawin ngayon. Habang pinapanood namin ni MJ at ni Manong ang nangyayari sa kaniya habang pinagkakaguluhan ng tatlong nanay ay tamang usap naman ang tatlong estudyante sa gilid ko. “Look, pinipilit na nila si Sir VJ na maging ganap na teacher natin,” wika ni Maurice. He is only 5 years old pero alam na niya ang nangyayari sa kapaligiran niya. “Oo nga, kawawa naman si Sir VJ, pinipilit siya sa ayaw niyang gawin,” saad naman ni Mellissa. Mellissa is 8, and she is old enough para maunawan ang nangyayari. “Guys, relax, alam naman natin na si Sir VJ ang magdedesisyon na naayon sa kagustuhan niya, kahit anong pi

