Gaya nga ng sinabi ni VJ, every three days kung magpunta siya rito sa studio kada linggo. Alternate kami sa pagtuturo dahil twice a week naman ang group session ng mga bata. Isang linggo na rin pala ang lumipas mula nang maipit sa gulo at hindi pagkakaunawan si Ram dahil sa tatlong Nanay na humarang sa kaniya. Bilang token of apology ay nagpahanda ang tatlong Nanay na iyon ng munting salu-salo, including Mrs. Cruz na napahiya dahil sa sinabi ni MJ. She just accepted it, dahil tama naman ang ipinahayag ni MJ na naki-tsismis lang siya and it has nothing to do with her dahil hindi siya fan ni VJ. About naman sa issue ko with Mrs. Monticalvo, naka-ready a ang interview ko mamayang alas dos ng hapon. VJ took care of everything pagdating sa media, iba na talaga kapag maimpluwensiya sa larangan

