Pagbalik namin ni MJ sa studio ay nandoon na ang janitor upang maglinis bago magsimula ang klase. Nang makita niya kami ay agad niya kaming binati. “Good morning po,” aniya. Tinigil na muna ng janitor ang pag-mop sa sahig na kaniyang ginagawa bago kami dumating. “Magandang umaga rin sa iyo, Kuya!” pagbati ko rin naman sa kaniya. Tuluyan na akong pumasok sa loob at akmang didiretso na sa office nang itong si MJ ay magsalita kaya naman napahinto akong muli at nilingon ang dalawa. “Masarap lunch natin mamaya, Kuya, ako bahala,” turan naman ni MJ sa kaniya na may kasama pang pag-kindat. Medyo gulat naman ang janitor. Lagi kasi namin siyang inaalok ng pagkain tuwing tanghalian at meryenda at wala naman siyang sinasabi about doon pero ngayon iba ata ang mangyayari. “Ay nako! Sayang naman

