Pagpunta ko sa studio ay naroon na agad si MJ. Maaga itong naroon gaya ng dati at nakaupo lang habang nagkakape sa may lounge area. “Hoy,” ani ko sabay hampas sa likod niya. Inilapag ko na ang bag ko at nakiupo sa gilid niya. “Ikaw pala,” aniya nang makita na niya ako. Tumingin ako sa paligid at hinanap si Manong na tagalinis ng studio para magpasalamat dahil sobrang linis ngayon pero hindi ko ito makita. “Wala pa si Manong, I was the one who cleaned the place,” saad naman ni MJ. “Oh! Wow!” sambit ko. Wala akong masabi sa ginawa niya ngayon. Tunay talagang nakaka-hanga ni MJ ngayon. Pumunta talaga siya rito sa studio para lang maglinis ng sobrang aga. “Mali ka, hindi ako maagang nagpunta para lang maglinis, sa katunayan ay wala pa akong tulog,” turan niya pa nang makahalata na sobr

