Chapter 83

1366 Words

Nang makarating na kami sa ospital kasama ang apo at asawa ni Manong Gilbert ay dali-dali akong nagtanong sa information desk kung saan ang kwarto nito. Nang malaman namin ay syempre agad din naman kaming umakyat sa palapag kung saan naroon si Manong. Nagulat pa nga si VJ nang makita niyang kasama ko si Ram. Mukhang hindi sinabi ni MJ na magkasama kami kanina sa pagsundo sa pamilya ni Manong. Mabuti nga at nang makapasok kami sa kwarto ay solo lang si Manong. Hanep ‘tong si VJ! Ipinalagay sa private room si Manong, mabuti na lang talaga at siya ang sumagot sa bills kung hindi malilintikan na talaga ako lalo pa’t halos lahat ng parents ay nagsabing aalisin na nila ang mga anak nila. Mawawalan na ako ng pagkukuhanan sa pang-araw-araw ko. “Gibo? Gibo!” tawag ng asawa niya nang makapasok sa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD