Naiwan akong mag-isa sa studio at pilit na nag-iisip ng maaring maging dahilan sa kanilang pag-kansela ng aking pagtuturo sa kanilang mga anak. Hanggang ngayon ay wala pa akong alam hanggang sa hindi ko napansin na marami nang text ang dumating. “Oh!” bulalas ko nang naisipan kong tawagan si MJ pero iba ang bumugad sa aking paningin. I received 7 text from other parents kaya naman naisipan kong basahin muna ang mga ito bago ko ituloy ang pagtawag kay MJ. “Sabay-sabay naman ang text nila,” ani ko. I am still clueless sa nakasaad na text kaya naman tila gumuho ang ngiti ko nang mabasa na mga iyon. Magkakaiba ng approach pero iisa lang ang tinungo ng text at iyon ay walang iba kung hindi ang pagtigil ng kanilang anak sa klase. Matapos kong basahin iyon ay bigla naman na tumawag si Ram. N

