Nang makarating na ako sa kompanya ay agad na akong dumiretso sa may lobby kung saan ay alam kong naghihintay na siya doon. Walang masyadong tao sa paligid dahil siguradong nasa mga trabaho na sila ngayon kaya naman hindi ako nahirapan na makita si Franco, agad ko na siyang natanaw sa may hindi kalayuan habang nakaupo lang sa isa sa mga couch doon. Hindi niya alam na papalapit na ako sa kanya kasi nakatalikod siya sa may pwesto ko. "Sorry, naghintay ka ba nang matagal?" Agad na bati ko sa kaniya nang tuluyan na akong nakalapit sa tabi niya at pumwesto sa may harapan niya. Agad siyang tumayo sa pinagkakaupuan niya nang makita niya na nga ako at saka siya sunod-sunod na umiling habang nakangiti sa akin. "Hindi naman." simpleng sagot niya. "Akyat tayo sa taas, sa may opisina ko," di

