Kahit marami akong gagawin ngayon dito sa opisina ay hindi ko pa rin maiwasan na hindi isipin ang lahat nang napag-usapan namin ni Franco. Pagkaalis na pagkaalis niya dito sa opisina ko ay sinubukan ko naman na ibaling ang atensyon ko sa mga dapat kong gawin kaya lang bumabalik at bumabalik pa rin sa alaala ko ang lahat nang mga sinabi niya sa akin kanina. Hindi ko mapigilan na hindi ko isa-isahin sa isipan ko ang mga posibilidad kung totoo nga ba na hinahanap nila ‘yung journal dahil kung oo... hindi pwedeng mahanap nila ‘yun. Dapat ako ang unang makakita no’n! Sapagkat sigurado ako na sisirain nila agad ang journal kapag nakita nila ‘yun... hindi ko tuloy malalaman ang dahilan kung bakit nga ba poinatay ni Gavi si Jerick. Medyo naguguluhan din ako sa nabanggit sa akin ni Franco tungkol

