THIRD PERSON’s POV Katulad nga nang gustong gawin ni Cally ay mabilis na nga siyang tumayo mula sa kaniyang swivel chair at mabilis na kinuha ang kaniyang black coat sa coat rack niya. Habang ginagawa niya ‘yun ay sunod-sunod na pagtakok ang narinig niya mula sa labas ng nakasaradong pintuan ng kaniyang opisina. “Come in,” saad na lang niya at ngayon naman ay abala na siya sa pagtali ng kaniyang buhok. Nang marinig niya na ang unti-unting pagbukas nung pinto ay saka niya pa lang hinarap kung sino ‘yun. “Aalis ka na? May lakad ka?” Magkasunod na tanong sa kaniya ni Arren habang may hawak itong isang puting folder na medyo makapal dahil sa mga papel na nakaipit doon. Si Arren Mendoza ay isa sa mga katrabaho niya sa firm, isa itong prosecutor.Ilang taon na rin silang magkakilala at madalas

