Faded Photographs

988 Words
Mula sa pagkakahimbing ay nagising ako. Narinig ko ang cellphone ko na nagriring. Sinuyod ko ng tingin ang paligid. Wala na sila Dad at Mang Rene sa loob ng kotse. Siguro ay hindi na nil ako ginising at iniwan na lamang na bukas ang bintana ng kotse. Patuloy sa pagring ang aking cellphone kaya kinuha ko ito mula sa bulsa ng aking backpack. Nang tignan ko iyon, si kuya ang tumatawag. Agad kong sinagot ang tawag. "Hoy panget nasa Calamba na ba kayo ni Daddy?" Napangiti ako sa ibinansag niya sakin. Panget. Lambingan na naming magkapatid iyon. "Opo panget kong kuya. Susunod ka na ba?" tanong ko habang lumalabas na ng kotse. Hinanap ko ang entrance ng mansyon at nang makita ko iyon ay pumasok na ako sa loob. "Pakisabi kay Daddy baka after lunch na ako makrating. Kailangan ko lang tapusin itong mga paperworks ko." "Sige sabihin ko kay Dad. May ibibilin ka pa ba kuya?" "Wala na. Bye na muna at tapusin ko na ito." "Okay kuya. Bye." Inilinga ko ang aking paningin sa loob ng mansyon ng ako ay makapasok. Katulad ng sa labas ay masasabing luma na ang istruktura ng nasabing mansyon. Pero mababakas na mayaman ang may ari base sa mga nakikita niyang gamit sa loob. May porselanang vase na my ginto sa hawakan at itaas niyon na nakalagay sa magkbilang gilid ng hagdan na yari sa kahoy. Gayundin ang baldosang sahig na pawang yari sa punong narra ang ginamit na kahoy. Sa parteng sala ay may nakadisplay na dalawang di kalakihang abstract painting. May mahabang mesa na nakalagay sa ilalim ng parihabang antigong salamin na nasa gitna ng paintings. Kahoy din ng yari niyon. Inakyat ko ang ikalawang palapag ng mansyon. Bawat hakbang ko ay lumalangitngit ang baldosang sahig sa kalumaan. Masasabing grandiyosa pa rin ang atmosphere ng mansyon na iyon kahit pa luma na. Classic ang dating dahil sa mga antigong gamit kagaya ng chandelier at mga mesa at cabinet na siyang natitirang gamit sa naturang bahay. Nang marating ko ang ikalawang palapag, bumungad sa akin ang hallway na may 4 na kwartong magkakatapat. Lumapit ako at dahan dahang binuksan ang unang kwarto sa kaliwa. Bumungad sa akin ang di kalakihang kama na nakadeposito sa gitna ng kwarto. Katabi niyon ay ang bedside table na napapatungan ng gasera at plorera. Pumasok ako sa loob at inobserbahan ang buong kwarto. May lumang litrato na nakasabit malapit sa bintana. Nilapitan niya iyon. Isang lalake na nakadamit ng kagaya pa sa panahong 1960's. Nasa mid twenties ang edad ng lalake. Mestiso. Matangos ang ilong at may mapupungay na mga mata. Hindi ito nakangiti pero labas ang angking kagwapuhan nito sa litrato. "Kung nabuhay ako sa panahon niyo o vice versa, by hook or by crook, magiging akin ka!" parang tangang pagkausap ko sa litrato. Napangiti ako sa sinabi ko. Siguro'y gutom na ako kaya kung ano ano na lang ang pumapasok sa isip ko. Isinabit ko ang litrato sa dingding. Sunod ko nang nilapitan ang lumang aparador na nakapwesto sa paanang bahagi ng kama. Binuksan ko iyon. Nakakita ako ng isang maliit na baul. Kinuha ko iyon at umupo ako sa kama. Binuksan ko ang baul at tumambad sa akin ang ilang piraso ng lumang litrato. Kinuha ko iyon at pinasadahan ng tingin. Ang ilan sa mga iyon ay halos di na makita ang mukha sa kalumaan. Kuha ang mga iyon sa mga lugar na tila simbahan, ilang okasyon dahil sa kasuotan ng mga nasa litrato, at ang iba naman ay tila kuha sa mismong bahay na kinalulugaran ko. May isang litrato na nakapukaw sa atensiyon ko. Ang lalaking nakita ko sa picture sa dingding kanikanina lang. Nakasuot ito ng simpleng kamisa de tsino at slacks na itinupi hanggang tuhod. Nakangiti ito habang hawak hawak ang kamay ng babaeng katabi nito sa naturang picture. Hindi masyadong kita ang mukha ng babae. Nag-fade na ang imahe nito dahil na rin siguro sa kalumaan. Pinunasan ko ng daliri ko ang mukha ng babae sa pag asang makita ko iyon. Ngunit lalo lang itong nabura. Inis na itinago ko na lamang  ang picture sa aking bag. "Ipaparestore kita para makita ko kung sino ang girlfriend ng crush ko." Natigilan ako sa nasabi ko. Nahihibang na yata ako para magkacrush sa lalaking matagal ng wala sa mundong ibabaw? Ibinalik ko na ang baul sa cabinet at sumilip na lamang ako sa bintana. May puno ng mangga na ang sanga ay malapit sa bintana na kinalulugaran ko. Hitik na hitik ang puno sa bunga. Ayos yun. Pwede akong pumapak ng manibalang na indian mango. Tinantiya ko muna kung kaya kong akyatin mula bintana ang nasabing puno. Nang matiyak kong safe naman, sinimulan ko ng akyatin iyon. Medyo matagal tagal na rin na di ko nagagamit ang skills ko sa pag akyat. The last time I climbed a tree was when I was Grade 6. Punong sampalok, aratiles, mangga, kaimito, santol. Name it. Naakyat ko na. Ang iba pa nga ay inilalako naming magkakaibigan sa mismong subdivision na tinitirhan namin. Yun nga lang, ng magsimulang dumami na ang bahay ay isa isa na ring nawala ang punong inaakyat namin. So, wala na rin kaming naakyat. Napangiti ako ng maluwang ng successful kong naakyat ang pwesto na kung saan napakadaming indian mango na nagsabit. "Alin kaya uunahin ko sa mga to?" Nagpalinga linga ako. Namataan ko ang isang kumpol ng indian mango na manibalang pa lang. Tuwang tuwang inabot ko iyon. Medyo malayo ng kaunti sa pwesto ko. Lumapit pa ako ng kaunti. Hindi ko pa rin naabot. Nagpasya akong umakyat pa ng kaunti para maabot ko ng tuluyan ang katakam takam na india mango. Naiakyat ko ang isa kong paa. Pero ng iaakyat ko na ang isa kong paa, dumulas iyon at napabitaw ako sa aking pagkakahawak sa sanga ng puno. 'Babagsak ako!' saisip isip ko kung kaya napapikit na lang ako. 'Lord, kayo na po ang bahala sa akin!'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD