bc

Red roses and Old love letters

book_age0+
10
FOLLOW
1K
READ
like
intro-logo
Blurb

Si Emily ay anak ng isang milyonaryong negosyante. Ang ama niya ang may ari ng 15 resorts and restaurants sa iba't ibang lugar sa Pilipinas. Nang minsang isama siya ng kanyang ama sa lumang bahay na bibilhin nito para sana pagtayuan ng restaurant ay napunta siya sa lugar na malayo sa kasalukuyan. Doon ay nakakita siya ng lalaking nakasuot ng kasuotang hindi na akma sa taong 2020.

Nalaman niyang nasa taong 1960 siya nang tanungin niya si Benedicto, ang lalaking malaBayani kung manamit.

Paano siya napunta sa taon na iyon samantalang nadulas lamang siya sa punong inakyat niya kanina lang?

chap-preview
Free preview
Emily, 2020
"Emily, pwede bang pakibilisan mo ng kaunti. Malelate na ako sa kausap ko." Mula sa pagkakaupo sa harapan ng salamin ay tumayo na siya. Kinuha niya ang kanyang backpack at lumabas na ng kwarto. Pagbukas niya ng pinto ay nakita niya ang kanyang Daddy Eduardo. Bihis na bihis at nakakunot ang noo habang nakatingin sa kanya. "Mabuti naman at tapos ka na. Mahaba haba ang magiging biyahe natin. Nadala mo ba ang mga dapat dalahin?" "Yes, Dad. Triniple check ko na din po just in case may nakalimutan ako.Saan nga ba sa Laguna ang punta natin Dad?" "Sa Calamba. Itse-check ko kung gaano kalaki ang lupa bago ko bilhin. Balak kong patayuan ng hotel and rstaurant para kung sakaling magbakasyon ulit kami ng Mommy mo, doon na lamang kami pupunta. Tutal mahilig siya sa hotspring." nakangiting sabi pa nito. Napangiti rin siya sa sinabi ng ama. Mahal na mahal nito ang kanyang mommy. Minsan nahiling niyang sana ay makatagpo din siya ng katulad ng kanyang daddy if ever makakapagasawa siya. Mabait, responsable, walang bisyo, at mapagmahal na asawa at ama.  "Isasama po ba natin si Kuya Dominic?" tanong ko ng maalala ko ang nag iisa at nakatatanda kong kapatid. Limang taon ang agwat namin pero sobrang close na close ko siya. "Susunod na lang daw siya. Ano, let's go?" Tumango ako at sumunod sa pagbaba sa hagdan. Pagkalabas namin ay sinalubong kami ng driver namin na si Mang Rene. "Sir tumawag ho sa akin si Maam Amelia. Di daw po niya kayo makontak." sabi nito habang inilalagay ang attache case ni Dad sa compartment ng kotse. Napakamot sa ulo si Daddy. Natatawa naman akong sumakay sa likuran ng kotse. Ang mommy talaga. Kulang na lang magpasa si Daddy ng picture o video kung nasaan siya naroroon. "I'll call her na lang once we reached the site. Text mo na lang siya Rene ha?" "Areglado, Sir." nakangiting sagot ni Mang Rene. Tinext ang mommy bago sinimulang paandarin ang kotse. Ako naman y nagsimula ng pumikit. Dalawang oras din ang byahe mula Cavite hanggang Laguna. Maiging umidlip muna siya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

NINONG

read
394.2K
bc

My Husband's Mistress

read
304.1K
bc

My Greek Professor

read
99.6K
bc

Law of Love (Buenaventura Series #1)

read
43.9K
bc

NINONG III

read
424.3K
bc

DELTA MONTEMAYOR The Quadruplets ( Tagalog )

read
3.6M
bc

The Ex-wife

read
237.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook