KABANATA 3

1556 Words
Fudge. Am I dead? I slowly opened my eyes. At first it was blurry pero naging visible din later on ang kulay puting kisame. Am I really dead?! Pero hindi puwede. I’m still a virgin and this is not the heaven I wished to be at. Yes, duh? I may be malandi pero I’m still a virgin. I’m still looking for the manhood who will be going to penetrate me. Ang sakit ng body ko. I feel like I was hit by a car or what. Ano bang nangyari at bakit ang sakit ng katawan ko? I seriously don’t remember what happened. Side effect ba ‘to kapag dead na? Oh my gosh? “Hon, she’s awake!” Napatingin ako sa sumigaw. It was a woman na kasing edad lang ni Mommy. She’s pretty and can pass as an angel but she’s wearing black. ‘Di ba white naman ang mga angel? What if kay Satan na side siya? Does that mean I’m going to hell?! Sa bait kong ‘to?! “Hija, kaya mo bang bumangon?” tanong ng lalaki at dahan-dahan akong pinaupo sa kama. Why did he ask pa kung ibabangon niya rin naman pala ako? “Si…sino kayo?” I asked. Nagkatanginin silang dalawa bago binalik sa akin ang tingin. The woman looks very worried. I get it. Siguro nagwo-worry siya kasi I don’t belong here in hell. Dapat nasa heaven ako. “Kami ‘yong muntikan nang makabunggo sa ‘yo,” sagot ng lalaki. My forehead creased. Makabunggo? “What do you—” Dahan-dahang nanlaki ang mga mata ko nang biglang nag flashback ang mga nangyari. I was with Alexi at his brother’s birthday. When I got home, dad told me I will be married. I packed my things and escaped with Yaya Helen. We were too scared that we ran so fast but she stopped and started chasing her breath. I was very worried and don’t know what to do and very tired and waited to be hit by a car approaching us. “I’m not dead?!” sigaw ko at napatingin sa buong kwarto. Right! I’m not dead! Wala namang painting ni Mona Lisa sa langit ‘di ba? May nakita kasi ako sa pader dito. I’m sure wala rin ako sa hospital. “You are not dead, hija. Dinala ka namin sa bahay namin pati na rin ‘yong nanay mo. Don’t worry, she’s safe. Nasa kabilang room na siya,” sabi ng babae habang nakangiti. She looks so innocent and fragile. Unlike kay Mommy na maldita sa unang tingin, maldita naman talaga. But wait. Mommy is with me? How? Last time I check si Yaya Helen ang kasama ko at hindi si Mommy—what the hell? They think Yaya Helen is my mother?! My mom will get mad at this people if she founds out na iniisip ng ibang tao na anak ako ng kung sino man knowing na magkamukha kami. Kulang na nga lang idikit niya ako sa katawan niya dati. Pero ngayon hahayaan niya si Dad na ipakasal ako? Did that really happen? Did he really said that? Kasi kung totoo hindi na talaga ako muna magpapakita sa kanila. Napatingin ako bigla sa dalawang tao na muntikan nang makabangga sa amin. “Sinabi niyo ba sa police ang nangyari? Sa media?” Nagkatinginan ulit sila at sabay na umiling. “We brought you here at our house para dito na gamutin kasama ang nanay mo. I’m a doctor. Good thing wala namang masamang nangyari sa inyo, you just need to rest,” sabi ng babae. “We didn’t tell anyone about what happened but if you want to report it to the police, ayos lang. I don’t know what happened at bakit kayo napunta doon ng nanay mo pero we will help you if you want.” Umiling ako agad. “’Wag niyo po sabihin sa mga police…o kahit kanino.” “Are you hiding?” tanong ng lalaki. Should I tell them? No. Aalis din naman kami agad ni Yaya. Hindi ko naman siguro sila kailangan bayaran, right? “Kilala niyo ba ako?” tanong ko. Sabay silang umiling. Good! They shouldn’t. “Nasaan si Ya—Nanay?” Fine. I’ll just pretend na Nanay ko si Yaya Helen even though hindi naman kami magkamukha. “Nasa kabilang room. She’s resting. May hika ang nanay mo—” “Aalis na po kami. Maraming salamat po,” sabi ko habang umaalis sa kama. I don’t have plans to stay here any longer. I’m sure my parents are already looking for me and in the next twenty-four hours, baka nasa TV na ako at binabalita. If this couple found out about it, sigurado akong ibabalik nila ako sa mga magulang ko and I don’t want that to happen. “Hija, are you sure? We talked to your mother already—” “Aalis na po ka—” “She said she wants to work here,” patuloy ng babae kaya natigilan ako. “Nakausap namin siya habang tulog ka. Sabi niya gusto niya raw magtrabaho rito bilang katulong.” What is Yaya Helen thinking? Akala ko ba gusto niya akong samahan kung saan ako pupunta? Bakit gusto niyang mag-stay dito? Is she abandoning me? “Gusto ko muna siyang makita,” sabi ko na lang. Tumango ang babae at tinuro sa akin ang kwarto kung saan nags-stay si Yaya. Umalis din muna sila ng lalaki na siguradong asawa niya para bigyan kami ng privacy. Pagpasok ko sa kwarto ay nakita ko si Yaya Helen na mukhang kagigising lang. “Ma’am!” sigaw niya pero mahina lang para hindi kami marinig. “You will stay here?” agad kong tanong. Napalabi siya. “Ma’am, hindi ba mas mabuti ‘yon?” Kumunot ang noo ko. “Anong mas mabuti? They will tell my parents about us—” “Ma’am, mukhang hindi ka hinahanap ng mga magulang mo.” Natigilan ako. What is she talking about? Hindi ako hinahanap? “Baka kasi wala pang twenty-four hours,” sabi ko. “Fourteen hours kang tulog, Ma’am,” sagot niya. “Naka-off naman po ang cellphone niyo kaya hindi ka ma-locate. Kanina pa po ako tumitingin sa TV pero walang balita tungkol sa ‘yo at sa kahit saang channel, wala talaga.” For some reason ay medyo nasaktan ako dahil sa sinabi niya. Hindi ako hinahanap ng parents ko, does that mean wala na silang paki sa akin? Am I that stubborn and they hate me for being one kaya ayos lang sa kanila na mawala ako? “I’m not staying here. Pupunta ako sa mga friends ko,” sabi ko. “Mahahanap ka agad doon, Ma’am.” “Then I will go far away. I have my cards with—” Natigilan ako nang ma-realize na hindi ko pala puwedeng gamitin ang cards ko kasi mahahanap ako nina Mommy. I know…I know to myself they’re still looking for me. Ayaw lang nila ipaalam sa media. Knowing my mother who’s very paranoid. Isa pa ay ako lang ang anak nila. Sinong magmamana ng mga ari-arian nila kung wala ako? I should be thankful na lang because they don’t let the media know that I’m missing. Makakapagtago ako na hindi mag-aalala na baka isumbong ako ng mga nakakita sa akin. “Ma’am wala tayong pera. Dito na lang kaya tayo? Sabi naman nila bibigyan nila tayo ng trabaho,” sabi niya, pertaining to the couple who helped us. “I don’t want to work,” mataray kong sabi at padabog na umupo sa couch na nando’n. She’s going to make me work? Is she serious? “You told them na anak mo ako?” I asked. Tumango siya. “Sinabi ko na lang na anak kita kaysa itanong nila kung sino ka. Baka kilala nila si Ma’am Cielo at Sir. Mayaman din kasi sila kaya baka magkakilala po.” I rolled my eyes. Fine, I’ll take that excuse. “My phone and wallet? Hindi nila nakita?” I asked. Umiling siya. “Natago ko po.” Bumuntong hininga ako at nag-isip. Ayaw ko talaga mag work. I don’t see myself getting married and being a maid either. Excuse me lang, I’m Shanna Patricia Mikaela Santiago. The door suddenly open and the woman earlier entered. May dala siyang juice and bread kaya natuwa si Yaya Helen. “Napag-isipan niyo na ba na mag-stay na lang dito? We want to hire a maid din kasi umalis na ‘yong isa naming maid,” aniya. I stared at her. I don’t know why she helped us but she looks harmful naman. Mukhang sobrang bait nga kaya tinulungan kami. And she said she’s a doctor. “Isang house maid lang ang kailangan niyo?” tanong ko. Tumango siya. “Yes. Your nanay want that spot.” “Paano po ako?” I asked again. I just want to know what work it is pero wala pa naman akong plano na mag-stay. She smiled. “I have a job for you.” “Pwede ko ba malaman kung ano…at kung sino kayo?” Naglakad siya papunta sa gawi ko bago pinakilala ang sarili niya. “I’m Dr. Maedel Ruarez. The man earlier is my husband, Sandro Ruarez. And my job for you is my son, John Vincent Ruarez.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD