“You’re kidding, right?”
Ipapakasal? Are they being serious?!
Am I in a cliché book where I have to marry a very wealthy man because our company is nalulugi na? Like, ew. Ang pangit naman ng buhay ko kung gano’n?
“No one’s kidding in this household, young lady. Umakyat ka na at matulog dahil bukas na bukas ay magpaplano na tayo kung kaylan gaganapin ang kasal mo,” seryosong sabi ni Daddy at umakyat na sa hagdan.
Nanlaki ang mga mata ko. “Seryoso ‘yon?!”
He stopped from walking and looked at me again at sobrang sama ng tingin niya kaya napayuko na lang ako dahil sa takot. My Dad is a lovely father but he gets scary minsan and I don’t want to fight with him kasi he’s way scarier kapag galit.
Lumapit sa akin si Mama at inayos ang suot kong damit. She thought tumaas lang ‘yong suot kong top pero sadya naman talaga na hanggang pusod lang ‘yon. This one’s very conservative naman.
“Mommy,” I made a paawa na boses. “Tell me the old man is joking.”
Bumuntong hininga siya at tinignan ako. “Kaylan pa nagbiro ang Daddy mo, Shanna Patricia Mikaela?”
Napapadyak ako. “Ipapakasal? Seryoso kayo? Mommy naman! You can’t let your only daughter marry someone she doesn’t know? I thought I’m your princess?”
“You’ll be a good wife—”
“I don’t even dream of getting married!”
“Gwapo ang mapapangasawa mo—”
“Marami akong lalaki—” Hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil nanlaki ang mga mata niya. “I should sleep. Maybe panaginip lang ‘to. I’m just drunk,” I said and faked a laugh.
Humalik na ako sa pisnge ni Mommy at tumakbo paakyat sa kwarto. Pero hindi pa ako nakakapasok ay nakita kong dumaan si Yaya Helen, my favorite yaya. Mukhang kagigising niya lang kasi humihikab pa siya.
I immediately held her arm papasok sa room ko kaya parang nagising siya sa gulat.
“Ma’am! Aalis ho kayo?” tanong niya.
I rolled my eyes. “Kakauwi ko lang po.”
Napatango siya. “Bakit niyo po ako hinila. What do you needing, Ma’am?”
“It’s need, Yaya. ‘What do you need’, gano’n. Your grammar is not improving at all talaga,” I said flatly and before she could say something again, nagsalita na ako. “My parents told me I’m getting married.”
Tumango siya. “Oo nga po, e.”
My eyes widened. “You knew about it?!”
Medyo napatalon siya sa pagsagot ko pero tumango pa rin siya. “Opo, narinig ko po kanina nag-uusap sila ni Ma’am Cielo tungkol do’n. Tapos sabi pa ni Sir Fidel baka next week na mangyari ang kasal. Naku, Ma’am, sinasabi ko sa inyo, maghanda na—”
“No!” Nagpabalak-balik ang lakad ko kanan-kaliwa habang nag-iisip ng gagawin. They most be kidding me?! Anong next week?! One week is not enough for me to mourn and they think naman na I will payag? Hell no! Never. Hindi ako magpapakasal!
“Ayaw mo ba magakasal, Ma’am. Matanda naman na kayo—”
“Shut up. I’m just twenty-five,” I said habang nakatulala sa sahig at nag-iisip ng puwedeng gawin. I already forgot that I’m drunk.
“Aw, pasensya ho. Sa amin kasi a probinsya kapag desi otso ka na hahanapan ka na nila ng asawa, e. Tapos, ma’am, alam mo ba do’n—”
“Right!”
Napatalon na naman siya sa gulat when I suddenly yelled. Humarap ako sa kanya humugot ng malalim na paghinga. “I’m going to leave.”
“Ano ‘yon, ma’am? Aalis?” tanong niya.
I rolled my eyes. Hindi ko na siya sinagot at mabilis akong pumunta sa walk-in-closet ko para kumuha ng maleta at pinasok doon ang mga clothes ko. I don’t check what I put inside it anymore, my eyes are getting blurry already.
“Maglalayas ka, ma’am?!” sigaw ni Yaya Helen habang pinapanood akong nagpa-pack ng clothes ko.
Sinamaan ko siya ng tingin. “Don’t shout. Bumalik ka na lang sa room mo and don’t…don’t you ever tell Daddy and Mommy. Maybe bukas pagkagising na lang nila,” I said na may pagbabanta sa boses ko.
Lalo siyang nataranta at hindi alam ang gagawin. “Sasama ho ako!”
Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. She said what?!
“Hindi ko po kaya na umalis kayo mag-isa, Ma’am. Kaya sasama po ako!”
Namewang ako. “Stupid ka ba? What if isipin ng parents ko that you kidnapped me?”
Umiling siya. “Hindi naman po siguro. Baka nga isipin din nila na naglayas din ako kasi napagalitan ako ni Ma’am Cielo kaninang hapon kasi nabasag ko ang paborito niyang vase,” naiiyak niyang sabi.
Napangiwi ako. “Ang stupid mo talaga. Alam mo naman ‘yong mood ng isang ‘yon,” naiiling kong sabi na ikinayuko na lang niya. “Fine. Get your things na, aalis na tayo ngayon din.”
Tumango siya at tumakbo na paalis sa room ko. Habang wala siya ay siniguardo kong nasa bag ang phone at cards ko as well as a little cash. I also changed my very revealing clothes to a simple oversized shorts and cycling. Three minutes later ay bumalik na si Yaya Helen bitbit ang dalawang bag. One is back pack tapos ‘yong isa naman ay ‘yong binibitbit.
Medyo na-shock ako. She prepared that for three goddamn minutes? Hindi naman niya ata pinaghanadaan ang pagtakas namin, right?
“Lesgo, Ma’am!”
“Shh! Ang lakas ng boses mo mahuhuli tayo.”
Kinuha ko na ang bag ko at binuksan ang door para i-check kung may tao sa hallway. Usually kasi ganitong oras nagigising ang mga maids and I don’t want them to see us.
The lights are still off, it means wala pang may nagigising. Good! But of course hindi kami sa front dumaan. As someone who knows where the cameras are placed, alam ko rin kung saan dadaan since umuuwi akong late---every night.
“Ma’am, madilim,” reklamo ni Yaya Helen sa likod for the nth time. I groaned in annoyance and told her to shut up for the nth time as well.
We successfully escaped the mansion without the security knowing. I don’t know kung magiging thankful ba ako kasi tulog ‘yong guards sa West gate, e. But that’s the least of my worries now kasi we need to find a place.
Ngayon ko lang naisip. Saan kami pupunta?
“Ma’am!”
Sinamaan ko ng tingin sa Yaya Helen. Kanina pa siya sigaw nang sigaw! My gosh!
“Ma’am, nagising ata ‘yong guards sa West gate. May flashlight, oh!”
Napalingon ako sa pinanggalingan namin at nanlaki ang mga mata ko when I saw it too.
“Takbo,” mahina kong sabi at hinila ang maleta ko but it’s making a sound kaya wala akong choice kun’di buhatin ‘yon. We ran as fast as we could, far from the mansyon where the guards can see us.
Nakadating kami sa sementadong daan but since our house is far from the highway and hindi ka makakapunta doon kapag wala kang sariling sasakyan. Gosh, sana nagdala ako ng sasakyan?!
“Ma’am, balik na kaya tayo?” nanginginig na sabi ni Yaya Helen.
“Shut up. I don’t want to get married,” kinakabahan kong sabi habang nakatingin sa madilim na daan. I’m praying nasa may dumaan na puwede naming sabayan pababa sa main road.
“Mas gusto niyo bang mamatay dito kaysa—”
“Hindi tayo mamamatay, okay?! My gosh,” stressed kong sabi at kinuha ang phone ko. I was planning to call someone pero walang signal ang place. Minamalas ba ako?!
I’m trying to find a signal nang bigla akong nakarinig ng kaluskos. I looked at Yaya Helen ng masama. “Stop scaring me.”
“Hindi ako ‘yon—ahh!”
Napatili na rin ako ng tumili siya at sabay kaming napatakbo sa gitna ng sementadong daan.
“Oh my gosh! Mom!” I yelled while running as fast as I could. Mabilis akong tumakbo but because of my mabigat na maleta, mas nauuna pa sa ‘kin si Yaya Helen.
“Wait for me! Yaya Helen!” tawag ko sa kanya but seems like she can’t hear me anymore. Sa sobrang takot niya ay hindi na niya ako naisip.
“I hate this!”
Tuluyan ko nang binitawan ang maleta sa madilim na daan at tanging bag ko na lang na may lamang phone, wallet and some make-up I use for retouch ang dala ko.
God knows how I want that baggage to come with me but I don’t want to be left out by Yaya Helen! I don’t want to die tonight at lalong ayaw kong maikasal. I would rather die than getting married to someone I don’t know but I should at least try to escape if death is chasing me, right?!
“Oh, my God—Yaya Helen?!” gulat kong tanong nang makita sa daan ang katawan ng Yaya ko. I mean, she’s not dead but she’s catching her breath! This lady forgot na may hika siya and she keeps on running!
“Yaya—oh, gosh,” I started to walk slowly when my eyes are getting blurry. Am I going to faint as well?!
Nang makalapit ako kay Yaya Helen ay agad ko siyang hinawakan. Her eyes are closed while catching her breath—and so do I.
“We’re doomed,” bulong ko nang bigla akong nakarinig nang busina ng sasakyan. It’s going our way. Mabilis ang takbo nito and I know what will going to happen next.
Nanghihina na ang katawan ko. I can’t move anymore.
I laughed while waiting for the car to hit me, to hit us. At the end of everything mamamatay pa rin pala ako? I feel sorry because nadamay pa si Yaya Helen.
I closed my eyes and seconds later, I felt the car touched my skin.