KABANATA 1

2168 Words
“Tabi,” maarteng sabi ko sa malaking lalaki na humarang sa akin sa entrada ng Club. “Hindi puwedeng pumasok ang walang card—” Natigilan siya sa pagsasalita nang taasan ko siya ng kilay. By that, he immediately recognized me. “Ma’am Shanna?!” I leered. “Umayos ka, ah,” sabi ko at pumasok na. Soon as I entered the club, the familiar scent of the whole place lingers in my nose. Amoy ng sigarilyo at matatapang na pabango ng mga babae. Uh. I hate this. Hindi ba uso ang vanilla scent sa kanila? Gosh. “Shanna Patricia Mikaela!” Agad akong napalingon sa tumawag sa akin. As I expected, it is no other than Alexi, my friend. She’s wearing her ear-to-ear smile at parang gusto akong sugudin ng yakap pero pinakita ko sa kanya ang palad ko upang hindi niya gawin dahil wala ako sa mood makipagyakapan kahit kanino. Isa pa ay nagkita naman kami kaninang madaling araw. “Oh, Miss b***h, who are you?” natatawang tanong niya habang pinapasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa at ilang beses niyang inulit ‘yon. “Bagay ba?” tanong ko at maarteng umikot na parang disney princess para makita niya ang kabuuan ko. “Hell no!” she exclaimed. “Did you really cut your hair?!” “Of course not,” sagot ko at nilampasan siya. Agad naman siyang sumunod sa akin dahil alam niyang may sasabihin pa ako. “Bakit ko naman puputulin ang mahaba kong buhok? Mahalaga ‘to kapag may ka-s*x. Gusto ko rin naman maranasanan na ma-hard f*ck at mahila-hila sa buhok, ano.” Hinampas niya ako sa braso. “Tumigil ka nga. Alam mong hindi mo magawa pero puro ka pa rin salita,” nailing niyang sagot. “What happened and what’s with the wig? Mabuti’t pinapasok ka ng mga bouncer sa labas dahil sa get up mo?” I sighed. Tinapon ko na rin ang hawak kong wig na maikli sa basurahan na nadaanan namin dahil wala na akong balak na suotin pa ‘yon kanina. Sinuot ko lang naman ‘yon para makatakas sa bahay. “You know what I’ve been going through,” sabi ko habang inaayo ang mahaba kong buhok. “Ohh. You’re really making a lot of troubles these days.” Tinaasan ko siya ng kilay. “Nakakahiya naman sa ‘yo.” “Aba dapat lang! I’ve been saving your ass, Miss b***h. Be thankful for having me as your friend!” Sumimangot ako at humawak sa braso niya. “Can I stay with you tonight?” “No,” sagot niya agad. Hindi man lang niya pinag-isipan. Parang hindi ko kaibigan ang babaeng ‘to kung maka- ‘No’ sa ‘kin. Should I look around and find a new friend? “I hate you,” bulong ko. “Ikaw rin. Manipis lang naman po ang wall ng condo ko. My boyfriend is coming tonight and if you want to hear us—” “I’d rather sleep outside, Alexi,” putol ko sa sinasabi niya. Okay, I change my mind that fast. “Puntahan na lang natin si Anthony,” natatawang aniya at hinila na ako sa taas. Wala naman akong nagawa at saka pumayag na rin ako kasi mas maingay dito sa baba dahil mas malakas ang music. Sa itaas naman ay kung saan umiinom lang ang mga bisita ni Anthony, kapatid ni Alexi. This event is actually not in my schedule but since inaya ako ng magaling kong kaibigan ay pumayag na lang ako kahit gabi-gabi na lang kaming umiinom. I even brought a wig to disguised myself so I can leave the house without my father knowing. “Shang!” Napairap ako sa tawag sa akin ni Anthony. Hayop na lalaki talaga ang isang ‘to kahit kaylan, pero naalala ko na hindi naman pala siya straight na lalaki. "Stop it, puwede ba?" maarte kong sabi. Natawa siya. “Bakit ka nga pala late?” I looked at my wrist watch. “Tell me nga, Anthony, kaylan pa ako naging on time?” “Oo nga naman. Bakit ko ba tinanong.” Napabuntong hininga siya. “Anyway, enjoy! Go get wasted!” “Walang hottie?” tanong ko at umupo sa sofa kung nasaan si Alexi na nagce-cellphone habang nag-uusap kami ng kapatid niya. “Hanap ka, beh. Kahit lima riyan puwede at alam ko namang kaya mo dahil magaling ka sa mga ganyan,” natatawang aniya bago umalis. Napailing na lang ako at sumandal sa sofa. I crossed my legs kaya lumabas ang makinis kong hita mula sa suot kong damit na may slit sa gilid. I noticed how men looked at me with desire and lust on their faces. Hindi ko tuloy maiwasang mapairap. “Wala ka pang ginagawa pero agaw atensyon ka na. Mahiya ka naman kay Anthony,” natatawang ani Alexi at binigyan ako ng cocktail drink. “Kasalanan ko bang mas masarap ako sa mata kaysa sa kapatid mo?” biro ko. “Magso-sorry ako mamaya sa kanya.” “Tama ‘yan. Ipapaalala ko lang din sa ‘yo na uuwi ka mamaya dahil kung hindi, lagot ka sa Tatay mong dragon.” I rolled my eyes. Ipapaalala niya pa talaga sa akin kung gaano ka-strikto ang Daddy ko kahit nandito kami at nagsasaya. “I’m abandoning you, Alexi,” inis kong sabi sa kanya. “No, you can’t, my dear Shanna. Ako lang ang kaibigan mo.” “Everyone wants to be friend with me. Duh.” Inikotan ko siya ng mga mata. “Not because they like you as a friend. We both know na gusto ko lang kaibiganin kasi magaling ka sa lalaki,” pagtatama niya sa akin kaya kinurot ko siya. “You are so panira talaga, e.” “Talaga lang, Shanna Patricia Mikaela,” aniya at nag flying kiss sa akin. Naghanap ako ng lalaki. There’s a lot of men trying to hit on me sa loob ng isang oras na pananatili ko rito, partida hindi pa ako umaalis sa kinauupuan ko. Boring. Hindi ko alam pero wala akong gana lumandi ngayong gabi kaya uminom na lang ako. I remember how pissed off I am earlier when Dad told me that I’m not allowed to go anywhere. Nakalimutan niya bang hindi na teenager ang anak niya? My gosh. “What’s wrong with you?” natatawang tanong ni Alexi nang makita akong inisang inom ang tequila na nasa baso. “Tinatamad na ako magtrabaho,” sabi ko at sumandal sa sofa dahilan bahagyang umangat ang dibdib ko. My cleavage is showing as if it’s going to pop out of my dress. Lalong dumami ang mga matang napapatingin sa akin pero wala akong pakialam dahil bukod sa sanay na ako, alam kong hanggang tingin lang naman sila. “Shanna, babe, I just want to remind you that you’re not working your ass off so stop saying that your tired,” aniya at inikutan ako ng mga mata. “Nagtatrabaho ako. Pumunta ako sa salon at sa spa kanina,” sagot ko habang ginugulo ang mahaba kong buhok. Naiinitan ako. “Pumunta ka lang naman. You just checked your employees and left after.” “Bakit mo alam?” “Kasi tamad ka.” I leered and ask the waiter to give me another glass of tequila. “It’s just nonsense. Why do I have to work if we have money to spend? Sa sobrang dami ng money ng parents ko, hindi ba dapat maging mabuti na lang ako na daughter na taga bawas sa mga perang ‘yon?” I heard her laughed. “Lasing na ang gaga.” “I am not lasing,” agad kong sabat at sinamaan siya ng tingin. “Ikaw ang nonsense, Shanna, itigil mo na ‘yan,” aniya habang patuloy pa ring tumatawa. I don’t know what’s funny. I’m fudging serious in here kaya. May point naman ako. Mayaman kami, kaya nga kami may mansyon na sa sobrang laki halos hindi ko na makita ang mga magulang ko dahil hindi ko alam kung saang lupalot sila pumupunta. Nakikita ko lang sila kapag may mga problema sila sa akin. They just go and see me in my room when they’re mad at me because I went home late and waisted or I am not doing my job. My mom gave me a salon and spa for me to ran. Aniya ay para raw magkaroon naman ako ng pinagkakaabalahan dahil puro na lang daw ako gala pagkatapos kong grumaduate. Isn’t that obvious that I don’t like to work? Argh. “I want to pee,” sabi ko pagkatapos ubusin ang laman ng bason a hawak ko. I’m already talking to myself because Alexi is nowhere to be found. I think she’s in the dancefloor swaying her ass or maybe she’s just somewhere wanting to be banged. I don’t care, gusto kong umihi. Nahihilo na ako but I still manage to find the rest room. May tatlong lalaki na sunod-sunod na humarang sa akin pero pinakitaan ko lang sila ng palad. It’s my way of saying ‘stay away from me’. Good thing they’re not persistent. Subukan lang din nilang pilitin ako dahil ako mismo ang sisipa sa kanila palabas ng place na ‘to. I know I’m gorgeous and everyone calls me a slut or a b***h because I attracts a lot of men, pero hindi naman ako pumapatol sa kahit kanino lang. I know how to choose and I choose the best. Gwapo. ‘Yon ang sabi ko sa utak ko nang may nakita akong lalaki na muntik ko nang makabanggaan. Pabalik na ako sa table namin kanina nang makasalubong ko siya. Oh, unfamiliar. I didn’t see him earlier so I assume he’s a late comer. Halos nakita ko na kasi ang mga lalaking nandito kanina at hindi sa pagmamayabang pero halos lahat sila ay pinagtitinginan ako. I like this man. I’m sure he will like me too. “Hi—” hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang bigla na lang niya akong nilampasan. What made my lips parted is that he didn’t even try to look at me kahit muntik na kaming magkabanggaan dahil nakatingin siya sa phone niya. Did he just ignore me?! I am Shanna! How dare him! Hindi ako makapaniwala habang tinitignan ang likuran ng lalaki. Medyo madilim kaya hindi ko masyadong makita ang kagwapohan niya pero hindi ko makakalimutan ang mukhang ‘yon. How dare him ignore me? “JV!” tawag sa kanya ng isang lalaki. JV, huh? Umikot ang mga mata ko. Dalawang letra ata ang pangalan niya. May trauma ako sa dalawang letra. I tsked and took my bag from the sofa and left. I texted Alexi and Anthony that I’m leaving already. Inaantok na ako, dala ng kalasingan. “You should drive slowly for you to get home safe and alive,” I reminded myself before staring the engine because I’m aware that I’m already drunk. Kanina pa ako patumba-tumba sa labas at umiikot ang paningin ko kahit nakaupo na ako ngayon. Sana hindi na lang ako nag-remind sa sarili ko. I just found myself racing in the road as if I have enemies. Nag-overtake ako sa mga mababagal na sasakyan at nakarinig pa ako na may sumaway sa akin pero patuloy pa rin ako sa pagpapatakbo hanggang sa makauwi sa mansyon. Ubos ang gas ng sasakyan na hindi ko na ipinagtaka. I just chuckled and went inside the mansion humming a song. I thought that everyone is already sleeping because it’s already quarter to two. Madaling araw naman kasi ako umuuwi kasi siguradong tulog na ang parents ko ng ganitong oras pero gano’n na lang ang panglalaki ng mga mata ko nang makita si Mommy at Daddy sa sala. Why the hell are they awake?! Are they vampires?! Mapapagalitan na naman ako kasi sinabihan na ako ni Dad na huwag lumabas pero ito ako, madaling araw na nakauwi at lasing na naman. “Mikaela,” tawag sa akin ni Daddy. Ang sama ng tingin niya sa akin habang si Mommy naman ay napapailing sa tabi niya pero nasa mukha nito ang pag-aalala. I think, kailangan ko nang kabahan. I smiled at them. “Dad,” sagot ko at pumikit dahil pakiramdam ko matutumba na ako sa sobrang kalasingan. “Simula ngayon ay gusto kong ihanda mo na ang sarili mo,” aniya at alam kong may kasunod pa ‘yon pero hindi niya pa itinuloy. “For what is the handa? May party?” tanong ko. Inaantok na ako, hindi ba puwedeng tomorrow na lang? I yawned. Matagal ako kung humikab kaya nang sabihin ni Daddy ang karugtong ng gusto niyang sabihin ay nakanganga na ako, hindi dahil sa hikab kun’di dahil sa gulat. “Maghanda ka dahil ikakasal ka na. Masyado ka nang sakit sa ulo namin ng Mommy mo kaya mabuti nang itali na lang kita para makabuo ka ng sarili mong pamilya at matuto.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD