CHAPTER 8

2442 Words
Chapter 8: A night with him "Thanks," tipid na sabi ko sa kanya. Tumayo ako pagkatapos ay sinulyapan si Markus. Walang emosyon, there's no new naman. He rolled his eyes on me. Pinagtaasan ko tuloy siya ng kilay saka ko siya tuluyang tinalikuran. Sungit. Muli akong umakyat sa itaas. Rest? I need a rest? May spare room kaya ang engineer na iyon? At doon ako matutulog. "Markus, what did you do this time?" dinig kong tanong ni Dr. Dex sa kaibigan niyang engineer. Pabulong lang iyon ngunit narinig ko naman. "What?" bored na sagot pa ni Markus sa kaibigan niyang doctor. Hindi ko na narinig pa ang sinagot ng doctor. Hinanap ko kung may spare room ba siya pero wala. Naturingan na may second floor ang condo niya ay isa lang pala ang kuwarto niya at sa kanya pa iyon. Pero may library siya at mukhang may pagkakataon na roon siya nagtatrabaho at ang laki rin ng walk-in-closet niya na connected pa iyon ng bathroom niya. Sa huli ay ang kuwarto niya ang pinuntahan ko at dahan-dahan akong gumapang sa king size bed niya at pagkatapos ay humiga roon. Now, naramdaman ko na ang pagod ko. Pero hindi pa ako masyadong inaantok dahil siguro nakatulog ako kanina. Napatingin ako sa braso ko. Nalukot ang matangos kong ilong nang makita ang pamumula no'n at may mga galos at sugat din. I rested my left arm on my forehead and took a deep breath. Bumukas ang pinto kaya pumikit ako. "You okay? I brought you a milk here," marahan ang boses na saad niya pero hindi ko siya kinibo. "Theza Marie," mariin na bigkas niya sa pangalan ko at naramdaman ko ang presensiya niyang papalapit sa akin. He sat down at the edge of my bed, my bed? Kama niya pala. Tsk. "You need to drink this first," saad niya. "What am I?" malamig na utas ko sa kanya at narinig ko na naman ang pagbuntong-hininga niya. "What am I? A kid?" ulit ko sa sinabi ko kanina. Hinawakan niya ang kanang braso ko kaya mabilis na tumayo lahat ng balahibo ko sa katawan at mas nagugulo pa ang t***k ng puso ko. Tila hindi na ito mapakali. Hindi na normal ang pintig nito at may nararamdaman din akong kuryente na nagmumula pa iyon sa kamay niya. "I'm sorry, okay? Hindi mo naman kasi sinabi sa akin na na-hold up ka," sabi niya na tila ako pa ang nagkamali, na ako pa ang sinisisi niya. Base lang sa kanyang boses. "I'm asking a help from you," sabi ko at narinig ko ang pagtikhim niya bago niya ako hinila para makaupo sa kama. Dahil sa lakas ng impact nang pagkakahila niya sa akin ay sumubsob pa ako sa matigas niyang dibdib. I groaned because of frustration. "What's that sound?" he asked me, I mentally rolled my eyes kahit na hindi naman niya iyon nakita. Natuwa kasi siya, eh! Hinawakan ko siya sa dibdib niya para itulak palayo sa akin. Masyado siyang malapit sa akin at naaamoy ko na rin ang pabangong gamit niya o natural lang iyon? "Distance," I said. He hand me a glass of milk, kaya no choice ako kundi ang kunin iyon at dahan-dahan na sumimsim ng gatas. Ramdam ko ang mabibigat na titig niya sa akin but I ignored it. "Staring is rude," I uttered without looking at him and he chuckled. What's wrong with him? Hindi ko siya maintindihan. Kanina he's rude and heartless tapos ngayon? Nagiging maalaga siya, gentleman at mabait. I don't understand his attitude. "And I stared at the rude queen of Spain," he said. Inubos ko ang milk na tinimpla niya saka ko ibinalik ang baso sa kanya na wala ng laman. "Leave," sabi ko. He raised a brow. "This is my room," laban niya sa akin. "Pinapalabas mo ba ako?" I asked him. "Sinabi ko ba? Ikaw nga ang nagpapalabas sa loob ng kuwarto ko." "I don't understand," wala sa sariling saad ko. "What?" naguguluhang tanong niya sa akin. "Your attitude," dugtong ko. Umalis na siya sa pagkakaupo sa gilid ng kama na hinihigaan ko at hinila ang makapal na comforter niya. Okay, kinumutan niya ako pero pati ang mukha ko ay dinamay niya. Hinayaan ko na iyon para hindi ko na makita ang face niya. Naiirita lamang ako. Ilang segundo ang nakalipas at naramdaman ko ang paghawi niya ng kumot sa mukha ko kaya napadilat ako. Ilang malulutong na mura ang narinig ko from him kaya mas sumama lang lalo ang loob ko sa kanya. "Language, engineer," I warned him. "Just rest, Medina," he said in a flat tone. I shrugged my shoulder at muling pumikit. Maya-maya lang ay bumigat na ang talukap ng mga mata ko. Bago pa man ako tuluyang makatulog ay inayos pa ni Markus ang kumot sa katawan ko bago ko narinig ang pagsara ng pinto sa kuwarto niya. Lumabas na siya, marahil. Sometimes, he's mabait naman pala but most of the time ay masungit at rude. I WOKED up the next morning. Okay na ang pakiramdam ko kaya bumangon na ako pagkatapos. Nanghilamos lang ako sa banyo saka ako bumaba. Naabutan ko si Markus na natutulog sa sofa niya. Sa laki ng katawan niya ay tila hindi pa siya kasya roon. May kumot siya at unan. Naglakad ako palapit sa kanya at lumuhod sa tapat niya. Maamo ang mukha niya at mukha rin siyang mabait kapag tulog. Pero hindi kung gising dahil pati ako naiirita sa ugali niya. He's guwapo pero bakit kahit tulog pa siya ay salubong din ang kilay? I was about to touch his face nang marinig ko ang pag-iingay ng...phone niya. Nasa coffee table niya iyon. Tiningnan ko lang iyon at umalingawngaw sa loob ang ringtone niya. Pero hindi man lang siya nagising. Hindi na ako nagdalawang isip pa at inabot iyon. Nangliit ang mga mata ko nang makita ko ang caller ID. Rio-jane Villarde ang tumatawag sa kanya. Iisipin ko na sana na baka kaibigan niya o secretary niya lang kung wala lang heart emoji ang nakadugtong sa pangalan na iyon. Ako ang tipong babae na hindi nakikialam sa mga gamit ng ibang tao, na maski sa papa ko ay hindi ako nakikialam but not with Markus. Ewan ko kung bakit tila gusto ko siyang ipagdamot sa ibang tao. O kahit pa sa girlfriend niya. I tapped my chest, may kirot na naman sa puso ko. "Yes?" sagot ko from the other line. "M-Markus?" she uttered Markus name pero mukha pa siyang kinakabahan dahil nauutal pa siya. "Who are you?" malamig na tanong ko sa kanya. "Rio, n-nasaan si Markus? At s-sino po pala kayo?" sunod-sunod na tanong niya sa akin. "I'm his fiancée," I answered. Gusto ko sana marinig pa ang sasabihin niya at malaman ang magiging reaction niya kapag nalaman niya na may fiancée na ang boyfriend niya pero sa halip ang boses niya ang marinig ko ay si Engr. Markus ang nagsalita sa tabi ko. "What the hell are you doing?" he asked me, coldly. Marahas na hinila niya ako patayo at sobrang higpit ang pagkakahawak niya sa braso ko ay halos mapiga pa iyon at masakit pero hindi ako nagpakita ng kahit anong emosyon sa mukha ko. "What the f--," hindi niya naidugtong nang maayos ang pagmumura niya nang makita ang hawak-hawak kong phone. Mabilis na inagaw niya iyon sa akin at binigyan niya ako ng matatalim na tingin. "Who gave you the permission to touch my property?!" galit na galit na tanong niya sa akin pero nanatili pa rin akong walang imik at pinagmasdan lang siya. Marami pa siyang sinabi na masasakit na salita pero hindi ko na nagawang ipagtanggol pa ang sarili ko sa kanya. Dahil wala ako sa mood na makipagpalitan ng maaanghang na salita sa kanya. Mas lalo lang siyang nagalit sa akin nang hindi ako nagsalita. Tinalikuran ko siya at dumiretso sa pintuan ng unit niya at lumabas. "Where are you going, Theza Marie?!" I heard him asked me. 'Saktong bumukas ang elevator at iniluwa no'n si Dr. Dex. Medyo nagulat pa siya nang makita ako. "Theza?" Bago pa ako maabutan ni Markus na humihingal na tumatakbo palapit sa akin nang mabilis kong pinindot ang close button, paulit-ulit hanggang sa tuluyan itong magsara. Déjà vu... "Wait!" May naalala ako. Siya pala ang akmang sasakay ng elevator na hindi ko siya binigyan ng pagkakataon na makaabot pa. Ramdam ko ang bawat titig ng mga tao sa condominium. Maging ang mga staff ay nakatingin sa akin. Baka conscious sila sa suot ko. Naka-shirt at pajama lang ako. Minsan lang akong makitang ganito kasi madalas ay formal lang ang mga suot ko. I ignored all of them. Nang makalabas doon ay naghintay ako sa gilid ng kalsada. Papara sana ng taxi at nang may huminto na sa tapat ko ay kaagad na hinawakan ko ang doorknob ng sasakyan pero mabilis na napabitaw ako nang makaramdam ako ng takot at kaba. Sinubukan ko pa ulit iyon na hawakan pero nabitawan ko pa rin. Nainis siguro ang taxi driver kaya pinaharurot niya ito palayo. Muling may huminto na taxi at ganoon din ang nangyayari. Nang dahil sa nangyari sa akin kahapon ay nagka-trauma na ako kaagad? "Miss, sasakay ka ba o hindi?!" tanong sa akin ng taxi driver at pinagtaasan pa niya ako ng boses. In the end ay hindi pa rin ako nakaalis doon. Naabutan ako ni Markus at mukhang kanina pa niya ako nakitang pumapara ng taxi pero hindi man lang ako makasakay dahil sa takot. "You okay?" he asked me from behind. Hindi ko siya pinansin at muling may huminto na taxi. Gusto ko nang umalis sa lugar na iyon kaya sinubukan ko pa ring gawin ang nais ko na sumakay ng taxi pero nanginig lang ang kamay ko. Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya at hinawakan ang nanlalamig kong kamay. Napansin niya iyon kaya marahan na pinisil niya. "It's okay," pang-aalo niya sa akin and I felt relief. Para akong nasa panganib kanina at nang dumating siya ay naramdaman ko na safe ako kapag kasama ko siya. Hindi na ako nagprotesta pa nang hilain niya ako sa parking at pinasakay sa sasakyan niya. Medyo may kataasan pero hindi naman ako nahirapan dahil matangkad naman ako. Siya pa ang nagsuot ng seatbelt ko dahil alam niya na wala akong balak na suotin iyon. Nasa labas ng bintana ang atensyon ko. Dinig na rinig ko ang paulit-ulit na pagtikhim niya na alam kong kinukuha niya lamang ang atensyon ko pero hindi ko siya pinagbigyan. Silent treatment ang natanggap niya mula sa akin at hanggang sa naihatid niya ako sa hotel kung nasaan naka-check in ang pinsan ko. Nag-usap pa sila ni Rudelyn at ramdam ko ang pasulyap-sulyap niya sa akin na ipinagsa-walang bahala ko na lamang. "She's fine, ganyan lang talaga siya kapag sinumpong ng silent treatment niya," rinig kong wika ni Rudeng. "M-Madalas ba siyang ganyan?" nauutal pang tanong niya sa pinsan ko. "Halos everyday naman at kung naiirita siya sa mga bagay-bagay o sa mga tao. Iwasan mo lang ang pagalitan siya dahil baka isang buwan ka niyan na hindi kakausapin at madadamay ang mga tao sa paligid niya, even me. Ganyan siya madalas sa akin pero nasanay naman ako. Sorry sa attitude ng cousin ko, ha Engr. Markus?" sabi pa niya. Umalis siya na hindi na niya ako nakausap pa. Just like what I said, wala ako sa mood na makipag-usap sa kanya. "Nadamay na naman ako sa sumpong mo! Thez, naman," tila naiiyak na wika pa ni Rudelyn. She tried to talk to me pero sumuko lang siya dahil hindi niya ako makakausap ng matino. Pero sa hapon ay naging makulit siya at sinubukan pa rin niya akong kausapin. "You spend your night with him? How's that, Thez?" she asked me. My first night with him? Wala namang special na nangyari. Maliban sa nairita nga ako early in the morning. Feeling ko hindi lang ang dahilan na pinagalitan ako ni Markus kahapon. Sumama rin ang loob ko sa girlfriend niyang si R-Re... I forgot her name. Wala pa man ay brokenhearted na ako. Lumipas ang dalawang araw at concert ko na. Sa two days na iyon ay na-survive ako na hindi nagsasalita. Kaya nakasimangot ang face ni Rudelyn. Hindi ako nagsasalita pero kapag may itinatanong siya tungkol sa akin at sa mga dress na susuotin ko ay tumatango at umiiling naman ako. Pero bagsak pa rin ang balikat niya. Natapos ang concert ko at tumagal din iyon ng limang oras. Nag-bow lang ako sa mga taong nanonood sa akin bago ako umalis sa entablado. Nakakabingi ang masigabong palakpakan nila. "Congrats, Thez! You're the best talaga!" salubong sa akin ni Rudelyn. Tumango lang ako sa kanya at yumakap pa siya sa akin nang mahigpit. Napatingin naman ako sa kasama niya. Isang magandang babae na hindi nalalayo ang edad niya sa amin ni Rudelyn. "Oh, this is Deborah Erseus. She's the one who invited you, Thez. Isa rin siya sa nagmamay-ari ng D. Entertainment. Dress designer din at balak ka niyang alukin na maging model niya!" masayang pahayag sa akin ng pinsan ko. Walang kaso iyon sa akin. Basta bigyan niya ako ng mahaba-habang free time. "Hi, I'm Deborah Erseus. Just call me, Boh," nakangiting sabi niya. She looked friendly naman at genuine ang pagpapakilala niya. Tumango lang din ako saka ko tinanggap ang nakalahad niyang kamay. "Boh, doon sa Spain ay ang mga violin lang naman ang mino-model niya but she's like a pro naman kaya hindi ka mahihirapan sa alaga ko," sabi pa ni Rudelyn. Muntik nang magsalubong ang kilay ko. Alaga ko? Mukha niya ba akong alaga? "Thank you for the opportunity na makilala ang cousin mo, Rud," Miss Boh said that. Halata na masaya nga siyang makilala ako. Hindi siya plastic na tao na katulad ni Engr. Markus. "Oh, Boh! Don't call me Rud! Feeling ko ay ako talaga ang rude at hindi ang pinsan ko. Rudelyn na lang," protesta pa ni Rudelyn at natawa lang sa kanya si Miss Boh. "Guess what we have tonight, Thez?" my cousin asked me. Ang lapad-lapad nang ngiti niya pero hindi ako mahahawa no'n. Tiningnan ko lang siya at kalaunan ay sumimangot. "What have you done, Engr. Markus?" mahinang bulong niya na narinig ko naman. "Guess what, Theza Marie Medina?" she asked me na naman. "Killjoy nito. Engagement party niyo na tonight! I'm so excited!" "Come on, we need to pili na dress for Miss Theza," Miss Boh uttered. Engagement party? I wonder kung ano ang iniisip ni Markus ngayon? He tried to back out na ba or what? May parte sa puso ko na masaya pero nangingibabaw ang lungkot dahil hindi naman niya ako gusto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD