CHAPTER 7

2940 Words
Chapter 7: His favorite seafoods "YOU'RE just kidding, right? S-Sa Sunday pa ang concert mo, Thez," nag-aalangang sabi sa akin ng pinsan ko. I took a deep breath. Napakahalaga rin sa akin ang concert na iyon, Rudeng. But I feel like, hindi ko pa yata kayang masaktan ng sobra-sobra. "You may leave now," walang emosyon na sabi ko kay Markus S. Brilliantes. Bahagya pa siyang napasinghap pero kalaunan ay ngumisi lang siya pero bago pa siya makapaglakad papalayo sa amin nang magsalita si Rudelyn. At huminto siya. Tsismoso. "W-Where did you get this wounds, Theza?! A-Ang dami mong galos dito!" nanlalaki ang mga matang saad niya at hinawakan niya ang kamay ko. Mabilis na inagaw ko iyon at itinago ko sa likod ko pero halos mapairap ako nang sinundan iyon nang tingin ng engineer. "Nasaan ba kasi ang coat mo?! At bakit namumula ito?! Nagbabad ka ba sa araw?!" sunud-sunod na tanong niya sa akin. Nauunawaan kong nag-aalala siya sa akin pero ayokong masaksihan iyon ng lalaking kasama namin at baka isipin pa nito na baka para pa rin akong bata kung alalahanin at alagaan ng pinsan ko. At bata rin kung itrato. "What's with that?" Markus asked her in a monotone. "Sensitive ang balat niya at hindi siya dapat ibilad sa araw. Mabilis na namumula ito," sagot ni Rudelyn. I want to stop her, Rudeng huwag mo siyang bigyan ng mga impormasyon tungkol sa akin! Baka sabihin pa nito na maarte ako. "Ganoon siya ka-sensitive?" may pangungutyang saad niya at doon na natigilan si Rudelyn. "Ano pa ang mga katangian niya? Maliban sa bawal siyang magbilad sa araw? Don't tell me ay bawal din siyang maulanan dahil mabilis siyang magkasakit?" tanong pa nito. Malamig ang mga matang tinitigan ko lang siya. Naikuyom ko ang kamao ko nang mabasa ko ang emosyong naglalaro sa mga mata niya. Pinagtatawanan niya ako. "Marami pa. Baw--" bago pa matapos ni Rudelyn ang sasabihin niya nang hinawakan ko na siya sa braso niya at kasabay no'n ang pagbagsak ko sa sahig. Napaluhod ako at bigla akong pinagpawisan. Ang sakit ng tuhod ko na tumama sa floor. "Thez! Oh, my God! Are you okay?!" hysterical na tanong sa akin ng pinsan ko. Ramdam ko ang malamig na mga mata ni Markus, at talagang pinanood niya lang ang pagbagsak ko. Namilipit ako sa sakit ng tiyan ko kaya dahilan na mariin na napapikit ako pero kahit ganoon ay hindi ko pa rin ipinakita ang emosyon ko. Kahit gaano pa kasakit ang tiyan ko ay hindi ako nag-react. Ramdam ko ang panunuyo ng lalamunan ko. Ganito ang resulta kung hindi ako kumakain sa tamang oras ng pagkain. Kaya palaging nakaalalay sa akin si Rudelyn. "Thez, ano ba?! Sumagot ka naman! Huwag ka ngang humiga riyan!" pigil niya sa akin dahil muntik na nga akong tumihaya sa sahig. "Let me help her," baritonong sabi niya at naramdaman ko ang pag-angat ng katawan ko sa ere. I want to protest. Nakakainis. He carried me bridal style and I hate that. Bumibigat ang talukap ng mga mata ko at hindi ko na rin kayang ibuka ang bibig ko upang magsalita pa. Nagpaubaya na lamang ako. "Hindi sa hospital, please. Ayaw niya roon. Pumasok na lang tayo sa suite namin at magpapatawag ako ng doctor," dinig kong wika ng pinsan ko. "Oh, shoot! A-Ayokong iwan ang pinsan ko pero... Favor lang Markus. Kailangan ko kasing asikasuhin ang mga gamit na nanakaw mula kay Theza at para makapag-file ako ng kaso sa hold-upper na iyon," anas niya. Gusto kong tumanggi. Don't leave me here, Rudeng... Lahat na lang ay ayaw ko at gusto kong magprotesta. "Go ahead, I can take care of her." "Salamat! Babalikan ko siya after this!" Ang nagmamadaling footsteps na lang niya ang narinig ko at nagsimula na ring maglakad si Markus. Napasandal ako sa matigas at matitipuno niyang dibdib. I can even smells his scent. Halos hindi ko na namalayan ang lahat at ang tangi ko lang naaalala ay nasa unit na niya kami. Ibinaba niya ako sa mahabang sofa. And this time ay nagpapaka-gentleman na naman siya dahil maingat ang bawat galaw niya. "Stay here," saad niya bago niya ako iniwanan. Ang malawak at maganda niyang living room ang bumungad sa akin pagmulat ko. Grey, black, and white. Ganoon lang ang theme and structure ng condo niya. Nasa tapat ko ay ang malaking TV set. May coffee table, isang mahabang sofa na kulay abo na ngayon ay inuupuan ko, tatlong solo sofa naman at may mga vase rin ang naka-display sa gilid ng TV set. Nasa left side lang ang main door ng condo niya at mula sa likuran ko ay may isang black door at may hardcard ang nakasabit sa pintuan. Kitchen. May hagdanan din at kung hindi ako nagkakamali ay baka nandoon ang kuwarto niya. Sumandal ako sa likod ng sofa at muling bumuntong-hininga. Maya-maya lang ay narinig ko ang mga yabag niya sa hagdan at ang papalapit na presensiya niya. Hayon na naman ang weird na pakiramdam ko sa tuwing nasa malapit lang siya. Bumibilis ang t***k ng puso ko at bigla akong kinakabahan sa hindi malaman na dahilan. Pero alam ko na hindi ako takot sa kanya. "Take a shower first. Mag-oorder ako ng pagkain. Umakyat ka na sa itaas, nandoon ang kuwarto ko," sabi niya sa akin at inalalayan pa akong makatayo. Mabilis na tinabig ko ang kamay niya na ikinagulat pa niya. "What?" malamig na tanong niya at umiigting ang panga niya. "What are you a robot?" I mentally asked him. "W-What?" he asked again. "Nakukuryente ako," maigsing sagot ko bago ko siya tinalikuran pero nagawa ko pang banggain ang balikat niya. Para siyang nabato sa kinatatayuan niya. DAHAN-dahan ang bawat paghakbang ko sa hagdanan at ramdam ko na naman ang mga mata niyang nakasunod sa akin. Naka-suot pa ako ng doll shoes at hindi talaga ako nag-abalang tanggalin ito. At alam ko kung titingnan ako ay para akong tinatamad na maglakad. Well, ganito ang paraan nang paglalakad ko. May pagkabagal iyon. Dahil sa kabagalan ko ay hindi man lang gumagawa ng tunog ang bawat paghakbang ko. "Ganyan ka bang maglakad?" dinig kong tanong niya. Nasa boses ang iritasyon. "Pake mo," malamig na sagot ko. "Sh*t, napaka-bagal mo!" sigaw nito sa akin. Tumaas lang ang sulok ng labi ko. "Walk fast, not that way, Theza Marie!" tila stress na sabi niya kaya napalingon ako sa kanya. Five steps lang ang layo ko sa kanya. Nakatingala siya sa akin at kunot na kunot ang noo. Maikli lang pala ang pasensiya ng mga engineer o siya lang? "Actually, ito na ang pinakamabilis na kilos ko," sabi ko. Masyadong napahaba ang words ko. Gusto ko tuloy bawiin. "What?" naguguluhang tanong niya. Nagsimula ulit akong umakyat ng hagdanan pero may kabagalan na ito. Yeah, gusto ko siyang asarin. "Theza Marie!" tawag niya sa pangalan ko, may pagbabanta. Muli ko siyang nilingon at nakita kong paakyat na rin siya kaya binilisan ko na ang paghakbang ko. Nilagpasan ko ang isang hakbang pero muntik na akong madulas nang sumigaw na naman siya. "Mahuhulog ka niyan!" he shouted. Ano ba talaga? Slow or fast? Nasa may pintuan na ako nang muntik na niya akong mahabol. Pero malakas na sinara ko ang pinto ng kuwarto niya. "Theza Marie!" Napangisi ako. Ganyan nga, Markus. Paano mo kaya i-handle ang mga katulad ko na matigas ang ulo at walang sinusunod? Kung hindi ka lang naman ang papa Thenzel ko. Tsk. Katulad ng inaasahan ay malaki rin ang kuwarto niya at ganoon din ang structure. May itim na curtain sa glass window. May malaking kama at pati ang comforter at bedsheet niya ay black din. Ang unan niya lang ang white. May study table rin siya sa right side ng kama at may terrace pa. Nakita ko sa kama ang damit na hinanda niya sa akin. Huminto na ako sa pagsusuri ng kuwarto niya at tinungo ko na lamang ang banyo. Wala sa sariling napatakip ako sa ilong ko. Amoy Markus, tss. Napatingin naman ako sa tatlong bimpo na nakasampay sa itaas. Gray, black and white. May maliit na towel din at kompleto rin ang mga gamit niya rito. Sinara ko ang pintuan at sinimulan kong tanggalin ang butones ng suot kong blouse. I was about to remove my blouse nang biglang bumukas ang pintuan ng banyo. Para akong nabato sa kinatatayuan ko at napapikit na niyakap ang sarili ko. Kitang-kita ko rin ang gulat na reaction niya. Tumayo ang balahibo ko sa katawan, particular na ang balahibo ko sa batok dahil nasundan pa ng mga mata niya ang katawan ko na 'sakto lang noong maghuhubad na ako ng blouse. Ang black brassiere ko ang bumungad sa kanya. "Labas!" sigaw ko sa kanya at bago pa nga siya lumabas ay ngumisi pa siya sa akin. "Nakaganti rin. By the way, nice boobs," natatawang sabi niya mula sa labas ng banyo. Mabilis na nag-init ang magkabilang pisngi ko at nang makita ko ito sa half-mirror niya ay pulang-pula na nga ang mukha ko! Matapos ang kahihiyan na iyon ay kaagad na ako naligo. Inabot ko lang black towel at binalot iyon sa hubad kong katawan. Humigpit ang pagkakahawak ko sa bimpo nang makitang nasa loob ng kuwarto niya si Markus at prente lang itong nakaupo sa dulo ng kama niya. Bago pa ako makabalik sa banyo nang mapatingin na siya sa akin. Nagawa pa niya akong pasadahan nang tingin mula ulo hanggang paa ko at pataas na naman. Huminto na naman ito sa dibdib ko. Natatarantang humakbang ako paatras nang tumayo siya at lumapit sa akin. Ang kanina pang tuyung-tuyo na lalamunan ko ay nadagdagan pa at nahihirapan na akong huminga. Napasandal ako sa nakasarang pintuan at ilang hakbang lang din ay tumigil siya. "That's... Wow," he uttered at ang maliit na space sa pagitan namin ay tuluyan na niyang tinawid. Kasabay nang paghawak niya sa baba ko at inangat ito pataas. Bayolente akong napalunok dahil sa tensyon na nararamdaman ko between us. "You failed it. You let me show your emotions, baby," mahinang bulong niya at nagkakagulo na naman ang puso ko. Parang aatakehin ako sa puso ng wala sa oras. "This, this," usal niya at gamit ang free hand niya ay mahina niyang tinampal-tampal ang pisngi ko. Ang init ng palad niya kaya mas lalo lang natataranta ang puso ko. "Finally, someone's being uneasy." Mas lalo lang uminit ang pisngi ko sa ginagawa niya. Binitawan na niya ang baba ko pero nabigla ako nang hawakan niya ang kamay ko sa dibdib na mahigpit ang pagkakahawak ko sa bimpo dahil baka bigla na lang ito mahubad at malaglag. Mahina niyang tinampal ang kamay ko at hinawakan ang bimpo. Nahugot ko ang sarili kong hininga nang itinaas niya ang bimpo sa dibdib ko. Kung maaari lang ay baka gusto niyang umabot ito sa leeg. "Your cleavages is showing. Go, get dress and I need a cold shower," sabi niya at sa huli ay dinugtungan ng malulutong mura. Nagmamadali akong lumapit sa bed niya at isa-isa kinuha ang mga damit na hinanda niya para sa akin. May undies, I wonder kung saan niya nakuha ang mga ito. Maliban sa itim na pajama at puting shirt. Nalukot ang ilong ko dahil sa maliit na bra na kulay rosas pa. Masikip ito pero no choice ako kundi ang suotin ito. Pagkatapos kong magbihis ay nagmamadali na akong lumabas at bumaba. Hiningal pa ako at tinungo ko ang kitchen niya. Dumiretso sa ref at kumuha ng pitcher at nagsalin ng tubig sa baso. Tatlong basong tubig ang naubos ko kaya guminhawa ang lalamunan ko. "Hindi ako kumakain niyan," I said. Nasa kitchen niya kami parehas at hinahanda na niya ang magiging dinner namin. Seafoods ang in-order niya at kaya mabilis na nagreklamo ako. Well, bago sa akin iyon. At dahil kaharap ko si Markus ay hindi ko kakainin 'yan dahil baka malalaman na naman niya ang iba ko pang katangian. "Oh, poor you. Hindi nga tayo magkakasundo. This is my favorite," he said with a grin plastered on his face. "I'm fine with this," sabi ko at ang kanin na lang ang kinain ko. "Masarap ito," sabi niya. "I hate the smells," I lied. I love eating seafoods but my body rejected it. "And you need to cook this for me kapag kasal na tayo," biglang sabi niya at naiwan sa ere ang kamay ko. I glanced at him. "So, you want this?" I asked him. "As if may choice ako? And we can still file a divorce, let's settle that? In two years? What do you think?" I ignored him at ipinagpatuloy ko lang ang pagkain ko kahit walang ulam. Nangulit pa siya nang nangulit sa akin at naiirita na ako sa boses niya. "I want you for a lifetime, not in two years," seryosong sabi ko. "Did you find me attractive, huh Medina? Why do you want me for a lifetime? Do you like me? And are forcing me to love you?" malamig na tanong niya at umiigting na naman ang panga niya. "Why? Do you have any commitment to someone else?" balik na tanong ko sa kanya at natigilan siya. "May girlfriend ka?" "Wala," mabilis na sagot niya at nag-iwas nang tingin. "Then, why?" "What why?" "Bakit hindi natin subukan?" I asked him. He glanced at me, again. "I don't like you, that's the reason. You're not even my type. I told you already," hindi nag-aalanganang sagot niya at naikuyom ko ang kamao ko. He's already rejected me. "What's your type? Isang bata?" nanunuyang sabi ko at natigilan na naman siya. Matalim ang mga matang tiningnan ako. "Huwag mo siyang gagalawin, Medina. Hindi mo ako kilala kung paano ako magalit." Just like that, alam niya na may alam na ako sa tinatago niyang girlfriend. "High school?" I asked him. Bumaba ang tingin ko sa kamay niya. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa spoon niya at halos lumabas na ang mga ugat niya sa kamay. "Alam ba ito ng grandpa mo?" "Don't ever touch her, I warned you." Kung makapagbanta ay akala mo ay gagawin akong masama sa babae niya. At sa naisip na babae niya ay may kung anong bagay na naman ang bumaon sa dibdib ko. Tumayo ako at basta ko na lamang siya iniwan doon. "Where are you going?" tanong niya nang makitang palabas na ako sa unit niya. "None of your business," mariing sagot ko. "Theza Marie." Napairap ako. "I'm going back to Spain," sabi ko at mabilis na naglakad. Humabol pa siya sa akin at hinawakan ang braso ko. "Markus?" tawag sa kanya ng isang lalaki. "Dex," Markus uttered his name, too. "Come in at paki-check na rin ang ulo nito at baka nauntog," sabi niya at hinila na ako. Pinaupo niya sa sofa at sumunod ang lalaking nagngangalang Dex. "What are you waiting for, Dex? Do your work, already!" galit na sabi nito sa lalaki. Paano ba kasi ay nakatulala lang itong nakatingin sa akin. Tumikhim pa ang lalaki at bumuntong-hininga. "Saang bundok mo napulot ito, Markus? Nag-uwi ka pala ng magandang diwata sa condo mo," nakangising sabi nito pero sinamaan lang siya nang tingin ni Markus. "Shut up!" "Hi, I'm Dr. Dexil Moon Vergara, what's your name?" friendly na tanong ng lalaki at dahil tinatamad akong magsalita ay si Markus ang sinambit kong pangalan. "W-What?" nabibiglang tanong ng doctor sa akin. "Markus," sabi ko at itinuro ko si Markus na naguguluhang tiningnan ako. "Theza Marie." "Oh, that's her name. What about his name, baby?" the doctor asked me. Tiningnan ko lang siya at hindi sumagot. Bakit noong si Markus ang tumawag sa aking 'baby' ay hindi ako nakaramdam ng iritasyon? Tapos tila may paruparo pa ang lumilipad sa loob ng tiyan ko. Pero bakit ang doctor na ito ay nairita ako? "Nevermind," disappointed na wika niya at inayos niya ang stethoscope. Ang dami niyang katanungan tungkol sa nararamdaman ko at maiksi lang ang isinagot ko sa kanya. Minsan pa tungkol sa personal life ko. Hindi ko naman sinasagot tapos si Markus ang sumusuway sa doctor. Ginamot na rin ni Dr. Dex ang mga galos ko sa palad at braso ko. "Anong kinain mo ngayong araw?" "None," sagot ko. "How about your dinner?" "Kanin." He took a deep breath at napapansin ko na napapasulyap siya kay Markus. "You skipped your breakfast and lunch, do you?" he asked me again. "Yes." "Why? Base on my observation, parang napaka-precious mo. Hindi ka puwedeng malipasan ng gutom, dahil mamimilipit ka lang ng sakit sa tiyan. Namumutla ka pa rin. Umiinum ka ba ng tubig?" "No," I replied. Yes, no and none lang sagot ko. Kung iyon ang option. "Napakasimple naman no'n," nakakamot ulong saad niya. "I skipped my breakfast, because I was arrived from Spain this morning. Riding a taxi and got me hold-up in the middle. The taxi-driver snatched my things then ibinaba niya ako sa isang lugar kung saan may site roon. I'm asking a help of someone but he rejected me. He thought, I was following me. Assuming, 'no? Then, inutusan niya ang mga tauhan niya na huwag akong bigyan ng tubig para umalis na raw ako. Gentleman, right? I have nothing with me, so I'll wait for him at nakatulog ako because I'm tired at may jet lag pa ako. Nagising ako na madilim na ang paligid. Iniwan ako roon ng napaka-gentleman na engineer. And someone's running after me at muntik na rin akong mabangga," mahabang kuwento ko at natulala na naman sa akin ang doctor bago tumingin kay Markus. "How's that? Feel guilty?" Dex asked him. "Shut up, Dex." "Take your rest, Theza. At kung maaari ay damihan mo ang pag-inum mo ng tubig. Iwasan mo ulit iyon."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD