CHAPTER 6

2878 Words
Chapter 6 : Care no more "Help me." It's too late para bawiin ko pa ang salitang naibigkas ko na. Hindi ako komportable na sabihin iyon at tila binundol ng kaba ang dibdib ko. I want to take back, those words. Pero hindi lang naman si Markus Brilliantes ang nakarinig no'n dahil pati ang mga construction worker nila. "Go back to your work," maawtoridad na sambit niya sa mga lalaki na nakapalibot pa rin sa akin. Hindi ko na pinansin pa ang pagkamangha sa mukha nila. Nagkanya-kanya namang alis ang mga tauhan niya. Wala pa yatang balak pero mukhang napansin nila ang seryosong ekspresyon ng mukha ng engineer nila. Ganoon ba sila sa lalaking kaharap ko ngayon? "You shouldn't be here, Medina," malamig na sabi niya. I understand, ayaw niya talaga sa presensiya ko. And he called me by my surname. Palihim na pinasadahan ko pa siya nang tingin. He's wearing his formal outfit, pero walang necktie. Guwapo sana pero... "So, umuwi ka talaga rito para sa engagement party natin? And don't fool me that you need my help. You were here because you wanted to see me? You asked my family, am I right? Then me follow me here?" sunod na sunod na tanong niya sa akin. Naitikom ko nang mariin ang bibig ko. That's the reason kung bakit nakaka-turn off siya but I admit it, interesado akong makilala siya kahit ang kapalit nito ay sakit. I prepared myself to be hurt, I don't care about the consequences na alam ko someday darating din iyon. But yeah, I regret to said those words, I hope I could turn back the time at nang hindi ko na sinabi iyon. Pero wala. Nasabi ko na talaga. He's rude, too. "I'm serious," walang emosyon na sabi ko. "Go home, don't disturb my work. Or better go back to your country and don't came back," he said without emotions. "Oh, this is my country," sabi ko at natigilan siya dahil siguro sa pagsagot ko. Naninimbang na tiningnan niya ako at kahit ilang oras pa niya akong titigan ay hindi niya makikita ang pagbabago ng emosyon ko. Sorry, Markus. Kahit interesado akong makilala ka ay hinding-hindi mo ako makikitaan ng emosyon. "I'm from Philippines before I went to Spain," dagdag pang sambit ko. Humahaba na ang pananalita ko and that's a bad thing. "Fine, I'll go back to Spain," sabi ko pa at bahagyang nagsalubong ang kilay niya. "But not now." Sinadya ko talagang ibitin ang salitang ibibigkas ko. 'Yong tipong maiirita ka dahil hindi ko pa masabi-sabi ng buo ang salitang iyon. "And don't be sad kapag umalis ako sa bansang ito." Hindi ko alam kung saan ko kinuha ang lakas loob na sabihin ang mga katagang iyon dahilan na tumawa siya, hindi pagkamangha o ano. May tunog na insulto ang tawa niya. My heart throbbing in pain, again... "Where did you get that guts to say those words, huh, Medina? You're funny," natatawang sabi niya. "And you're annoying," I said. Unang kita ko pa lamang sa kanya ay hindi na niya ako pinakitaan ng kahit na isang emosyon. He looked serious. Pero ang gentleman niya noon dahil ba... "And here you are, asking me a help. Don't make me fool, Theza Marie Medina. You're just here to pestering my life and please, I don't have a time to entertain you. Just leave," sabi niya at seryoso na siya. Nakaka-disappoint siya. Ibinaba ko na ang pride ko sa kanya pero... Nakakairita siya. "I'LL wait for you, here," I said in a small voice. He raised a brow and laughed again. Mukha ba akong nagpapatawa? Seryoso ako sa sinabi kong hihintayin ko siya rito. Tsk. Hindi ako nagbaba nang tingin. Mas pinakatitigan ko siya nang mabuti. Pero naputol din ang tawa niya nang mapansin ang paraan nang pagtitig ko sa kanya. Hayan, makuha ka sa tingin ko. "Don't look at me like that. Matatagalan kami sa site at hindi ako sigurado kung kaya mo rin akong hintayin. Knowing you? Nah, I doubt it," he mocked me. Wala sa sariling tinuro ko ang isang upuan na hindi kalayuan sa puwesto namin. Pero alam ko na sa loob no'n ay ro'n siya nagtatrabaho habang nasa site siya. Opisina niya noon kung hindi ako nagkakamali. "Don't care, hihintayin kita kahit matagal pa 'yan," mariing sambit ko at halos umawang ang labi niya. I don't know why. "Mababagot ka lang at mainit dito, walang aircon," saad niya at bumaba ang mata niya sa kamay ko na mabilis ko iyong tinago sa likuran ko. Naka-blouse lang ako at kitang-kita no'n ang pasa sa palapulsuhan ko at maging ang maliit na sugat sa ibaba ng siko ko. Isusuot ko na lamang mamaya ang coat ko. "Try me," I uttered. "Ikaw ang bahala," sabi niya saka niya ako tinalikuran at tama nga ako. Opisina niya iyon at doon na siya pumasok nang hindi na ako sinulyapan pa. Marahan ang paglalakad ko patungo roon at tuluyan nang umupo. Humugot ako nang malalim na hininga. Ang tigas pala ng upuan at tumatama pa sa akin ang mainit na sikat ng araw. Tinanggal ko ang shades ko at ibinaba ko ito sa tabi ko. I put my coat on my back without wearing the sleeves. Napatingin ako sa pinapatayo nilang bahay. Mukhang subdivision ang lugar na ito kung matatapos ang mga bahay rito. At katulad nga nang sinabi ko ay naghintay ako rito pero hindi ko akalain na matatagalan nga siya pero... mahaba ang pisi ng pasensiya ko at nagagawa kong maghintay nang matagal. Huwag niya lamang painitin ang ulo ko. Nanatili ako sa puwesto ko at napapansin ko na pabalik-balik ang mga tauhan ni Markus at wala akong napapansin na hindi nila ako titingnan kung hindi ako matitigan kahit saglit lang. "M-Miss ganda... T-Tubig ka muna," nauutal na sabi ng isang lalaki na hindi naglalayo ang edad namin. Inalok niya ako ng bottled water. Mukha siyang kinakabahan at tila natatakot. Hindi ako nagdalawang isip at tinanggap iyon dahil nararamdaman ko ang panunuyo ng lalamunan ko. Ilang oras na rin akong naghihintay rito at hindi ko alam kung anong oras na ba ngayon. Wala naman kasi akong suot na relo at kung mayroon man ay baka kunin lang iyon ng hold-upper. Ang maliit na earrings ko lang ang suot ko na hindi napansin ng mamang iyon. "Thank you," sabi ko. First time kong mag-thank you sa isang tao na hindi ko pa kilala. Ngunit sasabihin ko talaga iyon dahil kung hindi dahil sa kanya ay baka tuluyan na akong matuyuan ng lalamunan dito. "H-Huwag mo n-na lang pong sabihin kay engineer Markus na b-binigyan ka namin ng t-tubig. D-Dahil b-baka po magalit siya," sabi niya at halos hindi ko siya maunawaan. May problema ba sa dila niya? Kaya hindi siya nakakapagsalita ng hindi nauutal? "Ding, kunin mo na kay Miss ganda ang boteng wala ng laman na tubig! Baka makita tayo ni engineer! Yari tayo niyan!" sabi ng kasama niya at siniko pa siya nito. "Sinabihan ba kayo ni Markus na huwag akong bigyan ng tubig?" tanong ko at may kung nong bagay ang bumaon sa dibdib ko. "O-Opo. Mahigpit po na binilinan sa amin ni engineer na huwag na huwag kayong bigyan ng tubig para raw u-umalis na kayo kaagad," diretsong sabi ng kasamahan nito at muli akong napabuntong-hininga. Nataranta siya nang ibinalik ko sa kanya ang bottled water na hindi ko pa naiinuman. "Get this back, I'm not thirsty," I said. Hindi totoong hindi ako nauuhaw. Tsk. "P-Pero po...kailangan niyo pong uminum. Ilang oras na po kayong naghihintay rito at n-nalipasan na rin po kayo ng gutom," concern na sabi niya. I shook my head. "I'm fine," usal ko at walang nagawa ang dalawang lalaki. Bumalik na rin sila sa trabaho nila. At dahil siguro sa pagod ko lalo pa na may jetlag ako ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising na lamang ako nang makitang madilim na ang paligid at wala ng katao-tao sa site. Binundol ng kaba ang dibdib ko at gulat na napatayo. Wala na ngang tao... I-Iniwan talaga ako ng lalaking iyon dito sa site nila? Hindi man lang ako ginising? Ganoon ba niya kaayaw ang presensiya ko? Naikuyom ko ang kamao ko. Walang kuwentang lalaki. Nasaan ang mabait roon, Rudelyn? Napaka-gentleman nga ng engineer na iyon at talagang iniwan ako rito. Ang heartless niya. Wala siguro iyong kapatid na babae kaya ganoon na lamang niya ako tratuhin. Ang sama-sama ng loob ko sa kanya. Haist. Nag-tsaga lang naman ako na hintayin siya dahil alam ko na siya lang ang makakatulong sa akin. Nasaan na ba kasi si Rudeng? Hindi ba niya ako nahanap? I shook my head repeatedly and I started to walked again. Nasa daan ulit ako at hindi ko na alam kung saang direction na ba ako. Hindi ko na rin matandaan ang daan na pinagmulan ko kanina. Naisuot ko na ang coat ko dahil sa sobrang lamig at madilim na talaga. Tanging sinag na lamang ng buwan ang nagbibigay sa akin ng ilaw at nang makita ko pa ang daan kahit papaano. I stopped walking when I felt someone's presence. Nasa likod ko lang ito. "Leave me alone," malamig na sabi ko at ipinagpatuloy ko pa rin ang paglalakad pero may kabilisan na ito. Mas lalo lang dumoble ang kaba ko nang ako talaga ang sinusundan niya. Ang paglalakad ko ay bumibilis na and the next thing I knew I was running away from someone's presence. Napatili ako nang may humawak sa braso ko kaya napatigil ako sa pagtakbo. Sa gulat ko ay nagawa kong hampasin sa dibdib ang taong humawak sa braso ko. "Leave me alone! Wala akong perang maibibigay sa 'yo! K-Kinuha na iyon ng taxi-driver! He even snatched my favorite violin! And that teenager broke my phone! I can't call my cousin for the help! And please, spare me! I'm tired!" pangra-rant ko bigla. "Na-hold-up ka?" Mariin na napapikit ako dahil sa pamilyar na boses na iyon. Si Markus! "NA-HOLD-up ka?" muling tanong niya sa akin nang hindi na nakuha ang kasagutan mula sa akin. "Wala kang pakialam!" asik ko sa kanya. Binabawi ko na ang sinabi ko na hindi niya ako makikitaan ng kahit na anong emosyon! Pero urgh! Kinain ko rin ang salitang iyon dahil dalawang emosyon! Dalawang emosyon ang nakita niya! Takot at galit. He's annoying. Tinampal ko ang kamay niya sa braso ko saka ako nagmamadaling naglakad palayo sa kanya. "Theza Marie!" he called my name. Hindi siya iyong lalaking humahabol sa akin kanina. Dahil may panganib ang presensiyang nararamdaman ko kanina... Who was that? "Theza Marie!" sigaw niya at nasa boses na ang iritasyon. Ngayon, si engineer Markus na naman ang humahabol sa akin. Iniwan na nga niya ako kanina pero bakit pa siya bumalik?! Sa pagtakbo ko ay hindi ko na napansin ang kotseng patungo sa direction ko. Namalayan ko lang ito nang nasa tapat ko na at tumatama sa akin ang nakakasilaw na light nito. Para akong tinakasan ng kaluluwa. M-Muntik na akong maaksidente! "What the hell, Theza Marie?!" sigaw na naman niya at marahas na hinila ako. Dahil sa lakas no'n ay nabundol ko pa ang dibdib niya. "Markus?" "D*mn it, Car--" I cut him off because I slapped his mouth. "Bibig mo," I warned him. Ayoko sa isang tao na palamura. Hindi maganda sa pandinig ko kaya kahit ang pinsan ko ay sinasampal ko ang bibig niya sa tuwing may lumalabas na bad words from her mouth. "Don't touch me," kalmadong sabi ko pero hindi niya ako pinansin at nakita na nga niya ang sugat ko roon. "That hold-upper hurt you?" madilim ang mukha niya nang itinanong iyon sa akin. Nagpumiglas ako para bawiin ang kamay ko pero hindi niya iyon binitawan. Mas humihigpit pa ang pagkakahawak niya sa akin! "Who's with you, Markus? Oh, your fiancée?" sabi ng lalaki, pamilyar ang mukha niya pero wala akong ideya kung saan ko siya unang nakita. "Who are you?" I asked him. "Gorgeous, you don't recognize this handsome face in front of you?" tanong sa akin ng lalaki, nakasimangot man pero nasa mga mata niya ang pagkamangha. "Pardon?" "What are you doing here, Carsim?" Markus asked the guy. Saglit na sinulyapan siya nito bago ibinaling ang tingin sa akin. Ngumiti siya sa akin at akmang lalapit sa akin nang humarang sa pagitan namin si Markus pero hawak niya pa rin ako sa kamay. "I'm here to fetch your fiancée, Markus. Hindi mo sinasagot ang tawag ni grandpa. Sinabi ng pinsan niya na sumakay raw ito ng taxi at dito siya ibinaba. So, I assumed na makikita ko siya rito and I was right. Nakita ko nga pero tumatakbo naman palayo sa 'yo. And mind you, nag-aalala na ang pinsan niya dahil hold-upper pala ang taxing nasakyan niya. Akala ko nga noong una ay sinadya ng fiancée mo na puntahan ka sa site mo pero hindi," mahabang pahayag nito. "Gorgeous, gusto mo bang sumama sa akin? Nabawi na namin ang mga gamit mo and your cousin, she mentioned about your violin. Napaka-halaga raw iyon sa 'yo," sabi pa niya at natuwa ako ng malaman na nabawi na nila ang violin ko. Akmang lalapit ako sa lalaki pero hindi ako hinayaan ni Markus. "Get off me," malamig na saad ko. "Go home, Carsim," maawtoridad na sabi niya sa lalaki at napaatras ito sa gulat. "I'm here to--" "I can take care of my fiancée, Carsim," putol niya sa sasabihin ng lalaki. Sa inis ko ay kinagat ko ang braso niya kaya napabitaw siya. Pinukulan niya ako ng masasamang tingin habang hawak-hawak na niya ang braso niyang kinagat ko. "Go home," sabi ko sa kanya at walang salitang namutawing binuksan ko ang pinto sa shotgun seat ng lalaki. Pumasok ako roon at narinig ko pa ang paghalakhak ng lalaki na mukhang inaasar ang engineer. Nagsusuot na ako ng seatbelt ng pumasok na rin sa driver's seat ang lalaki. "I'm his cousin, Carsim. Nagkita na tayo noon sa performance mo. Nice performance, by the way," he said and winked at me. "Tha--" hindi ko natapos ang pasasalamat ko sana nang bumukas ang pinto sa side ko. "Get off," Markus said in a cold voice. Ang dilim ng aura niya na tila any moment ay makakapatay na siya kung hindi ko siya susundin. "Leave me alone--" "Get off or you want me to carry you?" Kumunot na ang noo ko sa sinabi niya pero mabilis na naglaho iyon nang mapatingin siya sa noo ko. Another emotions! "You can't order me--" napapikit ako nang padabog na sinara niya ang pinto ng kotse. "Get off, Carsim." Iyong Carsim na naman ang kinukulit niya. Tsk. "What? Ako na nga--" "I'll take down your offer about the project, Carsim." "Markus, you can't do that! Napag-usapan na natin 'yan, pinsan." "Walang pinsan-pinsan, Carsim. I'm going to reject your project, try me." "Okay, fine! Grabe ka magselos! Pati project ko nadadamay!" iritadong wika ni Carsim saka siya bumaba sa sasakyan niya. Labag sa loob. "Gorgeous--" "She have her name, Carsim." Walang manners ang isang ito at palagi niyang pinuputol ang sasabihin ng pinsan niya. "Okay, fine! I'll tell to Daziel about this. Nalaman din namin ang kahinaan mo, ku--" "Move, Carsim." Napatingin ako sa pinsan niya at wala sa sariling bumaba. "Where are you going, Theza Marie?!" Hindi ko siya pinansin. Bago pa ako makalapit kay Carsim nang umangat ako sa ere. Ang hambog na Markus ay sinampay lang ako sa balikat niya. "Stubborn," dinig kong sambit niya at namilog ang mga mata ko nang napagtanto ang ginawa niya! This is beyond awkward! My butt is on his right head at lilingon lang siya ay mahahalik-- "Poor, Markus." Hindi pa rin nag-sink in sa akin ang ginawa niya at parang na-blangko ang utak ko. Hindi ko na rin namalayan na nasa loob na kami ng sasakyan niya at umaandar na ito. "Where did you taking me?" I asked him but he didn't respond. Bipolar. Nanliit ang mga mata ko nang makita ko ang pamilyar na phone. Akamang kukunin ko na sana ito nang makuha ng isang picture ang atensyon ko. Tila may malaking kamay ang pumipiga sa puso ko nang makita si Markus sa picture kasama...k-kasama ang babaeng nabangga ko kanina sa airport. Ang lapad-lapad ng ngiti niya and he looked happy. So, ang Markus na boyfriend niya at ang Markus na fiancée ko ay iisa? Iisa lang pala sila? Kaya ba ayaw sa akin ni Markus dahil may girlfriend siya? May girlfriend nga siya at halatang mahal niya ito. Umayos ako sa pagkakaupo at nahulog na naman ako sa malalim na pag-iisip. Mahilig sa bata si Markus? Ganoon ang mga tipo niya? Ayaw niya sa mga katulad ko? Mas gusto niya ang mahinhin at inosente? We reached the hotel at nakita ko na naroon na si Rudelyn. Ang nag-aalalang mukha niya ay naglaho nang makita ako. "Oh, my God, Thez! Pinag-alala mo akong babae ka!" sabi nito at sinalubong ako nang mahigpit na yakap. Hindi ako gumanti at nanatiling nakatikom ang bibig ko. "You're a woman of words, Thez. But I can sense na hindi ka okay! May nangyari bang masama sa 'yo? Are you hu--" "I wanna go back to Spain, Rudeng," I uttered and Markus heard that. Nakikita ko pa rin ang imaheng iyon. Ang ngiti niya...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD