CHAPTER 5

1714 Words
Chapter 5: Taxi, hold-up 9 years, it's been 9 years simula ng iniwan namin ni papa ang Pilipinas noong naghiwalay sila ni mama. 18 years old pa ako noon at ngayon lang ulit ako nakabalik sa bansang parehong pinanggalingan namin ni papa. At inaamin ko na na-miss ko ang bansang ito. Ang atmosphere at ang sobrang init ng panahon pero tila may humahaplos sa puso ko dahil muli kong nasilayan ang lugar na ito. Ang daming memories ang nakabaon dito from the past. Good and bad memories that's why iniiwasan ko ang makabalik dito pero binabawi ko na ang sinabi ko. Masaya akong umapak muli sa homeland ko. Hila-hila namin ni Rudelyn pareho ang maliit na maleta namin sa immigration ng airport at pagkatapos nito ay tinungo na namin ang exit. I'm wearing my pitch sleeveless and black pants. I removed my white coat dahil sobrang mainit nga at pinagpawisan kaagad ako. Flat pink doll shoes lang ang suot ko at naka-shades pa ako. "Oh my, God!" Rudelyn muttered those words and held my left arm. I looked at her, confused. "What's the matter?" I asked her in a monotone. "I'm not aware that you are famous here in the Philippines! Ang daming fans mo ang nasa labas ang naghihintay!" hysterical na usal niya. Bahagyang kumunot ang noo ko at napatingin sa labas. At tila may malambot at mainit na kamay na naman ang dumaan sa dibdib ko nang makita ko ang iilan na mga tao sa labas. Halatang napakabata pa ng karamihan at may pangalan ko sa hawak-hawak nilang banner. Nag-init ang pisngi ko. How come na may nakakakilala pa pala sa akin dito? "Kaya pala halos magmakaawa na sa akin si Deborah at tanggapin mo lang ang offer niya. But Thez, mahihirapan tayong makalabas mula rito. Ano ka? Kpops?" sabi niya at parang hindi malaman ang ways kung ano na ang gagawin niya. Hindi ko rin naman inaasahan ito, eh. Nakakagulat. "You go, after me," suhestiyon ko at hindi sana sasang-ayon nang inilingan ko siya. Mas mabuting pagkakaguluhan na muna siya bago ako. Dahil alam kong tatantanan siya ng mga tao sa labas kapag hindi nila ako makitang kasama ako ni Rudelyn. "Okay, nasa labas din naman ang family driver naman, eh. Sumunod ka pagkatapos, ha?" saad niya. Tumango ako bilang tugon. "Ako na muna ang magdadala niyan. Yakapin mo na lang ang violin mo at baka mahulog mo. Sumunod ka kaagad, okay?" Ang kulit niya. Bitbit ang dalawang stroller na pagmamay-ari ko ang isa. Sinulyapan pa ako ng pinsan ko bago ko siya sinenyasan na lumabas na. At katulad nga nang sinabi ko kanina ay iyon ang nangyari. Pagkakita pa lang nila kay Rudelyn ay patakbong nilapitan nila ito pero na-dissapoint nang hindi ako makita. At dahil pinagkukumpulan nila ang pinsan ko ay malaya akong nakalabas mula sa airport. Palinga-linga pa ako at hindi ko nagawang itanong si Rude kung ano ba ang kulay ng sasakyan na sumundo sa amin. Kinuha ko ang phone ko mula sa maliit na backpack na dala ko and I was about to dialed her phone's number when someone's bumped me. Walang emosyon na napatingin ako sa cellphone ko na nakita ko pa ang pagkabasag ng screen nito ng tuluyang nahulog. I took a deep breath at inapakan na lang ito saka ko binalingan nang tingin ang taong bumangga sa akin. "S-Sorry po, hindi kita nakita! Nagmamadali po kasi ako, eh!" tila naiiyak na sabi niya. Halos manginig ang boses niya dahil sa takot sa akin. "Sorry. Papalitan ko na lang ang cell-" she couldn't finish her words because I turned my back against her. "W-Wait! I called Markus!" Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ko ang pangalan na binanggit niya. Lumapit sa akin ang babae nang nilingon ko siya. "I called my boyfriend para mabilhan ka ng bagong ce---" I cut her off. "Who's your boyfriend?" I asked here. "M-Markus..." nauutal na sambit niya sa pangalan na iyon. Wala sa sariling tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa at matamang tinitigan. She's beautiful, mukha siyang mahiyain at halatang mahinhin. The way she speaks... Pero bakit nga ba ako huminto? Malay ko ba na ibang Markus ang boyfriend niya. Maraming kapangalan ang lalaking iyon kaya baka hindi rin siya ang tinutukoy ng babaeng ito na kasintahan. Saka...hindi naman yata siya pumapatol sa minor de edad. Halatang nasa high school pa ang babaeng ito. At ano naman ang pakialam ko sa isang iyon? "Theza! Taxi!" Napalingon ako sa sumigaw. Si Rudelyn na kumakaway at may itinurong taxi na huminto sa tapat ko. "Sa Art &Vin's café tayo magkita! Sakay na!" sigaw pa niya kaya sinunod ko na lamang dahil papalapit na sa akin ang mga tao. "Theza! Theza Marie!" 'Saktong pagsakay ko ay siyang pagsugod nila kaya inutusan ko na ang taxi driver na paandarin na ang sasakyan niya. "Hold-up 'to, Miss. Ibigay mo lahat sa akin ang mga gamit mo. Kung ayaw mong masaktan," sabi ng taxi driver sa akin at halos umawang ang labi ko sa napagtanto na... Na-hold-up nga ako at sa mismong taxi pa? Ang ganda ng salubong sa akin ng Pinas, 'no? Inaamin kong natakot ako, dahil doble ang kabang naglalaro sa dibdib ko. I didn't expect this to happened. I just thought, Philippines is a safe place but I'm wrong. Nakalimutn ko na hindi pa masyadong safe ang bansang ito at marami pa rin ang mga taong manlol-ko at sugarol. Kabado man ako dahil baka totohanin nga ng lalaking ito na sasaktan niya ako kung hindi ko ibibigay sa kanya ang mga gamit ko na alam kong wala namang pakinabang. At kung...lihim na napalunok ako sa mapagtanto na wala akong pera sa loob ng waller ko. Puro litrato namin iyon ni papa. Humugot ako nang malalim na hininga at ibinigay ko na lamang ang sling bag ko na marahas pa nitong inagaw sa akin. Huwag niya sanang i-check ang laman, please. At kung malalaman niya na wala siyang mapapakinabang na kahit ano roon ay baka... "Akin na ang isang 'yan!" sigaw niya sa akin. Mas kinabahan pa yata ako sa malaman na kukunin niya ang instrumento ko kaysa ang masaktan niya ako. Wala sa sariling napatingin ako sa baril na hawak niya at nakatutok na ito sa akin. Kung hindi lang ako si Theza Marie Medina o ibang tao man ako ay baka kanina pa ako nag-hysterical sa takot at umiiyak na magmakakaawa na pakawalan niya ako. Handa naman akong ibigay sa kanya ang lahat. But please not my violin. Napakahalaga nito sa akin. Hindi lang ito basta-bastang instrumento. Oo, makakabili pa ako ng bago. Mas maganda at mas mahal. Kahit may kalumaan na ito at bukod sa favorite violin ko ito ay iniingatan ko ito. "Ibigay mo na sa akin kung ayaw mong ipaputok ko ito sa bungo mo!" asik niya sa akin. Walang reaksyon na tiningnan ko siya at base sa nababasa ko sa mga mata niya ay seryoso siya. Walang halong biro na gagawin niya nga iyon sa akin. At nag-aalinlangan man, mabigat sa kalooban ko na ibinigay ko sa kanya ang violin ko. Hindi niya ito sinuri at basta na lamang inihinto ang taxi niya. Nauna siyang lumabas at bumukas ang pinto sa side ko. Mahigpit na hinawakan niya ang palapulsuhan ko at alam ko na mag-iiwan iyon ng pasa. "Subukan mong mag-report sa mga pulis dahil sa oras na gawin mo iyon ay ipapahanap kita at papatayin," banta niya sa akin na hindi man lang naging dahilan upang kilabutan ako. Mas nanaig ang galit sa puso ko sa mga katulad niya na masamang tao. Nagawa pa niya akong itulak. May kalakasan iyon kung kaya't nawalan ako ng balanse. Naumpog ang pang-upo ko sa sementado ngunit walang gumuhit ng kung ano sa mukha ko. Namamanhid ang palad ko dahil naitukod ko rin ito sa sahig. Sinundan ko lang nang tingin ang papalayong sasakyan na iyon. 1902-0131400, 'yan ang plate numbers ng taxing iyon. Kahit masamang tao ang nagmamanehong iyon ay may plate number pa siya. Matalas ang memorya ko kaya nakuha ko kaagad ang numerong iyon. Sa oras na magkita kami ni Rudelyn ay ipapahanap ko ang lalaking iyon at babawiin ko ang violin ko. Muli akong napatingin sa kamay ko. Kung sana nakapagsuot ako ng gloves sa kamay na madalas kong ginagawa. Dahil takot ako na masaktan ang palad ko. Katulad na lamang ng nanagyari sa araw na ito. I took a deep breath and I roamed my eyes around. Nasa isang lugar ako na tila...may site rito dahil makikita ko ang iilan na bahay na bago lang ginawa. Wala bang CCTV footages sa lugar na ito? At hindi man lang nakita ang nangyari sa akin kanina? Muli akong bumuntong-hininga at binagtas ang daan. Never akong humingi ng tulong sa kung sino man tao but now, I need somebody's help. Hindi ako sanay na maglakad nang ganoon katagal kaya ramdam ko ang pananakit ng talampakan ko. Ipinagpasalamat ko lang na naka-flat shoes lang ako. Tagaktak ako ng pawis nang marating ko ang site. Tama nga ang hinala ko. Nanakawan na ako lahat-lahat pero sinuot ko pa rin ang shades ko lalo na tumatama na sa akin ang mainit na sinag ng araw habang nasa kaliwang braso ko nakasampay ang coat ko. "Oh, Miss?" bungad sa akin ng isang lalaki na pawisan at mukhang construction worker nga. Wala pang isang minuto ay nagawa na akong palibutan ng mga lalaki at na-conscious ako sa presensiya nila. Hindi ako matapobre pero nairita ako sa amoy nilang lahat at napakadami nila. "Naliligaw ka ba Ms. ganda?" Sa dami nilang nagsalita ay hindi ko magawang sagutin iyon. Ilang minuto pa ang nakalipas at sa pag-iingay nila ay narinig ko naman ang pamilyar na boses ng isang lalaki. "What's going on here?" baritonong tanong ni...Markus. Sa kabila ng pagod ko at pangamba na naligaw ako ay tila ro'n lang ako nakahinga ng maluwag nang makita ko si Markus. "Markus," namamaos kong sambit sa pangalan niya. Ang kaninang salubong na mga kilay niya ay napalitan ng kunot-noo. "Oh, kilala pala ni Ms. ganda si engineer!" sabi ng mga lalaki. "What are you doing here?" malamig pa sa yelong tanong niya sa akin at nababasa ko ang iritasyon sa boses niya. Hindi niya nagustuhan ang makita ako sa site nila. "Help me," sabi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD