CHAPTER 4

1910 Words
Chapter 4 : Fiancée? AFTER the pictures taking ay nag-walk out kaagad without saying them goodbye at narinig ko pa ang pagtawag sa akin ng Godfrey Brilliantes na iyon. Nakakairita ang boses niya, daig pa niya ang isang inahing manok na putak nang putak. Ang daldal niya. Pakiramdam ko ay tumaas ang dugo ko sa pisngi dahilan ng pag-init nito. Ako ang nahihiya sa ginagawa niyang magpa-picture, eh ang dami pang tao sa loob tapos puro lalaki ang kasama niya? "Nakakainis talaga ang lalaking iyon!" dinig kong mariin na sambit ng pinsan ko. Muntik na akong mapatawa dahil sa reaction niya. "Who's that guy, Rudeng?" I asked my cousin with humor in my voice. Halos umangat ang sulok ng labi ko. "No one!" defensive na sagot niya sa akin. "Last day na natin today, Theza. Bukas ay babalik na tayo sa Spain. Gusto mo bang sumama sa akin? Mag-unwind," she said in a soft voice. Ang galing niyang magpalit ng facial expression. Nagiging moody na nga siya. "I prefer to sleep," malamig na sagot ko at napasimangot siya. Ayokong gumala. Ayoko sa maraming tao. Ayokong maglakad sa loob ng mall o sa kung saan mang lugar. Sasakit lang ang mga paa ko. Mas gusto ko pa ang manatili na lamang sa hotel suit ko at magbasa ng libro o kaya naman ay matulog na lang buong araw. Boring ba talaga ang buhay ko? Well, this is me, Theza Marie Medina... "You're so boring," she commented and I shrugged. You said so, cousin. Whatever you say. "This is me," saad ko at tinuro ko pa ang sarili ko before I turned my back from her, and walk. Yakap-yakap ko pa ang violin ko. "Your father was outside, Theza. Hurry up!" She seems excited when she said that, at hinigit na niya ako palabas. Magpo-protesta na sana ako but it's too late, nakalabas na kami mula sa backstage. I took a deep...deep breath. You're annoying, Rudeng... "My coat, Rudeng," I said and I glared at her. "Sorry, I forgot! You can wear my coat instead. Here--" "No, I'm fine," saad ko at tinaas ko pa ang kanang kamay ko para pigilan siya. "Theza," my father called my name. Nagmamadali siyang naglakad palapit sa amin at niyakap ako nang mahigpit. He kissed my forehead at ganoon din ang ginawa niya sa pinsan ko. "Thank you for taking care of my daughter, Rudelyn," malambing na sabi ni papa. "No worries, uncle. Hindi naman po stubborn ang alaga ko," pilyong saad ni Rudelyn at nasa boses niya ang pang-aasar. Pumitik ang sentido ko. Lucky her ay hindi ako pumapatol sa pang-aasar niya sa akin, kung minsan. "Come here, I want you to meet someone, darling. But he's with his cousins too," my father said, happiness are visible on his face at naguguluhang tiningnan ko si Rudelyn. May idea kaya siya rito? Kung kaya't mukha siyang excited nang malaman niya na nandito si papa? But base on her reaction ay no idea rin siya. "Who is it, papa?" I asked my papa instead pero ngumiti lamang siya at hinila na lang niya kami ng pinsan ko. Nagpatianod na lamang kami. Marami pa ring tao sa loob at tila gusto akong lapitan pero hindi nila magawa dahil sa papa ko. Ngumingiti na lamang sila na hindi ko naman kayang suklian. Not that hindi ko kaya pero ayoko lang ngumiti sa kanila. It's irritating. "Oh no, not this time," my cousin murmured something. "Engineer Brilliantes!" tawag ni papa sa mga lalaking kanina lang ay nakipag-picture sa amin ni Rudelyn. Sila ba ang gustong ipakilala ni papa? Nakita ko pa ang pag-ikot ng eyeballs ni Rudelyn at bumuntong-hininga. "This is my beautiful daughter and my pretty niece, Theza Marie and Rudelyn Fabroa, I knew you already meet my niece," masayang pagpapakilala ni papa sa amin. Para bang proud siyang ipakilala kami ni Rudeng sa mga lalaking ito. "Theza, mga Brilliantes sila from Philippines. This is Godfrey, their uncle. Daziel, Darcy, Michael, Jemellion and Markus. Ang parents nila ay matalik na kaibigan ko at lahat sila ay engineer," nakangiting sambit ng papa ko. Nakakalitong kilalanin sila. Isa-isa kong tinapunan nang tingin ang mga Brilliantes. Isa lang ang masasabi ko. Magandang lahi. Hindi naglalayo ang mga hitsura nila sa isa't-isa. Lahat sila ay nabiyayaan ng guwapong mukha pero bakit mas nangingibabaw ang kaguwapuhan ni Markus Brilliantes? Kahit na mukha itong cold at walang pakialam sa paligid, tila? Naglahad ng kamay si Godfrey. Tinaasan siya ng kilay ng pinsan ko. "Godfrey, I'm Engineer Godfrey, señorita Theza Marie," ngiting-ngiting saad niya at seryoso ko lang siyang tiningnan. "She's a little bit rude," I heard one of the Brilliantes commented. Walang emosyon ko lang siyang tiningnan. If I'm not mistaken ay siya si Daziel Brilliantes. Mukhang mainit ang puso nito--I mean may galit yata sa akin ang isang ito. Oh, iyong sa elevator scene pala! I know it! "Allergic lang siya sa mga lalaking madaldal," komento ni Rudelyn na narinig iyon ng mga Brilliantes. "Oh, baka hindi siya nakakaintindi ng Tagalog? Fluent ba siya magsalita ng Spanish?" This boy was Darcy. Mukha naman siyang mabait, dahil palaging nakangiti. Hindi katulad ni...annoying. Hindi naman sa amin nakatuon ang atensiyon ng damuho. Mas bet ko pa naman siya kaysa sa mga pinsan niya. What's with his phone? Bakit mukhang abala siya sa kakapindot ng bagay na iyan? "Markus, Theza Marie is staring at you!" natatawang sabi ni...Jemillion. Oh, bakit natandaan ko lahat ang mga pangalan nila? Ang dali ko namang makaalala! Sumakit yata ang ulo ko nang marinig ko ang nakakairitang boses nila na tumatawa! Pasalamat sila hindi ako marunong magmura. "I'm sorry about my cousin's behavior, ninong Thenzel," hinging paumanhin ni Markus kay papa na tinugunan lang ng ama ko nang halakhak. Nasisiyahan din siya! "Papa," I called him, malamig pa sa yelo ang boses ko. "Oh, sorry darling." "Markus, my nephew. Greet your fiancée, Theza." Tila sasabog ang ulo ko sa sinabi ng Godfrey na ito at bumilis ang t***k ng puso ko. What? Fiancée? Me and that Markus? Halatang nagulat din si Markus at umawang pa ang labi niya. Is he what?! "Siya ang tinutukoy kong someone, anak. He's your fiancée at magaganap ang engagement party niyo sa Philippines." "Oh, pabor..." nang-uumay na bulong sa akin ng pinsan ko kaya nagawa ko siyang sikuhin. "Bakit?" maikling sagot ko at narinig ko pa ang pagsinghap nilang lahat. "She can understand naman pala!" "Ilang minuto na tayong naririto ay ngayon lang siya nagsalita?" Mukha namang hindi sang-ayon si Markus Brilliantes, dahil nababasa ko sa mukha niya ang pagkadismaya. Ganoon ako katalinong basahin ang bakas ng emosyon nila. "Hi, I'm Markus S. Brilliantes," Markus uttered his name at hinawakan niya ang kamay ko para kintalan ng marahan na halik ang likod nito. Uminit ang pisngi ko nang maramdaman ko ang malambot at mainit niyang labi sa kamay ko kahit na nakasuot pa ako ng gloves sa kamay. My heart skips a beat... "She's beautiful, isn't she?" his uncle Godfrey asked him, tumaas lang ang sulok ng labi niya and I know, hindi niya magawang ngumiti. He's a cold, snob, at parang may sariling mundo. Hindi siya nagsasalita kung hindi mo kakausapin o tatanungin. Nakaka-intimidate ang aura niya but...hindi tatalab iyon sa akin. "Can you give us some privacy? I want to talk with my...fiancée," labas sa ilong na sabi niya. Aangat pa yata ng wala sa oras ang labi ko pero pinigilan ko. "You are lucky to have her, my nephew. Don't lose this chance," sabi pa ng uncle niya bago nila kami tinalikuran. Hindi pa sana aalis si Rudelyn kung hindi lang siya hinigit ni Godfrey at si papa naman ay ngumiti lang sa akin. Tumango lang ako at muli kong binalingan nang tingin si Markus S. Brilliantes. "What do you think about that?" he asked me first habang mataman akong tinitigan sa mga mata ko. Para akong mahihigop sa paraan nang pagtitig niya sa akin. Napakalamig no'n. Kung hindi lang ako magaling bumasa ng emosyon ng isang tao ay baka...matakot pa ako sa presensiya niya. Pero hindi. "Think what?" I firedback. "I don't want this set ups, Miss Medina. I don't want to have a commitment with someone who I just met this early morning," straight forward na sagot niya at dumilim ang expression niya. "I feel you," bored na sagot ko. "Reject and you're free," I added at akmang aalis na sana ako nang hawakan niya ang kaliwang braso ko, ang free hand ko ay nakahawak pa rin sa violin ko. Naramdaman ko ang panglalambot ng tuhod ko nang makaramdam ako na tila may kuryente ang daan sa braso ko na nagmumula ito sa kamay niya. Feeling ko ay hihinto ng wala sa oras ang t***k ng puso ko. Hindi ko alam kung naramdaman niya rin ba iyon dahil mabilis na binitawan niya ako. "Hindi iyon ganoon kadali. My grandpa is a strict man. I don't want to dissapoint my grandpa. Ikaw? Gusto mo bang ikasal sa akin? Kahit ngayon lamang tayo nagkakila?" Natigilan ako sa tanong niya. Napaisip naman ako. Tama siya, sino ba magkakagustong ikasal sa isang tao na kakilala mo lang? Na ngayon mo lang siya nakita at wala ka pang ideya kung ano ang ugaling mayroon siya. Kung mabuti ba siya sa 'yo o hindi... But I know, siya 'yong tipong lalaki na hindi ka hahayaan na masaktan physically... Pero emotionally? I doubt it. "Bakit hindi natin subukan?" tanong ko at napangisi siya. "Do you like me, Miss Medina?" he asked me, nakaguhit pa rin sa mga labi niya ang malapad na ngisi niya at humakbang palapit sa akin. Nahugot ko ang sarili kong hininga nang dumausdos ang kanang braso niya sa baiwang ko at hinapit pa ako palapit sa kanya. Ito ang unang beses na yumakap sa akin na isang lalaki at hindi ko pa lubos na kilala. Ito ang unang pagkakataon na maramdaman ko ang nakakalitong pakiramdam na ito. 'Yong isa niyang kamay ay hinaplos niya ang pisngi ko. Dahil sa lambot ng palad niya ay naipikit ko ang mga mata ko at dinama ang mainit na paghaplos nito. Dahil sa lapit ng mukha niya sa akin ay naaamoy ko na rin ang mainit at mabango niyang hininga. "You're beautiful...no, kulang ang salitang iyon upang mailarawan ang kagandahan mong taglay. But sorry to dissapont you, honey. You're not my type, you're just plain, boring and nothing..." those words that made my heart throbbing in pain at iyon na rin ang huli naming pagkikita because after that day ay bumalik na ako sa Spain without my cousin. Sa unang pagkakataon ay nasaktan ako. Nasaktan ako dahil sa sinabi sa akin ng lalaking iyon. Siya lang, siya lang ang tanging lalaki na nakagawa no'n sa akin... And the next day ay nagkapera ulit ako sa sermon ng pinsan ko. Si papa ay tinawagan lang ako noon kung okay lang ba ako at na-master ko na ang pagpapanggap na hindi ako naaapektuhan sa masasakit na salita. *** "Welcome to Philippines, Theza..." "Actually... Ito ang huling bansang pupuntahan ko..." sabi ko sa kanya pero nginisihan lang ako ng pinsan ko. "You didn't meant that. Dahil natitiyak ko na mananatili ka na rito kung ikakasal na kayo ni Engineer Markus. He's a good guy, Thez. Mukha lang siyang masungit dahil blangko ang facial expressions niya pero mabait talaga siya at gentleman. Theza..." May sasabihin pa 'ata si Rudelyn nang naglakad na ako palayo at iniwan siya roon. Sana ganoon na lang siya...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD