Chapter 3 : Meeting the Brilliantes
IT WAS confirmed na magkakilala sila ng pinsan ko. At bakit ang lapad-lapad na nang ngiti ni Rudelyn? Tsk.
"It's nice to see you here, Engineer Markus," my cousin said in a sweet voice. Crush ba niya ang engineer na ito?
"Yeah," maikling sagot ng lalaki at sinulyapan ako pero mabilis na nag-iwas ako nang tingin sa kanya.
"She's my cousin pala, Theza Marie Medina. Theza, he's Engineer Markus S. Brilliantes, family friends siya ng parents natin," wika ni Rudelyn at hinila ako sa kamay ko. Bahagya pa niyang kinurot ang tagiliran ko. Hindi naman masakit pero naiirita ako.
"Shake hand, Theza," mahinang bulong niya sa akin at tiningnan ko naman ang lalaking nasa harapan namin. He's cool, bakit kaya bagay sa kanya ang walang expression ang face niya?
But I can still read him. Wala naman siyang pakialam makilala man ako o hindi at tila gusto na niyang umalis.
"You can go," sa halip na iyon ang sinabi ko at walang imik na muli akong umupo.
"Theza!" Rudelyn warned me and I ignored her.
He can go, just what he wanted.
"I'm sorry about that, Engineer Markus, gutom na yata ang pinsan ko," nahihiyang sambit pa ng magaling kong pinsan at nagpaalam na rin sa kanya ang lalaki.
She glared at me nang makaupo na siya kaya tiningnan ko lang siya ng diretso sa mga mata niya.
"You're annoying," I commented and she took a deep breath.
"Rude," she commented too.
"Lyn," I added her word.
"It's R-U-D-E-L-Y-N, not Rudlyn!" inis na saad niya. Naitikom ko lang ang bibig ko, gusto kong ngumisi dahil napipikon na ang pinsan ko.
"The--" she didn't finish her words when someone sat on the chair, na nasa tabi lang ng pinsan ko at nakita ko ang paninigas ng katawan niya at napayuko pa siya.
Naguguluhang tiningnan ko ang lalaki, wait... Kamukha niya kanina ang engineer.
"Enjoying your dinner time, sweetheart?" the man asked in a husky voice at naitakip ni Rudelyn ang bibig niya. Nanlalaki ang mga matang tiningnan ako at may pinapahiwatig ang bawat tingin niya sa akin.
But being me rude, sorry cousin. Kinuha ko ang spoon ko at nagsimula na akong kumain. That's her cue not to leave, she need to stay because she knew better na ayaw ko nang iniiwanan sa pagkain.
"What are you doing here, Brilliantes?" my cousin asked her in a cold voice.
I smell something fishy. Kilala rin ni Rudeng ang lalaki na may same surname ng lalaking pinakilala niya rin sa akin.
"Is this your cousin, sweetheart? The Queen Violin? May performance siya tomorrow afternoon, right? We planned to watch your cousin's performance, Rud," the man added his words. He called my cousin, as a tone of rude.
"Did I just asked you, huh? Can you just leave, nakikita mo namang kumakain kami ng pinsan ko?!" pagalit na saad ni Rudelyn pero hindi naman siya sumisigaw pabulong lang.
"Oh, sorry sweetheart," nakangising sagot ng lalaki at binalingan ako nang tingin nito.
"You must be, Theza Marie Medina." Wala siyang natanggap na sagot mula sa akin dahil tinitigan ko lang siya.
Ganito ang madalas na ginagawa ko, kinikilatis ko ang mga taong lumalapit sa akin and I can say...
He's mabait naman pero may something lang sila ng pinsan ko.
"She's right, too. You are rude, honey. You can understand Tagalog, right?" pangdadaldal niya sa akin habang ako ay may nginunguyang pagkain.
"Tigilan mo na nga siya!" saad ni Rudelyn.
"Uncle God, our table is here. Stop bothering them, come here," I heard the engineer's voice.
UNCLE? Uncle niya ang lalaking ito?
"My cold nephew is killjoy. Anyway, nice to meet you, Miss Medina," nakangiting sabi niya at inabot ang kamay ko. Hahalikan na sana niya ang likod ng kamay ko nang may humila sa kanya.
"Ang landi mo talaga, uncle God! Tara n--" naiwan sa ere ang salitang bibigkasin sana ng pangatlong lalaki.
"Kilala kita, ah! Ikaw 'yong babaeng hindi man lang pinindot ang open button! You're just staring at me! How rude, you are Miss!" nanlalaking saad nito at natigilan ako.
Napaisip ako. Ah... Siya iyong dude kahapon, he was about to enter inside the elevator but unlucky him ay hindi na niya naabutan at sumarado na kaagad ang elevator. At naalala ko rin ang babaeng nawalan ng balanse at nagkalat ang mga papers niya. Natapakan ko pa ang palad niya at may sinigaw pa siya sa akin. Siya 'yong tinawag ng pinsan ko na Miss Ernesto. Oh, dude.
"Stop it, Daziel. Don't be rude, too!" saad din ng uncle niya at binatukan pa siya nito.
"Sorry about that. Sweetheart, sa kabilang table lang kami," wika niya.
"As if I care?" she mocked him. Para siyang bitter.
"Dapat ikaw ang totoong rude, eh. Not your cousin, she's just silent," natatawang saad pa niya. Kung oobserbahan siya ay parang ang carefree niya lang, happy go lucky.
"Uncle, Daziel," malamig na bigkas ni Engineer Markus sa pangalan ng dalawang lalaki.
"See you around, ladies!"
Tumahimik din sa wakas at nakakain na ako nang maayos.
"What was that, Rudeng?" I asked my cousin. She groaned as if she's frustrated of something I couldn't explain. She's cute.
"Never mind that," bored na wika niya.
I'm curious though, but I am not that type of girl who forced someone to explain some thing that made me curious. I won't force people, just let it go.
"Okay, but he's something..."
"Whoa! Is that you Theza Marie Medi--"
"Eat your foods," I cut her off.
"Rude," she commented again.
"Lyn," I added.
THE NEXT day ay naghanda na ako sa second performance ko. Exact 2 PM ang start. Nasa backstage na ako at tapos na rin akong ayusan ng pinsan ko.
I was wearing my purple empire waist dress above the knee, black stockings and black hand gloves. Black doll shoes at nakatirintas ang buhok ko and my light make up.
"You're so beautiful, Theza. Kung hindi ka lang rude ay baka ma-love at first sight sa 'yo si Engineer Markus," pangdadaldal na naman ng pinsan ko.
"I thought, you have a crush on him? According to my own observation," I said and she was shocked upon hearing my words.
"Thirteen words! Unbelievable!" malakas na sigaw niya at napatayo ako. Kukulitin na naman niya ako at iyon ang nagpapairita sa akin.
Kinuha ko ang favorite violin ko at huminga nang malalim.
"Ma-invite nga si Engineer Markus at nang maturuan kang magsalita more than two words. Your famous line, 'you're annoying," she said.
She's right, calculated lahat ang mga words ko, my emotions at pati ang pagngiti. She wonder though kung minsan na ba akong naging masaya at tumawa nang malakas na tila wala ng bukas.
"Shut up," kalmadong wika ko.
"Come on! Theza! Magalit ka!" natatawang saad niya. Gusto niya lang magbago ang facial expression ko pero manigas siya at hindi ko iyon ipapakita sa kanya kahit ang totoo ay nagsisimula na akong mairita sa kanya.
"Are you ready, señorita Theza Marie?" biglang sulpot na tanong ng isang babae akin.
"Yes," I replied. The girl lead the way at sumunod naman ako sa kanya.
Pero may pahabol pa si Rudelyn na dahilan nang pagbilis ng t***k ng puso ko. Rudelyn Fabroa...
"He's watching you, Thez! He's with his family!"
Humigpit ang pagkakahawak ko sa violin ko dahil nagsisimula na akong kabahan. I've never been like this. Nakailang performance na ba ako? Pero never akong kinabahan kahit sa mga panahon na iyon ay first time ko pa lamang. Kalmado lang ako noon, dahil siguro ay wala naman akong pakialam sa mga taong manonood sa akin? Focused lang ako sa pagpapatugtog ko ng violin at tila nahihigop ako ng marahang tono nito but with my cousin's words?!
Dude, remind me na bumili ng aso at ipakakagat ito sa pinsan ko and I'm serious...
"Good afternoon, señorita Theza Marie Medina, we are glad to see you again, for the second time around and thank you for giving us a second time too, to watch you playing your favorite violin. Ladies and gentlemen, our Queen Violin was here, again!" marami pa siyang sinabi at nawala ang kaba ko sa dibdib at napalitan ito ng pagkairita.
Bakit kailangan pa ng introduction kung magpe-perform? Can I just start?
I glanced at the crowd at medyo nagulat ako nang makitang napuno ang buong hall. Na kahapon lang ay nangangalahati, pero ngayon. Dumarami 'ata.
Pero bakit ganoon? Sa dami ng mga taong nanonood ngayon at sa mga matang nakatingin sa akin ay bakit napako lang ang tingin ko sa iisang lalaki?
Kumislot ang puso ko at kung hindi lang ako tinapik sa balikat ng MC ay baka maubos pa ang oras ko sa pagtitig sa engineer na iyon.
And this time ay nakatayo na ako dahil wala na akong makitang chair. Kung wala lang dito ang engineer na iyon ay tiyak akong mag-wa-walk out ako pero ayokong mapahiya.
Muli akong tumingin sa crowd at si papa na ang nakita ko, malapad ang ngiti niya at nag-thumbs up pa sa akin. Dahil sa gesture ng papa ko ay napangiti ako pero hindi 'ata umabot ng tatlong segundo. Narinig ko pa ang iilang pagsinghap ng mga tao pero hindi ko na iyon pinansin pa.
At first glanced ang title ng tutugtugin ko at kahit hindi ko iyon sasabihin sa kanila ay nasabi naman na ng MC. No need to say that by myself.
After my performance ay nalulunod na naman ang buong hall ng masigabong palakpakan nila at muntik na akong mapasinghap nang may mga lalaki ang biglang umakyat sa stage at nangunguna roon si Godfrey Brilliantes na hila-hila ang pamangkin niya.
"Group pictures lang, señorita! Napaka-talented mo at muntik na akong ma-love at first glanced! Just like your music title!" masayang saad niya at inakbayan ako. Bahagya pa akong napaatras.
"I don't want to pass this chance, Theza and I'm with my pamangkins! And your father, too, sir!"
"You're annoying," I said and he laughed.
"That's your famous lines, darling. You can't fool me, come here, sweetheart, group picture tayo! Remembrance lang!" tawag nito sa pinsan ko na umiismid na at akmang mag-wa-walk out na nang bumitaw sa akin si Godfrey at sinundan si Rudelyn.
I stilled nang maramdaman ko ang braso sa baiwang ko.
"Sorry," he murmured at halos lumuwa ang mga mata ko nang mapagtanto ko na ang lapit-lapit ng mukha niya sa akin.
End of chapter 3.