Chapter 6

3776 Words
Chapter 6 SUMAGI na sa isip ni Jeth ng maraming beses na baka panandalian lamang ang nadarama niyang damdamin para kay Reni at baka ganoon din ito sa kanya. But how could something beautiful and wonderful and awesome and great relationship would last easily? They were getting stronger. He believed that their feelings for each other will last a lifetime. Sisiguruhin niya iyon. He could see in Reni’s eyes how she loves him and he’s exerting his own effort too to show how his affection so strong for her. They were having such perfect relationship for six months now. Maybe very quick to tie the knot pero siguradong-sigurado na siya sa pasya niyang pakasalan ito. No second thoughts. Dalawang buwan na lang at ikakasal na sila. Wala na talagang urungan doon. Nakahanda na ang lahat. Kung maaari nga lang siguro niyang hilahin ang oras upang ilapit ang takdang oras na iyon ay ginawa na niya. He was so excited to marry her, call her his own. His Mrs. Mendaro. “Hey, pogi! Anong iniisip mo?” pukaw nito sa kanya. Nakaupo sila sa gilid ng pool. “Iniisip kita,” nakangusong sagot niya. “Did you find me sexy with my polka dots bikini, huh?” “You are sexy whatever you wear, lovely. Hindi ko na iyon kailangan pang pag-isipan dahil ikaw lang ang sexy sa paningin ko. I’m actually thinking how would it feel if I swim with you naked,” nakangising turan niya. Sumubo siya ng ubas na nakapatong sa bench. “You will be aroused, of course. Come and get me. If you catch me, I’ll strip,” pilyang sigaw nito sabay talon sa tubig. Tumalon din siya upang habulin ito. “Come here, Reni! Stop teasing me. I know you are aching to make love with me under the water.” “Oh, handsome, I do but you still have to catch me because I know you are aching more to make love with me under the water,” nakangising panggagaya nito sa paraan ng dialogue niya. Tinanggap niya ang hamon. Pumailalim siya sa pool hanggang sa maabot niya ang floor niyon. Mabilis siyang sumisid at lumangoy palapit sa paa nito at hinatak ito pababa. He imprisoned her delicate body with his arms and captivated her lips with his own. Nang mauubusan na sila ng hininga ay saka lamang niya iniahon ang katawan nila sa ibabaw ng tubig. Hingal na hingal sila. “Anong sabi mo kanina?” “I’ll strip and let’s make love.” Isa-isa nitong hinagis ang panloob nito sa tubig. Then, she started to undress his wet trunks and when she finally did, she even dared to kiss him down there. He barely felt the maddening of the thing between his legs, his loins stirring erotically. “Just what I expected,” anito ng umahon sa tubig. “Yes, I’m arouse.” Kinabig niya itong muli pailalaim at habang nakalubog ang katawan nila sa tubig ay pinadaanan niya ng apoy ang katawan nito. Nang kapusin silang muli ng hangin ay umangat silang muli. Ganoon ang naging routine nila hanggang sa maabot ng kakaibang rhythm na nilikha nila ang sukdulang kaluwalhatian. Iniahon niya ang mga katawan nila sa gilid ng pool nang humupa ang init. Binalutan niya ang mga katawan nila ng roba. “Hindi pa tayo ikinakasal pero nakakadami na tayong honeymoon, Jeth.”  “Dapat sulitin para hindi mabitin." "Bitin ka pa niyan?" Walang salitang namutawi sa mga labi niya. Kinabig niya ito palapit sa kanya at muling siniil ang mga labi nito. “BY THE POWER vested in me, I pronounce you as husband and wife. You may now kiss the bride.” When Jet heard the last lines of the wedding rituals, he excitedly unveils Reni’s face. She was very beautiful, the most beautiful woman in the world for him. And she was his alone. Masuyong dinampian niya ng halik ang mga labi nito. Ang halik na iyon ang magbibigkis sa kanilang mga pangako para sa isa’t-isa. He will die keeping their vows until time forgets itself. Masigabong palakpakan ng mga dumalo ang sumalubong sa kanila matapos ang maalab na halik nilang dalawa. Niyakap niya si Reni at bumulong, “Dumiretso na tayo sa honeymoon. Huwag na tayong dumaan sa reception.” Napahagikgik ito. Bahagya pa siya nitong kinurot sa tagiliran. “Hindi pwede.” “Kung makakalusot lang.” Nagkatawanan sila. Nilapitan na rin sila ng mga bisita pagkaraan upang batiin sila. Nagmartsa na sila palabas ng simbahan at sumakay sa bridal car. “I love you, Serenity.” “I love you, too, Jethrosco.” Muli ay hinalikan niya ito at hinalikan muli nang makapasok sila sa kotse. Inihatid na sila ng driver sa reception area. Nang makarating sila roon ay naging abala sila sa pag-eestima ng mga bisita. Ang dami-daming bumabati sa kanila. Nakakapagod man iyon ay hindi nawawalay ang mga ngiti nila sa labi. Pero gustong-gusto na niyang masolo ang asawa. Asawa. Ang sarap bigkasin niyon. Hihilahin sana niya si Reni sa isang tagong lugar nang lumapit sa kanila ang mama nito. “Congratulations, Reni at Jeth. May your love prosper,” bati nito sa kanila at hinalikan silang pareho sa kanilang mga pisngi. “Thank you, Ma!” magkapanabay nilang tugon. May ilan pa itong ibinilin sa kanila bago napagpasiyahang iwan sila. “I wish you both all the happiness in life,” huling wika nito at nakisalo na sa ibang pang mga bisita. “Tara na at magpulot-gata,” hindi na nakatiis na sabi niya rito. Isa pa iyon sa iniisip niya. Hindi sila maaring magtagal nito sa bakasyon sapagkat may dapat siyang gawin na hindi maaring ipagsawalang-bahala para sa kompanya. Para na rin iyon sa pamilya nila ngayon. “Hmp, magpulot ka ng gata sa sahig!” “Oh, please! Hindi ko sadyang mangyari iyon. Nataon lang na matagal ng naka-schedule ang meeting na iyon sa ibang bansa.” “Naiintindihan ko naman. Kaya dapat alam mo rin kung paano ang magtiis. Bahala ka diyan,” anitong may himig ng pagtatampo. “Darling, sweetheart, honey, please naman,” panunuyo niya “Ang kulit mo naman. Kiss na lang para makontento ka na.”  Mabilis nga siya nitong dinampian ng halik sa noo. “Pagbalik ko babawi ako. Gagawa na tayo ng maraming baby.” “Tatlo lang ang gusto ko para hindi tayo mahirapan sa pagpapalaki.” “Tatlong dosena. Hindi na mahirap iyon,” dugtong niya. Tinampal siya nito sa balikat. Nagkatawanan sila. Napakasarap pakinggan niyon sa pandinig. Tila musikang walang katapusan. Nalusaw na lahat ng pagtatampo sa pagitan nila.  Tumigil na rin sila sa kakatawa at ngisi dahil baka mapagkamalan silang crazy couple. Nagbalik na lamang sila sa bulwagan upang estimahin ang iba pang mga bisita. Proud na proud siyang si Reni ang asawa niya. He was very grateful to be her as his better-half. Nang sa wakas ay mabawas-bawasan na rin ang mga bisita ay naghanda na sila sa pag-alis. Tanging mga malalapit na kaibigan lamang at pamilya ni Reni ang naghatid sa kanila nito sa yate na gagamitin nila sa pag-cruise. Tatlong araw lamang sila nitong mag-iikot at lilipad na siya patungong ibang bansa upang i-meet ang mga foreign investors ng kanilang kompanya. Matapos ang paalaman ay sumakay na sila ng asawa sa yate. “Give me handsome nephews and beautiful nieces!” pahabol pa ni Rousetti bago tuluyang umandar ang sasakyang pantubig sa laot. Malutong na halakhakan ang naging kasunod niyon na unti-unting nilunod ng mga alon ng dagat hanggang sa ang marinig na lamang nila ay ang mabining oyayi ng dagat at ihip ng hangin. Dumiretso sila ni Reni sa deck ng yate upang tanawin ang napakagandang kapaligiran. Malakas ang bugso ng hangin kaya tinatangay niyon ang mga hibla ng buhok nito at ang manipis nitong night gown na ipinalit nito sa traje nito nang makarating sila sa yate. She looked like a goddess. Nilapitan niya ito at niyakap mula sa likod. “You are very alluring. How can you do that just by standing?” “Inlababo ka lang sa akin kaya ganoon. Adonis din ang tingin ko sa’yo," natatawang komento nito. Inagaw ang kopita ng alak na hawak niya at sumimsim roon. Hinapit niya ito mula sa likuran. Ipinaramdam niya ang reaksyon ng katawan niya upang patunayang hindi biro ang isinatinig niyang papuri. “Aye, I’m madly, deeply, truly in love with you.” “Eh, iba na ang mad sa’yo. Atat na yatang mag-deep iyan.” Nagkahalakhakan sila nito. Hinatak niya ito papasok sa loob ng cabin sa gitna ng mga tawa nila. “I’ll take you now, again. And again. And again. And forever,” maalab na sabi niya at siniil ito sa mga labi. Sa gitna ng karagatan ay tanging mga ungol lamang nila ang nanaig na ingay. Pinagsawa nila ang isa’t-isa sa pamamagitan ng walang kapantay at katapusang init ng pagmamahal…   "NO, please! No! Jeth, don’t leave me!” sunod-sunod ang naging pag-ungol ni Reni. Umiiyak na siya sa puntong iyon. Sumisigaw, nagsusumamo na pakinggan nito ang pakiusap niya. Pero hindi ito nakinig. Nagpatuloy ito sa paglayo. Sunod-sunod na nakabubulahaw na ingay ang narinig niya nang tuluyan itong mawala sa kanyang paningin. Nagising siya. Pagmulat ng kanyang mata ay nakitang nag-aalburoto na ang alarm clock. Bangungot lamang pala ang lahat. Salamat naman. Lagi siyang nagkakaganoon simula ng umalis ang asawa niya. Nakaka-apat na araw na itong wala para sa business conferrence nito sa ibang bansa. Parang mamamatay siya sa kahihintay ng pagdating nito. Bumangon na lamang siya kaysa magmukmok sa kahungkagan sa maghapon. Sinilip niya ang CP at nakita ang message doon ni Jeth. Napangiti na siya. Mamaya na lamang niya ito tatawagan dahil siguradong tulog pa ito at pagod. Saka na siya mang-aabala. Nag-ayos siya ng sarili at naglinis ng bahay nila. Lahat ng pwedeng linisin ay nilinis niya. Kailangang maaliwalas at maganda ang bahay nila sa pag-uwi nito. Nang matapos siyang gawin ang mga household chores ay naisipan niyang mamili ng ilang gamit at stocks na kailangan nila.  Tinawagan niya si Rose para samahan siya. Sinabi na lamang niya ang pangalan ng mall kung saan sila magtatagpo. Pagdating niya roon ay nakita niyang kasama nito ang mama nila. Sinalubong agad siya ng mga ito nang matanawan siya sa hindi kalayuan. "Kumusta ka na, Reni?" bati ng mama niya. "Ayos naman po ako. Kayo po, musta na?" Gusto na rin niyang isama sana ang mga ito kaso ay bago pa lamang silang nagsasama ni Jeth. Nakakahiya naman para dito kung kukupkupin agad niya ang mga ito sa bahay nila. Pinag-iisipan pa niyang hilingin sa asawa na pasamantalang iupa ang mga ito ng matitirhan upang sa gayon ay makalayo na ang mga ito sa Daddy Hermino niya. "Mabuti naman kami. Mukhang nagbago na ang Daddy Hermino mo, Reni. Gusto ka nga niyang makita at makausap. Kaso ay abala siya ngayon sa bagong negosyong balak niyang pasukin." Hindi niya maipaliwanag ang kaba na biglang sumibol sa dibdib niya. Marahil ay naninibago lang siya sa ibinalita ng mama niya sapagkat labis iyong nakagigilalas.  "Musta ang school, Rose?" baling niya sa kapatid. Pilit na itinaboy niya ang namuong pangamba.  "Okay naman, Ate. Mas mataas ang grades ko this semester.” "Wow, dahil diyan treat ko ang lunch at merienda ninyo." Nagkatawanan silang tatlo. Masayang-masaya silang naglibot sa mall at namili at kumain. Napakagaan ng pakiramdam niya. Nabura lahat ng bad vibes na nadama niya kanina. Nang mapansin nilang halos pagabi na ay nagyaya na ang mama niyang umuwi. Tinawagan muna niya si Jeth bago sila lumabas ng mall.  "Hello, lovely wife!" agad na tugon nito mula sa kabilang linya. Mukhang bagong gising lamang ito batay sa boses nitong tila paos. "Musta ka na diyan, pogi? Miss na miss na kita.” "I miss you, too. So much. Gusto ko na ngang umuwi para makasama na kita." "Ako rin naman. Kasama ko pala sila Mama at Rose dito sa mall. Namili kami ng mga stocks natin para magkukulong lang tayo sa bahay pagdating mo," napahagikgik siya sa sinabi. "Hindi na ako makapaghintay. I love you, lovely wife." "I love you, too! Sige na, bye-bye! Baka magkaiyakan pa tayo. Bumangon ka na, kumain, maligo tapos lagi mo akong iisipin kapag may magandang Amerikanang lumapit sayo." "Ikaw lang ang laging nasa isip ko, Reni. Bye, take care always." Na-touch naman siya sa sinagot nito. Kahit na anong simpleng salita ang lumalabas sa labi nito ay laging espesyal sa pandinig niya. Laging may haplos na init iyon sa sinseridad ng tono nito. Nahalikan niya ang cp niya nang tapusin niya ang tawag. Para siyang teenager na kinikilig. Three days to go na lang at magkakasama na ulit sila ni Jeth. And they have forever naman para sulitin ang panahon at pag-ibig. "Ate, tara na! Para kang luka-luka dyan." Nagpatianod siya sa paghatak ng kapatid. Hindi mawalay ang ngiti sa kanyang mga labi.   "I MISS your smell, lovely." Idinantay ni Jeth ang ilong sa batok ng asawa. Pinagsawa niya ang sarili roon.  Ganoon ba talaga kapag nagmahal ang isang tao, ang taong mahal lang niya ang iniisip niya sa maghapon? Ganoon kasi siya kay Reni. Buong business convention ay ito lamang ang iniisip niya. Ngayong nakauwi na siya sa kanila at kasama ito sa buong maghapon ay ito pa rin ang iniisp niya. Sounds ridiculous but real. He looked at her wife amorously. "Sana habang buhay tayong ganito," he whispered tenderly and passionately. "Eh, paano ‘yan nagpapasama si Mama na magpacheck-up. Busy kasi si Rose at Daddy Hermino.” "Ang daming balakid naman. Hindi pa tayo nakakabuo. Mag-viagra kaya ako?" "Loko, ang super sipag na natin. Ang sakit na nga ng kasukasuan ko," natatawang saad nito at sumiksik sa dibdib niya. Mahigpit na niyakap niya ito.  "Gusto ko ng malaking pamilya, Reni. Maraming-maraming anak. And I will always be thanking God that He makes you my partner in building my dreams. You are just so wonderful, very lovely and caring." Masuyong hinalikan niya ito sa noo. "Gusto mo lang umungot ng isang round, eh. Ang rubdob ng mga pambobola mo. Ang drama-drama na natin," anito sabay kiliti sa kanya. Kapag ito ang gumagawa niyon ay nakikiliti talaga siya. Kiniliti na rin niya ito. Pulos mahaharot na halakhakan nila ang maririnig na alingawngaw sa kabahayan. "Ano, isa pang round?" "Ayoko na, Jeth. Mamaya na lang ulit. Babangon na ako at baka mahuli sa check-up si Mama. I'll be right back as fast as I could. Then, magkulong ulit tayo sa kwarto. Umuwi ka rin agad pagkatapos ng work mo sa office, ha." "Yes, commander!" saludo niya. Naggayak na silang pareho nito upang umalis. Sinundo muna nila ang mama nito saka niya hinatid ang mga ito sa clinic. Pagkatapos niyon ay tumuloy na rin siya sa opisina. Nagmadali siyang tapusin lahat ng mga importanteng paperworks na kailangan niyang gawin. Nang matapos siya ay mabilis at nanabik siyang umuwi agad. Pagdating niya sa bahay nila ay wala pa si Reni pero naabutan niya roon ang kapatid nitong si Rose. May niluluto ito sa kusina. "Hello, Rose!" masiglang bati niya rito at lumapit. Nalanghap niya ang mabangong amoy ng putaheng nakasalang. "Hi, Kuya! Buti at dumating ka na. Baka matagalan pa raw kasi si Ate at Mama. Kailangan ko ng food taster para dito sa niluluto ko at ginawa kong desserts. Payag ka na, ha. Project kasi namin ito." "Oo, ba. Ang lakas mo sa akin. Mukha namang masarap 'yang luto mo kaya walang problema." Isa-isa na niyang tinikman agad ang mga niluto nito pati ang iba't-ibang inumin na ginawa nito. "Hmmm... masarap, masarap. Ang galing mo, the best ka talaga!" "Ito pang kape, Kuya." Iniabot nito sa kanya ang isang tasang kape. Matapang ang amoy niyon ngunit mabango ang aroma at masarap langhapin. Sinimsiman niya ang tasa at natakam na sairin iyon sa sarap ng lasa. Inudyukan pa siya nitong dumagdag pa na siya nga niyang ginawa. Umayaw na rin siya matapos masimot ang pangalawang salin nito. Ilang minuto lang ay naramdaman niya ang tila sipa ng ininom niya. Nahihilo siya at nanakit ang ulo. "My head got heavy. I think I should rest. Just finish your projects, Rose," paalam niya at akmang tatalikod na nang hablutin nito ang braso niya. "Kuya, kailangan mo pa itong pirmahan para patunay na tinikman mo iyong gawa ko. Ipapasa namin ito sa professor namin. Ako na lang ang bahalang mameke ng feedback mo para puro positive," natatawang habol nito. Sumang-ayon na lamang siya at mabilis na pinirmahan ang lahat ng pinapapapirmahan nito upang makapagpahinga na siya. "Thank you, Kuya! Ayos ka lang ba?" "I'm just tired, I think," aniya at nagpaalam na ditong muli na iidlip lamang siya sa silid nila ni Reni. Binilinan pa niya itong gisingin siya kapag dumating ang kapatid nito. Dumiretso na siya agad sa kama at pagkalapat na pagkalapat ng kanyang likod sa higaan ay agad siyang inagaw ng antok. Nang magising siya ay nakahubad na siya sa kama. He didn't remember taking off his clothes. Ipinagsawalang bahala na lamang niya iyon at bumangon siya. Papalabas na siya ng silid nang makarinig siya ng tila nag-aaway na mga tinig. Mahina lamang ang usapan ng mga ito ngunit may igting ang bawat katagang binibitiwan. Dahan-dahan siyang sumilip sa pinto. Nakita niya si Reni at ang kapatid nitong si Rose sa pasilyo. Tanging tuwalya lang ang saplot sa katawan ng huli.  "No..." usal niya sa isip nang makabuo ng hinala. Imposibleng nagawa niya ang tinatakbo ng kanyang utak. This can't be happening. Lalapitan sana niya ang mga ito upang agad na makapagpaliwanag ngunit natigil siya nang marinig ang sunod na usapan ng mga ito. "Kasama ito sa plano. Iyon ang sabi sa akin ni Daddy Hermino. Alam mong mangyayari ito. Hindi ba't iyon naman talaga ang napag-usapan ninyo nila Mama simula't-sapul? Aakitin mo si Kuya Jeth para makuha ang yaman niya? This will ease your annulment process, Ate. I already had photos taken with him naked. Labag man sa loob ko ay ginawa ko for the benefits of our family..." "Si Mama, kasama sa planong ito? Hindi totoo ang lahat ng ito. Wala silang sinasabing ganito sa akin. Walang planong ganito,"galit na pahayag nito. "Malaking pera ang makukuha mo dito, Ate. I already shared my effort. Sana ganoon ka rin. Nandito na tayo, nagawa na natin." Hindi tumugon si Reni sa pagalit na tinig ng kapatid. Nakamata lamang ito, nagtitimpi ng galit. Marahil ay iniisip nitong mas malaki ang makukuha nito sa kanya kapag habang-buhay siya nitong paglalaruan at paiikutin sa palad nito kaya anong dismaya na lamang nito na hindi ito nasabihan sa panibagong plano ng mga ito. Pwes, nagkakamali ang mga ito! Siguruhin lamang ng mga itong may reserbang plano pa itong natitira sa gagawin niyang paniningil! Madaling tumalikod siya nang makitang akmang tatalikod na rin ang asawa. Pwe, asawa! Galit na galit siya pero nagbalik siya sa pagkakahiga at nagkunwaring wala siyang kamalay-malay sa pinag-usapan ng mga ito. Ilang saglit lang ay pumasok sa silid si Reni at hinaplos ang buhok niya. Nag-init ang ulo niya pero hindi siya gumawa ng bayolenteng reaksyon. He forced hard his self not to do so. Hinintay na lamang niya itong umalis muli bago siya bumangon. Nagdalidali siyang umalis nang walang paalam. Para siyang pinagsakluban ng langit at lupa. He felt so terrible. Nagtungo siya sa opisina niya ng dis-oras ng gabi at doon nagmukmok. Nag-inom siya ng nag-inom buong magdamag. Inabot na siya roon ng sikat ng araw. Kahit pa dumating na ang mga empleyado ng kumpanya ay hindi siya natinag sa laksa-laksang sakit na tinatamasa niya ngayon. It's so painful he felt like shattering into million tiny pieces, literally. He was very angry but he can't do anything. He can't decide what to do. He was torn between love and hate. How everything could go wrong? Nag-angat siya ng paningin ng bumukas ang pinto ng opisina niya. Pumasok roon ang sekretarya niyang si Bettina. "What's the problem, Sir? You look like a big mess," anito at marahang lumapit sa kanya. Lumuhod ito sa harap niya at inagaw ang bote ng alak sa kamay niya. "Tell me what's wrong with me!?" bulyaw niya rito. "Nothing is wrong with you, Sir..." tugon nito. Marahil dahil sa bugso ng napakadami niyang nainom na alak ay anyo ni Reni ang nakikita niya sa mukha ng babae. She was so lovely. He wanted to kiss her, cuddle her, and make her his own again. But all of a sudden, every inch of desires sunk on him faded away quickly when his office door swung shut open.  At hayun, nakatayo, ang kagandahan ng babaeng nasa kanyang imahinasyon. Serenity. She was so angelic but deep within her lays a demon. Isang demonyong nais niyang pilipitin gamit ang buong lakas niya. "It's over, Reni! I'm tired of you! Nagsasawa na ako sa katawan mo. I don't even have the slightest idea why I picked a cheap w***e like you. I felt disgusted thinking of the days I'm with you!" buka ng bibig niya bago pa man ito makapagbigay ng anumang reaksyon. Nanlaki ang mga mata nito sa mga tinuran niya at mas lalo pa iyong nanlaki nang kabigin niya si Bettina at sibasibin ng halik. Nakisakay naman ang babae at umayon lamang sa ritmo ng kanyang mga labi. "Ang kapal ng mukha mo! Nasaan na ang pangako mo sa akin, ha, Jeth? Walang hiya ka! Niloko mo lang ako!" sa wakas ay asik nito. How dare she accuse him of what she did? She's a total b***h! "Plese do get out now, Reni. Hindi pa kami tapos ni Bettina o baka gusto mo kaming panoorin.” Nabawasan ang pait at kirot sa puso niya nang makita itong miserable. Triple damn, ibang sakit naman ang pumiga sa puso niya. He just can't hurt her like that. Parang nasasaktan din siya. Ipinag-alingawngaw na lamang niya sa isipan ang mga usapan nito at ng kapatid nito. He gained strength of madness remembering every word. He glared at her. Ilang segundo nitong sinukat ang titig niya hanggang sa ito na rin ang sumuko. "You will pay for this, Jeth. I swear. Pagsisihan mo ang ginawa mong ito sa akin." "I'll wait for that, wife. And oh, by the way, don't ever think of alimony, my sweet Reni. You'll never get even a small piece of that s**t! Good riddance!" wika niya ngunit wala na siyang nakuhang tugon pa mula dito. Then, gone the woman who built his broken pieces and left him just like before.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD