Chapter 5

3562 Words
Chapter 5 “AKALA ko ba magmemerienda lang tayo?” nayayamot na wika ni Reni kay Jeth. Hindi na niya mabilang kung pang-ilang dates na nila iyon. At sa tuwina ay lagi siya nitong pinaghihintay para sa mga sorpresang plano nito. Katulad ngayon, kanina pa sila naghihintay sa helipad ng office building nito. “I’m sorry for keeping you waiting. I just want to surprise you.” Inakbayan siya nito at kinabig ang ulo niya pahilig sa dibdib nito. “Ang hilig mo talaga sa sorpresa. Ano naman kaya ang inihanda mo ngayon, pogi? Ha? Ha?” kiniliti niya ito sa tagiliran. Mabilis naman siya nitong sinaway subalit hindi siya nagpaawat. “Ayaw mong tumigil, ha,” anito at kiniliti na rin siya. Hagikgik siya ng hagikgik. Ilang saglit pa’y gumugulong na sila sa sahig sa sobrang pagtawa. “God, we’re crazy!” bulalas nito. “We are crazy in love with each other.” “Yup,” natatawang sang-ayon nito at kinintalan siya ng halik sa mga labi. Nasa ganoong posisyon sila ng makarinig sila ng parating na helicopter. Agad silang tumayo at inayos ang mga sarili. Para silang mga bata. “Magmemerienda lang tayo tapos kailangan pa nating sumakay ng helicopter?” “Huwag ka ng kumontra. Alam ko namang kinikilig ka. Tingnan mo ‘yang pisngi mo, ang pula-pula na sa kaka-blush,” tudyo nito. Nasapo niya ang pisngi. Totoo naman ang sinasabi nito. Nailang tuloy siya na napansin nitong masyado siyang kinikilig. Ang hirap naman kasing itago. “Hindi ako kinikilig!” defensive na tanggi pa rin niya kahit huling-huli na. “Hindi ka pala kinikilig, ha.” Bigla na lamang siya nitong binuhat at tinakbo ang kinapupuwestuhan ng helicopter. Hagikgik siya ng hagikgik ulit dahil sa ginawa nito. “Hindi pa rin ako kinikilig,” bulong niya kay Jeth nang makasakay sila sa loob. “Kunwari ka pa, gusto mo lang halikan kita ulit.” Mas lalong nag-init ang pisngi niya sa pagkakatumbok nito sa piping hiling ng puso niya. Gusto sana niyang umungot pa ng halik dito kanina kaso biglang dumating ang helicopter at nawala siya sa momentum ng pagiging lukaret niya. “Hrmp,” tanging ingos niya. Katulad ng inaasahan ay niyakap siya nito at hinalikan sa mga labi. Wala silang pakialam sa piloto. Bahala itong mainggit. Nang matapos ang halik ay inayos ni Jeth ang mga gear na kailangan nilang isuot habang nasa biyahe. Nang maging okay na ay saka lamang nagtake-off ang helicopter. Ang sabi nito ay papunta raw silang Batanes. Nandoon daw ang sorpresa nito. Excited na excited siya. Habang nasa biyahe sila ay pinagsawa niya ang sarili sa mga napakagagandang tanawin. Ilang minuto lang naman ay nasa lupa na ulit sila. Isang limousine ang sumundo sa kanila sa pag-landing ng helicopter. Sa baybayin sila inihatid ng driver niyon. Napakaganda ng mga yateng nakahilera sa pantalan. Parang maliit na port ang lugar para sa mga yate. Dinala siya ni Jeth sa tapat ng isang puting yate. Mayamaya ay bumaba ang telang nakatabing sa katawan ng higanteng sasakyang pantubig. Nasorpresa siya sa nabasa roon. It was her name. Serenity. “Nagustuhan mo ba?” “Pinangalanan mo ang yate mo ng pangalan ko?!” hindi makapaniwalang bulalas niya, nanlalaki ang mga mata. “Not only that, I’m giving that yacht to you.” Mas nasorpresa siya sa sinabi nitong iyon. “Come, let’s ride on her. Nagpahanda ako ng food doon sa loob. We will cruise, later.” Hindi siya nakahuma at nagpahatak na lamang siya rito. “Oh, Jeth, pinapasaya mo ako masyado,” sabi niya nang makita ang ipinahanda nitong mga putahe sa loob ng yate. Napaka-elegante ng loob. Para iyong first class na barko sa ganda ng interior design. It reminded her of the Titanic sa pinagbidahang pelikula ni Leonardo Di Caprio. “Habang masaya ka, masaya din ako. Kaya gagawin ko ang lahat para mapasaya ka dahil ikaw ang kaligayahan ko---.” Hindi na niya ito pinatapos pa ng ibang sasabihin at hinalikan ito sa mga labi. Mabilis na naging mainit iyon. Kumalat ang apoy ng nagbabagang damdamin nila at sumilakbo. Naging hudyat iyon ng pag-uunahan ng kanilang mga kamay upang tanggalin ang saplot ng isa’t-isa. Hinayaan nilang bumagsak ang mga damit sa sahig at pinagpala ang balat ng kapareha. Mas umaatikabong sandali ang sunod nilang pinagsaluhan nang isandal siya ni Jeth sa ding-ding ng yate. Itinaas nito ang mga binti niya hanggang sa maipaikot niya iyon sa beywang nito. Napaliyad siya nang basbasan nito ng basing labi at dila ang magkabilang korona ng kanyang dibdib. Napaungol siya ng malakas at napasabunot dito ng mabining kagatin nito ang mga iyon. Napahiyaw na siya sa sarap nang umuslo ang p*********i nito sa kaloob-looban ng p********e niya. Mas lalo siyang namasa nang maglabas-masok iyon sa nakabuka niyang entrada. Pakiramdam niya at tila ilang beses siyang naihi. Habang ito ay sige lamang sa pagbahis ng ari nito sa ari niya, ‘di alintana ang tagaktak nilang pawis na naghalo na sa magkadikit nilang katawan. Ilang saglit pa’y malakas na napapa-anas na rin ito at sinasambit ang pangalan niya. “I’m coming, Reni. I’m gonna explode now. I want to spill it inside you. Oh, Reni…” halos pugto ang hiningang sambit nito. “Yeah, go ahead… come inside me…” udyok niya, naitirik ang mga mata nang mas umigting ang paghagod ng sandata nito sa kuweba niya. At sa isang iglap ay naramdaman niya ang pag-ulan ng mainit na likido sa nagbabaga niyang laman. Lupaypay na napayakap siya rito. Pinangko naman siya nito at hinalikang muli sa mga labi. Masuyo’t mapagmahal. Bigla ay nakaramdam siya ng hiya at nagpalinga-linga sa paligid. “Baka may nakakita sa ‘tin?” Bumunghalit ito ng tawa. “I already sent them away after we got inside the yacht. We are alone here. Just you and me. Sa atin lang ang sandaling ito.” “Planadong-planado mo, ha,” natatawa ring sabi niya at bigla na lamang kumalam ang sikmura. Doon na lamang nilang muling naalala ang mga pagkain sa hapag. “Isang round pa raw, bitin e.” “Sure, you’ve been my appetizer and you’ll be my dessert later.” Gumuhit ang pilyong ngiti sa mga labi at mga mata nito. Muli ay napuno ng kasiyahan ang paligid. At muling  nag-alab makalipas ang ilang sandali…   SA WAKAS ay lumipas na rin ang isang linggong kinabagutang matapos ni Reni. Ang tanging binalikan niya sa isip ay ang mga alaala nila ni Jeth noong nasa yate sila at tatlong araw nag-stay roon kaya intack pa rin ang katinuan niya hanggang ngayon. Labis siyang nangungulila rito sapagkat nasa isang business summit ito ngayon at isang lingo ito sa ibang bansa upang tapusin ang lakad nito.  Ang gusto sana niya ay lagi itong kasama.  Kung maaari lamang sana. Hindi rin naman niya ito makausap dahil isang linggo siyang grounded sa Mama niya dahil sa nangyari. Bawal siyang gumamit ng telepono at internet. Alam naman niyang nararapat lang iyon dahil hindi siya nagpaalam dito. Galit na galit pa naman ito ng tatlong araw siyang hindi umuwi. Humingi naman siya ng tawad pero alam niyang kulang pa iyon sa naidulot niyang pag-aalala sa mga ito. Ngayon ay nakokonsensya na naman siya sa binabalak gawin. Tatakas siya ngayon upang masundo ito sa airport. Usapan na nila iyon bago sila maghiwalay sa yate. Hindi lamang nito alam na kailangan niyang tumakas. Wala siyang balak na hayaan ang mga itong sikilin ang kaligayahan niya. Matagal ng ginagawa ng mga ito iyon at hindi na niya hahayaan pang magpatuloy. As far as she was concerned, it’s her own damn life. Mahal na mahal talaga niya si Jeth. Sigurado ang puso niya roon. Nagmadali na siya sa paglabas. Mabuti at walang naging aberya. Maaga kaysa sa inaasahan siyang nakarating sa NAIA. Walang kabagutang hinintay niya ang paglapag ng eroplano nito. Mayamaya ay tumawag na rin ito sa phone niya. Nakababa na raw ito. Hinanda na niya ang placard na ginawa niya. I LUV U, JETH, ang nakasulat doon. Nang matanawan niya ito ay kumaway-kaway siya at itinaas ang hawak niya. Ngiting-ngiting lumapit ito sa kanya. “Feeling ko tuloy artista ako. Salamat sa pag-aabala. I love you, too, lovely and I miss you so much.” Hinalikan siya nito. Hindi agad naawat ang halik na iyon sa malabis nilang pangungulila sa bawat isa. Pero bago pa iyon tuluyang lumalim ay huminto na sila. “Mas pogi ka pa sa mga artista sa Hollywood. Walang panama sa’yo si Asthon Kutcher.” Kinalimutan na niya ang actor na crush niya simula ng makilala niya si Jeth. He was her man now. Her only one. “Dumaan muna tayo sa suite ko. Doon nila diniretso ang mga pasalubong ko sa’yo.” Hinintay lang nila ang driver nito at tumuloy na sila sa tinutuluyan nitong hotel. Hindi naman iyon kalayuan sa airport. Bukas na lamang siguro sila didiretso sa bahay nito at sa susunod na araw ay babalik silang Batanes para mag-cruise gamit ang yateng regalo nito sa kanya. She had planned every single thing already. And she was very agitated for their upcoming dates. Nang makapasok sila sa hotel ay tuloy-tuloy agad sila sa silid. Ibinagsak na lamang nito sa sahig ang mga maleta at bag na dala nito nang akuin iyon sa hotel boy. Dumiretso naman siya  sa kama kung saan nakapatong ang mga pasalubong nito. “Sa akin ba ang lahat ng ito?” “Sa’yo ‘yan lahat, mahal. Nagustuhan mo ba?” “Oo naman. Basat galing sa’yo.” Dinampian niya ito ng halik sa pisngi. “Salamat, Jeth. I love you!” “I love you, too! Maliligo pala muna ako. Ang init dito sa Pilipinas.” “Sige, bubulatlatin ko muna itong mga pasalubong mo.” Nang abala na siya sa pagbubukas ng mga supot ay may nag-door bell. Pinagbuksan niya ang tao sa labas. Food service. “Here’s your order, Ma’am,” anang serbidor at umalis na rin agad pagkahatid ng mga pagkain. Ginalaw niya ang alak na kasama ng mga pagkain at binuksan iyon. Palibhasa, hindi naman siya marunong ay sumaboy iyon sa kanya nang mabuksan. Natawa na lamang siya sa sarili. Hinubad niya ang damit at nagtapi muna ng tuwalya habang naghahalungkat kung may maisusuot siya sa mga dala ni Jeth. “Maliligo ka rin? Sana sumabay ka na lang sa akin,” ani Jeth nang makalabas ito sa banyo at makita siya. Nakatapis lamang din ito ng tuwalya. “Loko. Natapunan lang ako ng alak nang buksan ko. May pasalubong ka bang damit dito?” “Meron. Madami. Parang diyan yata sa black bag nakalagay.” Tinulungan na rin siya nitong maghanap. Nagulantang sila nang biglang bumukas ang pinto ng silid at iluwa ang mama niya. Nang makita nito ang anyo nila ay agad nitong sinugod si Jeth at nagwala. Hinablot niya ang bedsheet at itinapis sa katawan nang makita ang Daddy Hermino niya na kabuntot ng ina niya. Ibinuhol niya ng maigi ang kumot sa dibdib at mabilis na pumagitan sa mga ito. Pinigil naman ng ama-amahan niya ang mama niya. “Huminahon ka, Trining,” anang step-father niya at inilayo ang mama niya. “Huminahon? Paano ako hihinahon, Hermino? Nakita mo ba kung anong ginagawa ng lalaking ‘yan sa anak ko?” galit na paghi-hysteria ng kanyang mama. “Wala siyang ginagawang masama sa akin, Mama. Mali po kayo ng iniisip,” singit niya. Nagtataka siya kung paano siya natunton ng mga ito at nakapasok sa loob. “Tumigil ka, Reni! Hindi mo alam kung anong ginagawa mo! At ikaw, lalaki, mag-uusap tayo! Pinagkatiwalaan kita pero ito ang igaganti mo? Hindi ko mapapayagan ang pananamantala mo sa anak ko.” “Haharapin ko po kayo pero gusto ko pong malaman ninyo na hindi ko po sinasamantala ang anak ninyo at gusto ko rin po kayong pangunahan na hindi ko po kayang iwan si Reni kung iyon ang nais ninyo. Mahal ko po siya, mahal na mahal,” diretsong sabi ni Jeth. Natahimik ang mama niya. Maging siya ay bahagyang natahimik sa sinseridad ng tono nito. She had heard him say ‘I love you’ many times before but the way he had said those words a while ago was special, the emotion was so strong she wished she had captured him saying those words in a recorder. “Puwes, panagutan mo ang anak ko,” sigaw ni Trining na gumambala sa nagdidiwang na puso niya. “Pakakasalan ko po ang anak ninyo,” walang kagatol-gatol na sagot ni Jeth. Parang malalaglag ang panga niya pagkarinig sa mga katagang binitiwan nito. Hinawakan siya nito sa kamay at pinisil ang palad niya.  Tigalgal na napatitig siya sa mga mata nito. Lord, please tell me it is not a dream because I want it to be real and true…   “BAKIT ba ang hilig ninyong makialam sa buhay ko? Hindi ko naman pinapapakialaman ang buhay ninyo kaya huwag rin sana ninyong akong pakialaman,” naiiritang asik ni Reni sa kanyang ina nang makauwi sila. Pinagpilitan siya nitong iuwi kahit ayaw na niyang umuwi sa kanila. Pumayag lamang siya dahil kasama si Jeth at nakakahiyang doon ito nag-eeskandalo sa hotel.  Ayaw nitong makinig sa paliwanag. Naiinis siyang ganoong klaseng anak pala ang iniisip nito sa kanya. Kahit na totoo ay masakit pa rin talaga. Nagtuloy ito sa kusina ng bahay nila at kumuha ng maiinom sa refrigerator. Nang matapos itong uminom ay saka lamang siya binalingan. “Hanggang kailan mo ako paglilihiman, Reni?! Ina mo ako, paano kung may nangyari sa iyong masama, ha? Kailan pa may nangyari, sa inyo? Paano kung nabuntis ka niya? Hindi kita pinagbabawalan makipagkita sa kanya pero ayokong maging padalos-dalos ka sa mga desisyon mo sa buhay. Buti na lang at sinabi sa akin ng Daddy Hermino mo ang pinaggagagawa mo. Hindi por que hindi kita pinaghihigpitan ay mambabarumbado ka na,” mahinahong sabi nito at muling uminom ng tubig. Pagak na natawa siya. “Kailan pa ninyo ako pinapasundan? I bet it had been so long.” “Hindi kita pinapasundan, pinababantayan kita sa Daddy Hermino mo. Ngayon lang ako sumama sa kanya at mabuti na lamang na sumama talaga ako. Ano ka ba, Reni alam mo namang ayokong mag-asawa ka ng maaga. Napakabata mo pa. Pinayagan na nga kitang huminto sa pag-aaral tapos ito pa ang isusukli mo sa pagiging maluwat ko? Paano na ang kapatid mo? Gusto mo bang gayahin niya ang mga ginagawa mo? Hindi na ako malakas para kumilos pa. Ikaw ang inaasahan kong tutulong sa akin.” Nasaktan siya sa mga sinabi nito. Para bang gusto nitong sabihin na pasanin niya ang lahat ng problema ng pamilya nila. “Mahal ko si Jeth,” sabi na lamang niya kahit gustong-gusto niya itong sagutin ng pabalang. “Nagmahal din ako, Reni pero tingnan mo ako ngayon. Gusto mo bang matulad sa akin?” “Mali kasi kayo ng taong minahal!” sigaw niya. Tinalikuran niya ito. Para siyang bolang apoy sa galit at sama ng loob. Hindi niya gustong bastusin ang ina subalit nasaktan siya. Wala itong tiwala sa kanya. Matanda na siya at may karapatan naman siya sa kalayaan niya. Sana naman ay hayaan na siya nito. Hinanap niya si Jeth. Nahagilap niya ito sa munting garden ng bahay nila. Mahinang tinawag niya ito. Lumingon ito at nilapitan siya. “Anong nangyari? Anong sabi ng mama mo? I’ve talked to your step-dad, and I think he’s agreeing with our decision to marry.” “Hindi mo ako kailangang pakasalan. Baka nabibigla ka lang.” “What? Are you out of your mind?” galit na bulalas nito. Mukhang nabigla ito sa sinabi niya, iritado at naasar na tumingin ito sa kanya. Pagkaraan ay malakas na bumuga ito ng hangin sa bibig at inihilamos ang palad sa mukha saka muling humarap sa kanya at niyakap siya ng ubod ng higpit. “Alam mong mahal kita…” masuyong anas nito. “Mahal din naman kita.” “Iyon ang punto. Mahal natin ang isa’t-isa. Kahit pa hindi sabihin ng mga magulang mo ay pakakasalan talaga kita. I’ve been planning my proposal since the time I realized that I already fell in love with you. Noong makilala kita, makasama at mahalin sinabi ko agad sa sarili kong gusto ko ng mag-asawa. Sigurado ako roon at totoo iyon. Sa puso ko, sa isip ko, sa diwa ko. Maniwala ka.” She went misty by his words. She was carried away with the feelings he bestowed upon her. Nagtuloy-tuloy ang mga namuong luha sa sulok ng kanyang mga mata at nag-unahan iyon sa pagbagsak sa kanyang pisngi. Hinayaan siya nitong humagulgol sa balikat nito. Tears of joy, a feeling only fortunate people can experience. “Hindi ko ito inaasahan, Jeth. Thank you so much sa paglalaan mo ng pag-ibig para sa akin.” “Maraming salamat din for loving me back. So, is it a yes?” “Ang bilis-bilis naman. But of course, it is a yes!” sukat na lamang bigla itong nagsisisigaw sa sobrang saya at binuhat siya at pinaikot-ikot na tila nagsasayaw silang dalawa sa hangin. “Pasensya ka na at wala man lang akong singsing na maibigay sa’yo ngayon."  “Hindi ko kailangan ng singsing, Jeth. Isang bagay lang iyon. Ang kailangan ko lang ay makapiling ka at sapat na iyon sa akin.” Malakas na sumigaw ito. “I’m the happiest man in the world!”  And she will be the happiest lady in the world.   “BLUE, red, pink or white?” tanong ni Reni kay Jeth para sa magiging motif ng kasal nila. Iyon na lang ang kulang para ma-finalize nila ang magiging hitsura ng kasal. Hands-on sila sa pag-aayos niyon. Sila rin ang pumili ng venue at mga putahe para sa araw ng kasal. Pati disenyo ng invitation ay sila ang nag-lay-out. Kahit na nga ang flower arrangements ay pinagkaabalahan nila ng oras. That day will be their greatest day. They will cherish it for all their life kaya marapat lamang na pagtuunan nila ng maraming pansin iyon. “How about gold and red?” suhestiyon nito. “Perfect! That’s look elegant and passionate,” sang-ayon niya. Inilapat na nila ang kulay niyon sa soft copy ng invitation na ginawa nila. Pumili na rin sila ng babagay na bulaklak para sa kulay ng motif nila. Magkatuwang sila sa lahat ng bagay para sa kasal nila. Mabilis na nilang tinapos ang iba pa nilang gagawin at nagtungo na sa couturier. Naroon na si Rousetti na kagagaling lang sa school. Doon na niya ito pinadiretso. “Hello, Kuya, Ate!” bati nito sa kanila. Magkakilala na ang mga ito. Mabilis na nagkasundo ang dalawa sa labis na kasiyahan niya. “Wow, you’re getting pretty each day, Rose.” “Si Kuya binobola pa ako e, pumayag na nga akong maging maid of honor ninyo.” Nagkakatawanan sila habang pumapasok sa gusali. Masayang-masaya siya. Hindi niya akalain na magiging ganito siya kasaya sa tanang buhay niya. Ilang saglit pa’y sinusukatan na rin silang tatlo. Naging mapili siya sa magiging tabas ng wedding gown niya. She just wanted to be perfect for her wedding day. Hindi naman siya naghahangad ng magarbong trousseau pero gusto niya ay magmumukha siyang magandang-maganda kahit simple lang. “Kahit anong suot mong gown sa kasal natin okay lang sa akin. Ikaw ang pinakamagandang babae sa paningin ko, Reni.” “Hrmp, natatagalan ka na sa akin, ano? Malapit na akong makapili,” ingos niya. “Hindi sa ganoon. Nagtampo ka naman agad. Tutulungan kitang pumili.” Itinuro nga nito ang ilang mga designs doon at sinabi nito ang opinyon nito sa mga isinusukat niyang gown. Sa wakas ay nakapili na rin siya. Babalikan na lamang nila ang gown a month before the wedding day para maiayos pa ang ilang detail niyon kung sakaling may gusto silang ipabago. Pagkagaling nila roon ay tumuloy sila sa isang restaurant para mag-lunch. Inihatid din nila pabalik sa school ang kapatid niya dahil may last subject pa itong dapat pasukan. Pagkatapos ay nagpunta naman sila sa venue ng kasal para i-confirm ang reservation nila. Hapon na sila nakauwi. Pagod na pagod silang pareho sa layo at tagal ng biyahe. “It’s very tiring organizing our own wedding but it was a lot of fun. I’m happy doing it with you,” pahayag ni Jeth. Sabay nilang ibinagsak ang katawan sa sofa. “Indeed. Sana hindi ka magsawa sa akin.” “Never will be. I’d love to count every white strand that will grow in your hair every passing year. I’d still love to kiss you even we lost all our teeth. I’d still love to cuddle you and make love with you even our skin turned dry and ugly. I would, lovely. I promise.” “Nakakatuwang marinig ‘yan sa’yo, pogi. Ganoon din ako sa’yo pagtanda natin. Pangako rin.”  Then, they sealed it with a splendid kiss.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD