Chapter Four
KINAHAPUNAN ay naglakad-lakad sila ni Jeth sa tubuhan. Magkahawak-kamay silang dalawa habang nag-iikot at binabantayan ang paglubog ng araw. Kumawala siya sa kamay nito nang may pilyang ideyang pumasok sa isip niya. “Habulin mo ako, Jeth!” nagtatakbo niyang sigaw.
“Saglit, hintayin mo ako! Baka maligaw ka! Hindi mo kabisado ang pasikot-sikot dito!” Nagsawalang bahala siya sa paalala nito. Hindi naman siya lalayo sa paningin nito. Nang maabot niya ang kumpol ng makakapal na tubo ay nagtago siya sa likod niyon. Hinintay niya ang paglapit ni Jeth upang gulatin ito.
Subalit isang hindi inaasahang bisita ang lumapit sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang ahas na gumagapang papalapit sa kanya. Tumili siya ng tumili habang tawag ang pangalan ng lalaki. Ngunit bago pa man siya nito masaklolohan ay natuklaw na siya ng ahas. Bumagsak siya sa matigas na lupa. Bago pa man niya maipikit ang mga mata ay nakita niya ang humahangos na pigura ni Jeth.
Pinilit niyang huwag lukubin ng dilim ang kanyang kamalayan subalit hindi siya nagtagumpay. Ilang beses pa siyang sumubok subalit nabigo siya. Nang tangkain niyang magmulat ng mga mata ay unti-unti siyang nagtagumpay hanggang sa tuluyang mabawi niya ang diwa. Maliwanag na sa paligid nang iikot niya ang paningin. Pamilyar siya sa hinihigaang kama. Nakabalik na siya sa kanyang silid.
Mas lalo siyang nagising ng mahalimuyak na amoy. Bumangon siya at tinalunton kung saan nagmumula iyon. Humantong siya sa kusina nila at nabungaran doon si Jeth na nagsasangag. Ang macho-macho nitong tingnan na nakahubad-baro at suot-suot ang pink na apron ng katulong nila. “Magandang umaga! Bakit bumangon ka na agad? Hinanda ko pa naman ito para mag-breakfast in bed tayo.”
“Anong nangyari? Totoo bang natuklaw ako ng ahas?” Napatingin siya sa bendang nakatapal sa binti niya.
“Oo. Huwag kang mag-alala sinipsip ko na ang kamandag n’on.”
“Sinipsip?!” hindi makapaniwalang bulalas niya.
“Joke lang. Nagpatawag ako ng doktor. Hindi naman daw makamandag ang nakakagat sa’yo. Tingnan mo, nakakalakad kana na parang walang nangyari.”
“Oh, my gosh! Salamat at nando’n ka. Ang tigas kasi ng ulo ko.”
“Hindi mo kasalanan ‘yon. Nagkulang ako sa pag-aalaga sa’yo. Nangako pa naman ako sa Mama mo.”
“Kailan pa tayo nakauwi?”
“Kagabi. Dito na kita itinuloy pagkatapos kang lapatan ng first aid. Ayokong mag-alala ang mga magulang mo sa ’yo. Saka, obligasyon kong magpaliwanag sa kanila at akuin ang nangyari sa ’yo. Pasensya na talaga at naging pabaya ako.”
“Hindi mo kailangang humingi ng tawad sa kahit kanino. Nasaan na pala sina mama?”
“Pumasok na ang kapatid mo. Umalis naman ang daddy mo. Ipapatawag ko na lang ang mama mo kay Ineng. Sabay-sabay na lang tayong kumain dito.” Hinubad nito ang apron at sinuot ang damit na nakasampay sa upuan. Umalis ito at pagbalik ay kasama na ang mama niya.
“Tara, kain na po tayo!” Pinaghanda sila nitong mag-ina.
“Masarap kang magluto, hijo. Pwede ka ng mag-asawa,” opinyon ng kanyang ina at nag-umpisa ng kumain.
Napangiti siya rito sabay muwestra ng ‘thumbs-up.’ Masayang-masya ang loko. Mukhang nakabawi pogi points dahil sa sinangag, danggit, pipino, kamatis at mainit na tasa ng kape.
“Pero si Reni hindi pa marunong magluto ng maayos kaya hindi pa pwedeng mag-asawa.” Nagkatitigan na lamang sila ni Jeth at sabay na natawa ng malakas.
“PARA sa’yo,” inabot ni Jeth kay Reni ang isang pumpon ng mga bulaklak. Date nila ulit ngayon dahil naka-good points siya sa mama nito.
Sinamyo nito ang mga bulaklak. Napakaganda nito kahit kailan. Bawat segundo yata ay nabibighani siya nito. Simpleng-simple lamang naman ang gayak nito pero sadya itong nakakapanghalina. Naka-sunflower printed dress ito na kulay berde at may sombrerong gawa sa mga hibla ng pinya na nabili nila sa isang souvenir shop na nadaanan nila. Wala itong nakapahid na kolorete sa mukha ngayon. She was angelic. Maniniwala siya rito kung bigla nitong sasabihin na isa itong anghel na pinadala ng Diyos para sa kanya.
“Salamat, ang dami mo nang nabili sa akin.”
“Because you’re so special and I really want to make you feel special. Tara, mag-fishing tayo for lunch. Tapos magpunta tayo sa beach sa hapon, mamangka tayo. Panoorin natin ang sunset. Mamayang gabi naman magkulong lang tayo sa kwarto. Mag-loving-loving tayo.”
“Why, you are so sweet, Jeth. At napakapilyo mo rin!” Kinurot nito ang pisngi niya. He just laughed boyishly.
“Just can’t help it. I want to make you happy because you make me happy.” Totoo iyon. Simula nang makilala niya ito ay lagi na siyang nakangiti. Hindi na siya ang dating siya na parang laging may salubsob sa puwet. Reni made him realized that life is still beautiful and there’s a lot of reason to smile and be happy. He just has to learn to move on by forgetting all the stolid and dull things that happened in his life.
Nag-iisa na lamang siya sa buhay. Ilang taon na ring patay ang kanyang mga magulang. He couldn’t forgive himself for that one unfateful night. Aksidente ang pagkamatay ng mga ito. Sinisisi niya ang sarili sa nangyari dahil nakagalit niya ang mga ito ng panahong iyon. Gusto ng mga itong pangasiwaan niya ang kompanya nila na noon ay sinukuan niya ang pamamahala dahil abala siya sa pagbubuhay binata. Kung pumayag siguro siya na tanggapin ang kompanya nilang muli ay hindi sana ang mga ito ang naaksidente sa pagpunta sa isang business convention. Kundi siya dapat. He’s the one who deserve that fatal accident. He really regretted the decision he had chosen.
Pero ngayong nandito na sa piling niya si Reni ay nagbago na ang pananaw niya sa mundo. He should not blame himself for the death of his parents. It’s not a thing he could control. God always had the best plan for everyone. Marahil ay gusto nang makapiling ng Panginoon ang mga magulang niya kaya kinuha na ang mga ito sa kanya.
And maybe, God planned for him to meet Reni, a person who could make his pains and sorrows go away. But he’s not going to believe that he was already in love with her. It’s just too impossible for love to bloom for just a short span of time even if it moves mysteriously. He was contented with Reni’s companion because she is a special friend.
Tuluyan nang nagbago ang tingin niya rito. Malinaw na sa kanya ngayong hindi ito isang pick-up girl. Naikuwento na nito ang tunay na nangyari kung bakit sila nagtagpo. Madaldal ito at may pagkapilya. And those characteristics made him adore her all the more. She simply put colors and bliss in his life just by smiling.
“O, tara na!” Pinaabrisete niya ang braso nito sa kanya habang ang kamay naman niya ay sinakop ang palad nito. Nauso na sa bokabularyo niya ang PDA. Kahit nasaan sila ay wala na siyang pakiyeme na iparamdam dito na special ito sa kanya, na may mumunting silakbo na ng mga damdamin ang unti-unting umuusbong sa puso niya.
“I can give you a kiss for being so sweet,” sabi nito sa kanya, nakangiti. Pero hindi niya hinayaang magawa nito iyon. Siya mismo ang humalik dito. Tinanggap naman nito ang pagsuyo niya.
Pagkatapos ng tagpong iyon ay sinubukan nilang gawin lahat ng sinabi niya.
NAPAKA-SWEET talaga ni Jeth. Iyon ang talagang napapansin ni Reni sa binata. Lagi siya nitong pinapadalhan ng bulaklak at mga regalo. Sinita na nga niya ito dahil nagtataka na ang mama niya kung bakit araw-araw ay may nagdadala ng bulaklak sa bahay nila. Punong-puno na nga ang mga flower vase nila at wala ng mapaglagyan ang ibang padala nito. Nagtataka rin ang mama niya dahil halos araw-araw ay may nakikita itong bagong gamit niya. Pilit na lamang niyang itinatago iyon upang hindi na nito makita pa. Magdamagang pinapapak naman niya ang mga tsokolateng bigay sa kanya ng binata para hindi na ma-curious pa ang mga tao sa bahay nila kung saan galing ang mga boxes ng imported chocolates na dumadating sa bahay nila. Siguradong magagalit ang mama niya sa kanya kapag nalamang nagpapaligaw siya. Teka, nanliligaw nga ba si Jeth?
Ilang linggo na rin siya nitong niyayang lumabas. Laging tumatawag ang binata upang ipagpaalam siya. Mabuti na lamang at malakas ito sa mama niya kahit ayaw pa talaga nitong maligawan siya. Noong minsan, hindi siya nakauwi dahil malayo ang pinuntahan nila ni Jeth sa isang date nila at inabot sila ng bagyo. Napilitan tuloy silang mag-overnight. Subalit kahit na ganoon, kahit magkatabi silang matulog sa isang gabing solo nila ang kama ay wala pang nangyayaring muli sa kanila nito. Hindi naman sa umiiwas siya roon. Hindi rin naman niya madamang umiiwas din ito. Sadyang wala pa talagang nangyayari ulit. At gusto niyang may mangyari ulit sa kanila pero ayaw niyang sa kanya iyon magmula. Gusto naman niyang magpakipot kahit kaunti lang, kahit na parang huli na para sa bagay na iyon. Ayaw naman niyang isipin nito na napaka-easy to get niya. Kahit pa na iyon na rin naman talaga ang labas niyon dahil may nangyari na agad sa kanila sa pangalawang pagkikita pa lang nila.
Ah, basta, they are both consenting adults. Kaya hindi na siguro masyadong masama iyon. Single naman siya, single ito. Eh, ‘di parang magkarelasyon na rin sila niyon? Unofficially nga lang. Kumbaga MU lang sila. Parang teenager lang ang dating nila. Pero wala siyang paki. Ang mahalaga ay kinikilig siya ng sobra-sobra. Masayang-masaya siya. At napakatagal na yata simula ng huli siyang maging masaya dahil sa mga kontrabida sa buhay niya.
“Ate, para kang bubuyog. Kanina pa nakadapo ‘yang ilong mo sa mga bulaklak. Mamaya puno na ‘yan ng kulangot mo,” istorbo ng kapatid niyang si Rousetti. Nagbibihis ito ng school uniform nito. Panghapon ang pasok nito ngayon.
“Bruha, inggit ka lang,” asik niya rito, nagpatuloy sa pagde-daydream.
“Kapag nakita ka ni Mama papagalitan ka n’on. Alam mo naman ang laging bilin n’on sa atin, ‘di ba?”
“Hrmp, hindi naman por que puro walang kwenta ang nakatagpo niya noon ay ganoon na rin ang mangyayari sa atin. Hindi lang kasi siya marunong pumili at napaka-martyr pa niya. Dapat umalis na tayo dito.”
“Alam mo namang wala tayong ibang pupuntahan.” Napasimangot na lamang siya sa katotohanang sinabi nito. Malaking dahilan kasi iyon kung bakit nasa poder pa sila ng Daddy Hermino niya. Hindi na lamang siya sumagot sa pagka-badtrip. “O, sige, Ate mauuna na ako. Baka ma-late pa ako,” patuloy nito at binitbit ang mga gamit na sangkaterba.
“May baon ka na ba?”
“Wala nga, eh. Pamasahe lang.”
“O, eto. May naitabi pa ako dito. Kunin mo na. Magdala ka na rin ng tsokolate.”
Nang lumabas ito ay nag-ayos na rin siya ng kanyang sarili, makikipagkita siya kay Jeth. May usapan sila nito mamayang gabi. Nagmadali siya sa pagkilos. Nang makatapos siyang magpaganda ay umalis na siya sa kanila.
Sa isang reastaurant siya sa ibaba ng hotel na tagpuan nila parati siya nag-abang. Parating na raw ito ayon sa text message nito sa kanya kanina. Hindi naman siya naghintay pa ng matagal at dumating na rin ito.
May dala itong boquet of red roses na iniabot agad sa kanya. “How’s the lovely lady?” nakangiting bati nito. Napakagwapo nito sa paningin niya kahit kailan. At mas lalo pa itong pumopogi sa bawat minuto. Parang ang sarap tuloy nitong hagkan. Sana ito na lang ang gumawa niyon sa kanya.
“Ito maganda pa rin. Ikaw, pogi kamusta ang araw mo?” ngiting-ngiting siya rito, medyo seductive. Piping umusal siya na sana ay basain nito ng labi ang mga labi niya na nanunuyo at uhaw sa halik nito.
“I feel great now that I see you. You complete my day, lovely.” Hinawakan nito ang palad niya at marahang pinisil iyon. Nakakapag-init iyon ng puso. Parang matutunaw pa siya sa titig nito.
“May sorpresa pala ako sa’yo,” anito.
Na-excite naman siya sa sinabi nito. “Ano namang surprise ‘yan?”
“Secret muna.” Inilabas nito ang isang panyo sa bulsa nito. “Pipiringan muna kita. Bawal ang mandaya.”
“Ngek, mamaya ikadena mo na ako niyan. Tapos dalhin mo ako sa isang suite dito.” Napahagikgik siya sa naisip.
“I’d love to do that as well but not yet this time. Some other day, lovely,” nakangising sabi nito. Pumayag na siyang magpapiring. Inalalayan lamang siya nitong maglakad. Naramdaman niyang sumakay sila sa elevator. Napakatagal nila roon. Mayamaya ay naramdaman na rin niyang lumabas sila. Naglakad pa sila ng kaunti.
“Malayo pa ba?” reklamo na niya.
“We’re here.” Tinanggal na nito ang takip sa mga mata niya. She was amazed by the wonderful view. Nasa rooftop sila at kitang-kita niya ang maningning na siyudad mula sa kaitaasan.
Sa isang dako ng lugar ay may nakaset na lamesa na napakaganda ng pagkakaayos. Punong-puno ng iba’t-ibang bulaklak ang paligid at makukulay na ilaw na hindi masakit sa mga mata. Hindi natatapos sa pagpipista ng kanyang paningin ang lahat, ang pakiramdam ay nag-iiwan ng kaiga-igayang emosyon. Hinawakan siya ni Jeth sa mga braso at inakay palapit sa mesa. Sa gintong carpet sila naglakad na punong-puno ng iba't-ibang flower petals. Parang nais maglulukso ng puso niya sa napakasayang damdamin na ipinararanas nito. It was perfect bliss!
"Hindi ka lang pala sweet at pilyo. Napaka-romantic mo rin," tudyo niya.
"You make me feel this way. And I love the feeling you are waking in my heart and soul. It is so beautiful I would like to weep." Wala siyang maisagot sa sinabi nito. She was overwhelmed.
"Salamat para dito, Jeth. Sa lahat ng ibinigay mo. I really appreciate all the presents. It makes me warm. Wala pang nagpadama sa akin ng ganoon. Natutuwa akong nakilala kita," mayamaya'y sabi niya nang mailang sa katahimikan.
“Me, too. Sometimes, I got confused thinking about my sanity because I’m getting crazy thinking about you. I’m not fatalistic but I think destiny brought us near each other and be together. I wish that what I’m thinking is true because I don’t know what to think anymore except you.”
Kinabahan siya bigla sa tono ng pananalita nito. O kaba ba talaga ang naramdaman niya o antisipasyon? Ang gulo. Nagrambol-rambol na ang emosyon niya dahil sa eratikong pintig ng kanyang puso. Siya yata ang nababaliw sa kanilang dalawa.
Napahinto ang isip niya nang yumuko ang ulo ni Jeth at bumaba ang mga labi nito upang angkinin ang mga labi niya. Natupad na rin ang kanina pa niya hinihiling. Ang sarap ng halik nito. Nalulunod siya. Parang ang sarap ding humiga sa mesa at hayaan itong pagpalain ang kabuuhan niya. Dios mio! Napagtanto niyang sadyang baliw na nga talaga siyang tunay upang isipin ang kahalayang iyon.
Binaliw-baliw pa siya lalo ng halik nito na palalim ng palalim at papusok nang papusok. Nawa’y mabaliw din ito ng labi niya para pareho na silang baliw, mga baliw sa pag-ibig. Pag-ibig?! Agad-agad?! Pero ano pa nga ba ang tamang katawagan sa nararamdaman nila? Crush, infatuation o puppy love? Pang baduy lang naman ang mga katawagang iyon, ‘di ba? Basta, in love na siya at pipilitin niyang maging ganoon din ang damdamin nito kung hindi pa ito nahuhulog ng tuluyan sa alindog niya.
Hindi nila namamalayan na paatras na sila ng paatras hanggang sa mabangga nila ang naka-set up na mesa. Hinawi ng kamay ni Jeth palayo ang mga kubyertos at plato saka siya isinampa sa ibabaw n’yon. Magkadikit pa rin ang kanilang mga labi. Sa pagkakataong iyon ay may kasama ng dila. They were fencing and suckling. She guessed saliva could make a fire. She was burning inside with sensations only foreign to her before. Ngayon parang kabisadong-kabisado na niya ang pakiramdam na iyon at sa piling lang ng lalaki niya iyon gustong maramdaman.
Nagsimulang maglumikot ang kamay ni Jeth, ang isa ay hinaplos ang likod niya pababa sa kanyang pang-upo at ang isa naman ay pinagpapala ang dibdib niya. Napa-ungol siya sa pagitan ng halik nila nang lampirutin nito ang dunggot niya. Nagsunod-sunod pa lalo ang mga ungol nang lumihis ang kamay nito mula sa likod niya papunta sa kanyang hita. Pataas sa pagitan n’yon at hinaplos ng mainit nitong palad ang b****a niya. Her vaj felt wet all of a sudden and her c******s pulsating with the beat of her heart. It seemed, at that moment that they were one. Screaming Jeth’s name, begging to be pleased---emotionally and physically.
Hindi naman siya binigo ng lalaki, bumilis ang paghaplos nito sa kaselanan niya. The friction made by the thin fabric between his fingers and her wet p***y heightened the pleasure. She was reaching the climax, a tiny electric volt run through her spine. She shivered. She combusted. Hot liquids exited her vaj. It was a satisfying release.
“I like it every time we kiss,” he said moving away from her lips, his fingers still between her legs.
“I will love it if we both make something more than kissing and touching,” she said panting with an accent of desire. Ayaw sana niyang isuhestiyon ang pag-aasam na iyon ngunit hindi niya mapigilan ang damdamin. She wanted more. This man drives her crazy so much.
“I’m dying, too but I shouldn’t,” bulong nito sa kanya at inakay siya pababa sa kinapapatungang mesa.
May pag-aalinlangan sa anyo nito. Tila nailang ito sa mga sinabi niya. Wrong move. Ang landi kasi ng isip niya. Siya itong babae ay siya pa ang nag-suhestiyon ditong gawin ang makasalanang bagay na iyon. Kaya ngayon ay pahiya pa siya sa pagtanggi nito at naging napakailang ng sitwasyon. Pinagalitan niya ang sarili sa isip.
Mayamaya’y ngumuso ito sa gawing likod nila. Standing on the corner behind them were group of crews. May tulak-tulak na trolley ang iba naman ay bitbit na musical instruments. “I’ve never experienced making love on a roof top yet but I don’t want these guys watching us. And I just want to take it slowly this time that’s why I prepared something else for tonight.”
Nabura ang pakiramdam ng pagkahiya nang matanto ang dahilan ng pagtanggi nito. Syempre, ayaw rin naman n’yang pagpyestahan ng iba ang intimate moments nila. Buti na lang nagpigil si Jeth kung hindi baka naghubad na siya kanina pa at magkaro’n pa siya ng instant scandal sa web.
Mabining hinaplos nito ang pisngi niya na nagpabalik sa pansin niya rito. “I like you a lot, Reni. Gustong-gusto.”
“Totoo ba talaga ‘yang sinasabi mo?”
Natahimik ito. Napatitig sa kanya ng matagal. “Sa tingin ko iba na ang nararamdaman ko ngayon. Mahal na yata kita…”
Siya naman ang natahimik. Hindi niya alam ang tamang maging reaksyon. “Mahal mo na yata ako?”
“Oh, Reni…” hinawakan nito ang mga palad niya. “Let me change that. Mahal na kita. Mahal na kita…”
Napuno ang paligid ng romantic ambiance at aura nila. Ito na yata ang isa sa pinakamasayang gabi ng buhay niya. Tinitigan niya si Jeth na punong-puno ng giliw at lingap ang mga mata. At bigla, sa kung anong pwersang nagtulak sa kanya ay hinalikan niya ito sa pisngi. Naisip niya, iyon marahil ang magandang itugon sa sinabi nito. “Mahal na rin kita,” sambit niya pagkakuwan.
Kinabig siya nito upang suyuin muli ang kanyang labi. Oh, everything is splendid!