Chapter Three
“D’YAN lang ako sa may berdeng bahay,” ani Reni kay Jeth na itinuturo ang bahay ng kanilang kapit-bahay. Pinahinto naman nito ang kotse sa harapan ng tarangkahan niyon. “I had a long day with you.” Dinampian niya ito ng halik sa labi subalit hindi siya hinayaan nitong makawala agad. Napapitlag siya ng matanawang lumabas ng pedestrian gate ang Daddy Hermino niya.
“What’s the matter?” nabiting tanong nito.
“Wala lang, kailangan ko na talagang umuwi,” paliwanag niya.
“Oo nga pala, may gusto muna akong ibigay sa’yo.” Kinuha nito sa glove compartment ang isang pulang kahon. May tatak iyon ng Tiffany and Co. Nang buksan nito iyon ay tumambad sa kanya ang isang napaka-eleganteng kuwintas. Wala pang nagreregalo sa kanya ng ganoon kaganda at kamahal.
“Sigurado ka bang para sa akin ito? Mamahalin ito!”
“Of course, it is for you. Come and let me put this on you.” Lumapit nga siya rito at tumalikod. Hinawi nito ang mga hibla ng buhok niya sa batok at ikinabit sa kanya ang kuwintas. Parang hinaplos ang puso niya sa affection na nadama niya.
“Hindi ko alam kung paano ka pasasalamatan. Napakaganda talaga nito.” Pilit niyang sinipat ang sarili sa rearview mirror. Hinawakan niya ang pendant na infinity ang disenyo.
He smirked. “Just kiss me again.”
Hinalikan nga niya itong muli. Banayad na banayad. Saglit lamang.
“Kailangan ko na talagang umalis. Maraming salamat sa pagpapasaya ng araw ko.”
“No, thanks for making me happy and making me sucker for kisses.”
“Walang anuman kung ganoon.” Lumabas na siya ng kotse nito. Itinago niya ang kuwintas sa loob ng kanyang damit para hindi iyon mapuna. Hinintay muna niya itong makaalis bago siya pumasok sa bahay nila.
Ilang sandali ay naramdaman niyang pumasok ang ama-amahan niya. Madilim ang mukha nito, as usual naman. Taas-noong inignora niya ito ngunit nagulat na lamang siya ng bigla siya nitong lapitan at hiklatin ang braso niya.
“Akala mo hindi ko nakita, ano? Sino ang kasama mo? Bakit hindi ka umuwi kagabi? Tapos ginabi ka pa ng uwi ngayon, ha?” galit na pagtatanong nito, humigpit pa lalo ang pagkakapisil sa braso niya.
“None-of-your-business!” mariin at pabalang niyang sagot.
“Tampalasan kang bata ka! Sasagot ka ng maayos o masasaktan ka sa akin?!” Diniinan pa nito lalo ang pagkakahawak ng kamay sa kanya. Paniguradong magkakapasa na naman iyon.
“Si Jeth,” simpleng tugon na lamang niya. Natatakot din siya rito dahil tiyak na tototohanin nito ang banta sa kanya.
“Sinong Jeth?”
“Ano ba kasing paki mo?”
“Sumusobra ka ng bata ka! Napakatigas ng ulo mo! Gusto mo ba talagang masaktan?”
“Jethrosco Mendaro! O, ano, masaya ka na? I-search mo pa sa f*******: kung gusto mo!” Pinilit niyang makawala sa hawak nito, hinayaan naman siya nito. Nahaplos niya ang braso. Bumakat roon ang marka ng daliri at palad nito.
“Nagsumbong sa akin si Linda. Pinakialaman mo na naman daw ang mga gamit niya.” Tinitigan lamang niya ito ng matalim at hindi na ito pinansin pa sa pagkakataong iyon. Sinikmatan pa niya ito bago nagtuloy sa kanilang silid. Hindi naman na siya nito sinundan doon.
Buwisit na buwisit siya. Maganda na sana ang buong araw at gabi niya ay sinira pa nito. Letse talaga ito at ang katulong nilang si Linda. Alam naman niya, ng kanyang kapatid na si Rousetti at ng kanilang ina na may relasyong namamagitan sa kanilang ama-amahan at sa kanilang kawaksi ngunit walang umaalma sa kanila. Martyr kasi ang kanyang ina. Walang kwenta ang mga dahilan nito sa buhay. Subalit hindi niya rin ito masisisi. Wala na kasi silang ibang maaasahan maliban sa Daddy Hermino niya. Ito ang kumakayod para sa kanila dahil may sakit ang kanyang ina. Ito rin ang nagpapaaral sa kanyang kapatid. Siya naman ay napilitang huminto sa pag-aaral dahil nahihirapan siyang makitang nag-iisa ang kanilang ina na walang umaasikaso. Nawala na rin sa pangarap niya ang magtapos ng pag-aaral. Gusto na niyang magtrabaho pero nahihirapan siyang maghanap ng matino at may mataas na sweldo na papasukan dahil hindi man lang siya nakatuntong ni isang taon sa kolehiyo.
Pabagsak na inihiga niya ang katawan sa kama. Naalog ang kapatid niya at ang kanyang ina na nakahiga roon. Narinig niya ang pag-ubo ng kanyang ina. Bumangon ito at uminom ng tubig.
“Hindi ka na naman umuwi kagabi. Hinintay kita pero nakatulugan ko na.”
“Sa susunod po matulog na kayo ng maaga. Huwag na po ninyo ako masyadong isipin. Uminom na po ba kayo ng gamot ninyo?”
“Oo, nakainom na ako. Nag-aalala lang naman din ako para sa’yo, Reni. Galit na galit si Linda. Buong maghapong nagngangangawa. Mga bagong gamit niya raw ang pinakialaman mo.”
“Hayaan ninyo ang pok-pok na iyon. Ang pera na dapat sa atin ang nilulustay niya.”
“Huwag kang magsalita ng ganyan. Para kang hindi man lamang tumuntong ng paaralan, parang wala ako ni kaunting itinurong kabutihang-asal sa’yo.” Napabuga na lamang siya ng hangin sa ere sa mga litanya ng kanyang ina. Nag-umpisa na naman ito na pangaralan siya. Nakinig lamang siya sa mga sinasabi nito. Isinasabuhay naman niya ang mga sinasabi nito pero sadyang mahirap maging perpekto sa kabutihang asal. Pero gagawin niya ang lahat upang maging mabuting anak lamang. Makailang saglit pa ay tumigil na rin ang kanyang ina sa pagsusuheto sa kanya.
Tumagilid siya ng higa. Gumuhit sa kanyang balintataw ang larawan ng mukha ni Jeth. Handsome. Hot. Stranger.
Hindi siya makapaniwalang isinuko na niya ang sarili at sa isang lalaking estranghero pa. Pero nasa modern era naman na ang mundo, uso na ang casual s*x. Almost everyone was doing it. Besides, they are both matured para sa bagay na iyon. Beinte-uno na siya kahit mukha lang siyang disisais dahil sa tangkad niyang 5'. And that's enough reason, right? Ah, sadyang napakapusok niya pero wala siyang makapang pagsisisi sa dibdib niya. Marahil ay dahil na-satisfied ni Jeth ang curiosity niya. O curiosity lang ba talaga ang humatak sa kanya upang gawin ang kamunduhang iyon? No, absolutely. A part of her was attracted to him. He was like a giant magnet, so mesmerizing and hypnotizing.
Nabatukan niya ang sarili.
Sapat na bang rason ang lahat ng iyon upang bigyang hustisya ang nagawa niya sa sarili? Kahit anong pangangatwiran pa ang gawin niya sa pagkakamali niya ay mali pa rin talaga ang labas ng nagawa niya. Pero wala talaga siyang makapang panghihinayang sa bagay na ginawa niya. Iyon naman ang mahalaga 'di ba? Ang panindigan ang pagkakamaling nagawa. At isa pa sa mga bagay marahil na nagdudulot upang hindi siya makaramdam ng pagsisisi ay dahil kaiga-igaya ang pinagsaluhan nilang dalawa. Yes, the feeling was so foreign but it was cosmic, so powerful. It left mild aftershocks on her. She was fantasizing it to happen again. Just even in her dreams.
Iba ang dulot ng lalaking iyon sa kanya. Sana ay magtagpo muli ang kanilang landas. O hindi kaya’y bisitahin na lamang siya nito sa kanila.
Nang matapos siya sa pakikinig sa kanyang mga munting guni-guni ay saka lamang siya nagsimulang humuli ng antok. Dinampian niya ng munting halik sa noo ang ina at yumakap dito.
Sorry for being a bad girl, Mama
EXAGGERATION marahil kung ang adjective na nagimbal ang gagamitin ni Reni na pang-describe sa kanyang nadama kanina at nadarama pa rin hanggang ngayon. Subalit iyon ang katangi-tanging naramdaman niya nang mapagbuksan niya si Jeth sa pedestrian gate ng bahay nila ng hapong iyon. Kagabi lang ay pinapantasya niya ito sa panaginip. Ngayon ay narito na ito sa harap niya. Neat and fresh. He was smiling on her. He was so cute with his blue elbow length polo shirt. White slacks naman ang terno niyon. Ang lakas ng dating nito sa simpleng porma na iyon.
“Kumusta!” masiglang bati nito at iniabot sa kanya ang isang pumpon ng iba’t-ibang bulaklak. Nag-aalinlangang tinanggap niya iyon. Napalingon pa siya sa kanyang likuran na para bang may pwersang hihila sa kanya once na mapunta sa palad niya ang mga bulaklak.
Sa huli ay tinanggap na rin niya iyon ng tuluyan. “Hi? Bakit ka nadalaw?” ngiwing tugon niya.
“Wala lang. Masama ba?” tila napahiya naman ito sa tanong niya. Parang gusto niyang tuktukan ang sarili pero ayaw niyang magmukhang baliw sa harap nito.
“Hindi naman,” ngiwing tugon pa rin niya. Muli siyang napalingon sa likuran niya. Sana’y hindi lumabas ang kung sinoman sa mga kasama niya sa bahay. Nagsi-siesta ang mga tao sa kabahayan nila. Harinawa’y huwag sana silang magambala dahil tiyak na malilintikan siya dahil grounded siya for a week dahil sa nagawa niya noong nakaraan.
“Actually, gusto sana kitang imbitahang lumabas. Are you free?”
Muli siyang lumingon sa gawing likod niya. Hindi niya malaman ang dapat sabihin. Bahala na si Batman. Tumango na lamang siya bigla. “Wait lang, ha. Magpapalit lang ako ng damit. Hintayin mo na lang ako sa kotse mo. Nagpa-fogging kasi kami kaya hindi kita pwedeng papasukin. Baka makasama sa kalusugan mo,” pagsisinungaling niya at pinagtabuyan na ito pabalik sa kotse nito.
Nagmadali naman siya sa pag-akyat sa kanyang silid. Marahan lang ang kanyang bawat galaw. Magkatabing natutulog ang kapatid at nanay niya sa kama nila. Matuling naghagilap siya ng maisusuot at muling pumanaog paibaba. Nagpapahinga pati ang mga kawaksi kaya makakatakas siya ng madali. Nang madaanan niya ang kwarto ng step-father niya at makarinig ng hagikgikan sa loob ay hindi na niya pinansin pa iyon. Nagkukumahog na siyang lumabas ng tarangkahan.
Nabigla siya nang makita ang ina na kausap si Jeth. Mukhang masinsinan ang usapan ng dalawa. Lumingon ang kanyang inang si Trinidad nang maramdaman nito marahil ang presensya niya. “May lakad daw kayo ng binatang ito, Reni? Totoo ba?”
Napakagat-labi siya. “Akala ko po natutulog kayo, Mama.”
“Baka si Ineng ang nakita mo at doon nakatulog sa kwarto nang magpamasahe ako sa kanya kanina.”
“Pasensya na po at bigla kong naisip tumakas. May lakad nga po kami ni Jeth ngayon. Baka po kasi hindi ninyo ako payagan dahil sa nangyari noong isang araw.”
“Mas lalo kitang hindi papayagan kung ganyan ang gagawin mo. Malaki ka na, Reni. Alam mo na ang kaibahan ng tama sa mali. Malaki ang tiwala ko sa’yo. At… mukhang matino naman ang lalaking ito. Sadyang kay pangit lang ng pangalan. Rosco, hindi ba?”
“Iingatan ko po ang anak ninyo. Huwag po kayong mag-alala. Payagan na po ninyo kami,” ngiwing pagsumamo nito. Mukhang hindi naman ito nainsulto sa sinabi ng kanyang nanay.
“Please, po!” pagsusumamo na rin niya.
“Sige, basta umuwi ka ng maaga. At gusto kong ihahatid ka niya pabalik. Nagkakaintindihan ba tayo?” Sabay silang napatango ng mabilis ni Jeth. Sabay din silang magalang na nagpaalam dito.
Masayang-masayang dire-diretso silang pumasok sa loob ng kotse ni Jeth. “Anong sinabi mo kay, Mama? Parang palagay na palagay sa’yo?”
“Mataas lang ang karisma ko.”
“Sige, sabi mo eh. Saan nga ba tayo pupunta?”
“Surprise,” nakangiting tugon nito at nagsimulang pagrebolusyunin ang makina ng kotse.
Hindi na siya namilit pa rito kahit excited siyang malaman ang surprise nito. Inabala na lamang niya ang sarili sa pagtingin sa magagandang tanawin na nadadaanan nila at pakikinig ng country songs sa playlist nito. Panakanaka ay nag-uusap sila at nagtatanong sa isa’t-isa. They looked like friends who reunited for the first time after so many decades.
"Mahilig ka rin pala sa country songs," puna nito nang mapansin na tila enjoy na enjoy siyang pakinggan ang tugtog sa car stereo nito.
Oh, surrender is much sweeter
When we both let it go
Let the water wash our bodies clean
And love wash our souls
And pray that it's raining on Sunday
Storming like crazy
And we'll hide under the covers all afternoon
And baby whatever comes Monday
Can take care of itself
'Cause we've got better things
That we can do
When it's raining on Sunday
"Yes, ang sarap kasing pakinggan," nakangiting tugon niya. Hindi niya maiwasang hindi mapatitig sa mga mata nito. He was enticing, she couldn’t help herself but fell under his alluring spell.
Unti-unting bumagal ang pagpapatakbo ni Jeth ng sasakyan at sinuklian ang mga titig niya. He was tempting her and how could she resist his male beauty? His eyes telling him give in. His lips promising a wild sensation.
Nang tuluyang huminto ang sasakyan sa gilid ng kalsada ay naghinang ang kanilang mga labi. It was hot. It was tender. It was desolate. Pinagsalikop nito ang mga palad sa magkabilang pisngi niya upang mas lalo nitong maangkin ang mga labi niyang kanina pa sabik na madampian ng mga labi nito. Napaungol siya sa labis na sensasyong hatid nito. Kasunod niyon ang ingay na hindi inaasahan niyang malikha sa loob ng tiyan niya.
He paused the kiss. Bahagyang nilayo nito ang mukha mula sa pagkakadikit sa kanya. Pigil ang tawang tumingin ito sa kanya. "Mukhang gutom ka na. Malayo pa tayo. May mga crackers at biscuits sa compartment. Pagtiyagaan mo na lang muna. Pasensya na,” anito at muling pinagtuunan ang kambyo at manibela
"Okay na 'to," sabi na lang niya na hiyang-hiya sa sarili at bitin na bitin.
Pumili na lang siya ng makakain doon. Nakailang pakete na siya ng iba't-ibang biscuits doon nang muling umangal ang sikmura niya. Napatingin muli sa kanya si Jeth. She just plastered a shy smile. Malakas na natawa naman ito pagkaraan.
"Don't worry, kaunting tiis na lang. Bubusugin kita pagdating natin," tatawa-tawang saad nito.
"Hindi kaya ako nag-almusal at nag-tanghalian," pagrarason niya ngunit natawa rin ng malakas sa tinahing kasinungalingan.
Nagtuloy-tuloy pa ang tawanan nila sa buong biyahe. Napakasaya nila. Hindi niya namalayan na narating na pala nila ang sinasabi nitong sorpresa.
"I hope na hindi ka ma-bored dito. This is my land. Actually, Itinuturing ko na nga itong wasteland. Hindi na ako bumibisita rito. Ngayon na lang ulit nang maisipan ko biglang buhayin ang sugarcane industry dito," pahayag nito nang makababa sila ng kotse at magsimulang maglakad sa tuyong lupa.
Gusto sana niyang itanong dito kung ano ang surprising sa lugar na iyon. Iyon na ba ang surprise nito sa kanya? Gusto ba nitong kumain sila ng tubo hanggang sa manakit ang tiyan nila? Isasatinig na sana niya ang nasa isipan nang may lumapit sa kanilang grupo ng mga tao.
"Magandang tanghali po, Mang Koro," bati ni Jeth sa lalaking may katandaan na nangunguna sa grupo ng mga katutubo.
"Lubos po naming ikinagagalak na bumisita kayong muli rito, Ser," saad ng lalaki na mukhang labis-labis ang pagkatuwa nang makita si Jeth.
"Siya nga po pala, si Reni. Isa pong espesyal na kaibigan. Reni, si Mang Koro at ang mga taong naninirahan at nangangalaga rito."
Mainit na tinanggap naman ng native ng lugar ang pagpapakilala sa kanya ni Jeth. May maikling handog pa raw ang mga ito para sa kanila. Ipinaghila sila ng upuan ng ibang katutubo roon upang mapuwestuhan nila. Ang iba naman ay naghanda para sa palabas ng mga ito. May maliit na parang tambol ang mga ito at instrumentong tila plauta ngunit mas maliit kaysa sa karaniwang nakikita niya.
Nagsimulang tumugtog ang mga ito. Mahina at mabagal iyon sa umpisa hanggang sa untin-unting lumakas at bumilis. Nang bumilis pa ang ritmo ng tugtugin ay may kasabay na iyong musika mula sa labi ng mga katutubo na sinusundan ng indayog ng mga paa at kamay ng mga ito. Hindi kalaunan ay nagsimula na ring gumalaw ang buong katawan ng mga ito at nakisayaw sa tugtuging likha ng mga instrumento at pagpadyak at pagpalakpak.
May ilang mga natives na sumasayaw na lumapit sa kanila at hinila silang pareho ni Jeth sa bilog na binuo ng mga ito. Nagpaunlak naman silang pareho sa labis na pagkagalak. Noong umpisa ay hindi nila makuha ang paraan ng sayaw pero unti-unti ay natutunan nila iyon hanggang sa pareho na sila nitong labis na naaaliw sa ginagawa.
"This is hilarious, Jeth but I love it!" bulong niya rito nang bahagyang huminay ang tempo.
"It is and very terrific as well."
"Parang miss na miss ka rin nila."
"Well, I think so. It's been so long. I missed this place, too. I grew up here. Noong nabubuhay pa ang mga magulang ko madalas kaming magbakasyon dito."
"Talaga? Ang saya-saya siguro lagi ng bakasyon mo. This place is exotic and the people here are heartwarming, they're very hospitable."
"Totoo," anito saka muling bumilis na naman ang indayog nila.
Sa gitna niyon ay bigla na lamang kumalam ang tiyan niya ulit. Doon lamang niya muling naalala ang gutom niya. Napalingon sa kanya si Jeth at ang isang babaeng katutubong katabi niya. Ngiwing ngumiti lamang siya.
Marahang hinila siya ni Jeth palabas sa bilog na sinasayawan nila. Tumigil naman ang lahat sa pagsasayaw. May sinabi ang babaeng katutubo sa wika ng mga ito na hindi niya naintindihan. Nagtatakang sinulyapan niya ang lalaki.
"Nagpahanda siya ng makakain," nakakaunawang sagot nito sa nakitang pagtataka sa anyo niya.
Makailang saglit lamang ay nakita niya ang paparating na iba pang katutubo na tulong-tulong na naglatag ng mga dahon sa kawayang mesa. The food is served immediately on the banana leaves. It's a boodle feast. Na-excite siya. Ngayon lamang siya makakain sa ganoon. Madalas sa bahay nila ay hindi sila sabay-sabay kumain. At kung mangyari mang sabay-sabay sila ay nagkakairitahan lamang dahil sa hindi pagkakasundo-sundo nila ng step-father niya at katulong nila.
"Come," yakag ni Jeth sa kanya at iginiya siya sa pagitan ng mga katutubong nakisalo sa tila piging na iyon. Naghugas ito sa isang bowl doon na parang bao yata ng niyog. Isinawsaw rin nito ang kamay niya roon. "Kainan na!" masayang anunsiyo nito na naging go signal ng lahat.
Nag-alinlangan naman siyang kumain. Hindi niya alam kung anong gagawin. Wala man lang kubyertos. Hindi siya marunong magkamay sa pagkain. Pero sinubukan na rin niya. Nagsisidikitan lamang ang kanin sa palad niya. Hindi siya makakain ng maayos.
"Here, say 'ah'" ani Jeth nang mapansin siya. May kanin sa kamay nito na isinusubo sa bibig niya. Mukhang sanay na sanay ito sa ginagawa.
Nahiya naman siyang magpasubo pa rito gayong napakatanda na niya. Ngunit wala rin siyang nagawa nang ipagpilitan niyon. Nahiya na rin siyang tumanggi pa. Isa pa, parang nakakakilig i-experience niyon. Hinayaan na lamang niya ito. Buong tanghalian nga ay iyon ang ginawa nito.
Nang matapos silang kumain ay doon lamang tumimo sa isip niya na maraming tao ang nanonood sa kanila. Nagkulay makopa at nag-init ang pisngi niya. Nanukso pa ang isa sa mga ito na nasundan pa ng isa hanggang sa mapuno sila ng kantiyaw. May nag-request pa na mag-kiss sila ni Jeth.
Nagkatitigan lamang sila nito. Kahit hiyang-hiya siya ay hindi niya maialis ang tingin dito. Nakakabato-balani ang titig nito. Pinilit niya ang sariling ilayo na ang mga mata rito pero sadyang hindi niya magawa.
Nag-panic ang pintig ng puso niya nang dahan-dahang bumaba ang mukha nito upang sakupin ang labi niya. Pagbibigyan nga ng loko ang hiling ng mga katutubo! First time niyang mahahalikan in public. Parang ang aga naman ng PDA nila. Hindi na lamang siya nag-protesta pa ng tuluyang dumampi ang labi nito sa kanya. Balak pa sanang gumanti ng halik ng naglalandi niyang diwa ngunit smack lang ang ibinigay ng labi nito sa kanya at lumayo na.
Sana maulit pa ito Lord! Piping hiling ng labi niyang bitin.