This is a work of fiction. Names, characters, business, places, events and incidents are either the product of authors imagination. Any resemblance to the actual person or actual events is a pure coincedental.
Don't distribute or copy without the authors permission.
________________________
Papasok ako ng bahay ng makita kong medyo madami ang tao sa loob. What's happening here? Hindi ata ako na inform na may party ngayon.
"Manang may ano po ba?" I ask manang Soleng.
"Hindi korin po alam maam eh! biglaan po kasing nagpahanda ang mga magulang mo" sagot nito at nagpatuloy na sa pag aasikaso sa mga bisita.
Ano kayang meron? If biglaan ang party nato ibig sabihin may goodnews si dad or maybe may na close na malaking deal na kinailangan talagang magpa party.
"Hija! medyo ginabi ka ata" bati ni mommy sa akin. She's wearing a floral dress na nagpatingkad sa maputla nitong balat.
"What is this party for?" I ask.
She smile widely. "Your father got an invitation from Montereal" mommy said excitedly.
I knew it! Hindi mag papaparty si daddy para sa isang maliit na dahilan lang. Being invited to Montereal is everybodys dream.
"But mom..Okay na naman tayo dito eh" I said. Hindi sa ayaw ko sa Montereal pero mas sanay ako dito sa Maynila.
"Montereal is a better place than here hija" She said dramatically.
Tumango nalang ako. I understand bakit subrang saya nina mom and dad. Montereal is a place of elites. Walang nakakapasok doon na mahirap, lahat ng nakatira doon ay mayayaman and being invited there means were qualified on there standard.
Masaya ako, pero natatakot din ako na baka di ako bumagay doon, na baka mahihirapan akong mag adjust doon. Alam kong tatanggapin nina mommy at daddy ang invitation nayun. All these years ito ang pangarap ni daddy at masaya ako na natupad na niya yon.
Agad na akong umakyat sa kwarto para makapag bihis na. Wala na akong balak lumabas at makihalo sa party sa baba lalo na't halos matatanda lang naman yung andoon at kung may mga ka-edad ko man ay hindi korin kilala.
"Maam gising napo!" Naalimpungatan ako dahil sa pagtawag at katok ng katulong namin.
Sabado ngayon at wala naman akong lakad.
"Maam gising nadaw po kayo sabi ng mommy nyo" dagdag nito.
"I'm coming manang" sagot ko para matigil na ang panggigising niya.
Hindi ko alam kong bakit maaga ako ni mommy pinagising ngayon. Hindi naman siya ganito dati, hinahayaan niya pang ako matulog dahil alam niya namang wala akong pasok.
Pagkatapos kong maligo ay bumaba na ako. Nakita ko sina mom and dad sa living room nakaupo at parang may masayang pinag-uusapan.
"Bakit po mommy?" sabi ko ng tuluyan nang nakalapit sa kanila.
Bumaling sila sa akin ng nakangiti. "Hija, pack your things dahil aalis na tayo mamaya" Mom said excitedly.
"Were going to Montereal, my princess!" dagdag naman ni daddy.
Alam kong lilipat kami ng Montereal but not this soon. Hindi manlang ako prepared na ngayon na pala.
"What?" tanging nasabi ko dahil sa pagkakagulat.
"But what about my friends dad? Mom?" dagdag ko.
Hindi ko panga nasasabihan si Eliana about sa paglipat namin eh!.
"Just text them hija, kailangan na nating umalis mamaya" mommy said.
Agad na akong tumango. I guess wala na akong choice. Going to Montereal is dads dream at ayaw kong ma dissapoint sila dahil sa ka dramahan ko.
Montereal is far from Manila. It is located in Visayas malapit lang sa Cebu. Dad say that Montereal look like a city at kung ibabasi mo daw mas maganda doon, but still napapalibutan parin ito ng bundok.
"OMG Mariee....Really? OMG" sigaw ni Elliana sa kabilang linya.
Sinabi ko kasi na aalis kami at lilipat na sa Montereal. As expected ayun at nag sisigaw sigaw, tela hindi makapaniwala.
I take a deep breath "Actually Liana, kinakabahan talaga ako eh. Alam mo na,baka di ako bumagay doon"
"Shut up Marieanna Eleaza! Babagay ka doon, atsaka mayaman kayo, kaya babagay ka doon. Baka nga pagkaguluhan ka kasi ang ganda mo" madrama niyang sabi sa kabilang linya.
Eliana is my bestfriend since i enter highschool. Hindi masyadong mayaman ang pamilya nila, minsan nga feeling ko social climber siya but i find her loyal. Hindi siya yung tipong nagpapakabait para maraming maging kaibigan. She's vulgar. I like her character that's why naging mag bestfriend kami.
One p.m na nang bumaba ako. Hinihintay na ako nina mommy sa labas dahil andyan na yung sundo namin.
"Are you excited hija?" mommy said noong nasa loob na kami ng plane.
"A lil' bit." maikli kong sagot.
Pagkatapos naming mag land sa airport ay sumakay na naman kami ng sasakyan na maghahatid sa amin sa Montereal. Sabi ni daddy mga two hours pa ang byahe bago makaabot doon.
Dahil sa pagod ay nakatulog ako. Nakakapagod din kasing bumyahe.
"Hija wake up!" nagisig ako sa tawag ni mommy sakin.
I opened my eyes at nasa byahe parin kami, tumingin ako sa labas at puro pine tress lang ang nakikita ko. This place looks like a complete bukid.
"Is this really Montereal dad? Mom? Why does it looks like a bukid?" Baling ko sa kanila. Mukha kasi talagang bukid lalo na't lahat ng dinadaanan namin ay walang bahay at puro puno lang ang nakikita ko.
"This is not yet Montereal hija." daddy answer. Nakaupo siya sa front seat habang kami ni mommy ay nasa passengers seat.
Minutes later binungad na kami ng gate. Wow! Gate sa gitna ng daan? Unbelievable right? Pero meron talaga. Subrang laking gate at sa ibabaw nito ay may naka sulat na "WELCOME TO MONTEREAL" at sa baba nito ay may maliit na nakasulat "The city of Elites".
The gates color is gold, ewan ko kung gold ba talaga ito, pero kumikinang. It's like pumapasok kami sa isang fairytale land. Kusang bumukas ang gate at kasabay nito ang isang tunog.
"Welcome to Montereal the city of elites" Dinig kong boses bago ulit sumarado ang gate.
"Wow!" tanging nasabi ko sa pagkamangha.
"Finally after all my hardwork andito na tayo" Daddy said. Maluhaluha pa siyang bumaling sa amin ni mommy.
I can see through my pheripheral vision ang pagpapahid ni mommy ng luha. Damang dama ko ang subrang saya nila, ito yung pangarap nila eh!. And i'm happy for them too.
The place is completely amazing, lahat ng bahay ay malalaki, bawat gate ay may sari-sariling family crest.
Nagpatuloy kami sa paglilibot at kung kanina akala ko bukid to ngayon kinakain kona ang sinasabi ko. Montereal had mall, park, bar and resort. A complete city in a remoted area huh!? pero hindi maipagkakailang mas maganda pa ito sa syudad.
After our tour to the whole city ay dumating nadin kami sa bago naming bahay.
"Welcome to our new home!" daddy said happily.
This house is much bigger than our house in Manila at mas moderno itong tingnan compared sa bahay namin sa Manila na medyo outdated ang design.
Daddy said na lahat ng bahay dito ay provided by the Montereal Org., but still you need to pay for the cost.
"You should enroll tommorow hija" sabi ni daddy habang kumakain kami ng hapunan.
Even the maids are provided by the Montereal Organization. Bigla ko tuloy na miss sina manang Soleng na naiwan sa bahay sa Maynila.
I smile. Na eexcite akong pumasok na muli sa klase lalo na't second year college na ako. Although kinakabahan ako dahil alam kong late na ako sa pag enroll dahil narin hindi ko naman ine-expect na dito ako mag aaral.
"I will dad. Tsaka i'm so excited po" I said excitedly.
Kinabukasan nagpahatid na ako kay manong Henry ang bago naming driver papunta ng school. Gusto sana ni daddy sumama but i refuse. Hindi na naman ako bata para samahan pa atsaka alam kong kaya kona.
Pagbaba kopa lang sa sasakyan ay bumungad na sa akin ang malaking gate ng school na may nakasulat na "Montereal College, the school of Elites" subrang nakakamangha.
Agad na akong pumasok and as expected subrang ganda. Maganda ang school ko sa Maynila pero kung ikukumpara dito ay masyadong malayo iyon. Bigla tuloy akong nagsisi na hindi ko pinasama si daddy. Mukhang maliligaw ata ako sa school nato. s**t!
"Excuse me saan ba dito yung Dean's office?" I ask genuinely sa isang grupo nang estudyante na nakasalubong ko.
Bumaling sila sakin. "Lets go girls." sabay sabay nilang sabi at mabilis na umalis.
Arghh! Hindi ba nila ako narinig? Eh obvious naman na narinig nila ako. Magaganda sana kaso panget ang ugali. Ewsss!
Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad. Badtrip pa sa nangyare. Goodness Marieanna! Aabutan ka ata ng hapon kakahanap.
"Are you lost?" tanong ng isang chinito sakin.
"Yeah. First time ko kasi. Btw where's the dean office?"
He's handsome, mukha siyang Korean actor, pero mukha din siyang playboy. I don't like playboys.
"You're new here?" he asked.
I nod. He smile dahilan para mas lalong sumingkit ang mata niya. His hair is a bit messy. Tsskk, playboy na playboy ang dating.
"Tara samahan na kita" yaya niya at nagsimula ng maglakad. Siguro naman hindi ako pinag tritripan nito.
Naglalakad kami sa hallway ng school nang makarinig ako ng bulungbulungan.
"Who's that girl?"
"Is she Caifer's new girlfriend?"
"What a b***h!"
"OMG! Kianah will kill her talaga"
Kitang kita kopa ang panlilisik ng mga mata nila, tela gusto akong patayin sa paninitig. Mga elites student pero trashy yung ugali. tsk.
Bumagal ang lakad ko at medyo dumistansya sa lalaking yun. Mukhang hindi magandang sumunod sa kanya eh! Baka mamaya aabangan pa ako sa gate.
"What are you doing?" lingon niya sa akin nang mapansin ang pag distansiya ko.
Hello? Hindi niya ba nahahalata na gusto na akong katayin ng mga estudyanteng tumitingin sa amin?
Nginuso ko yung mga babaeng naglilisikan ang mata sakin, para sana iparating sa kanya na hindi magandang sumunod sa kanya at baka makatay ako ng wala sa oras.
He didn't pay attention sa tinuturo ko. Instead he pulled my hand at hinila na ako paalis doon. Patay! mukhang makakatay talaga ako nito eh.
Rinig kopa ang pagsisinghapan ng bawat babae na nadadaanan namin.
"Hey! didn't you see? Gusto ata akong katayin ng mga fans or what so ever mong mga yun" Hysterical kung sabi nang binitiwan niya ang kamay ko.
Nilibot ko ang paningin ko at mukhang wala naman ako sa Deans office. Bakit may deans office bang maraming pagkain ang nakahilera? Wala diba. Argh sabi ko sa deans office ako dalhin di dito sa cafeteria.
"And deans office po ang gusto kong puntahan hindi cafeteria. Kung nagugutom ka sana naman sinabi mo at ako nalang sana ang naghanap"
"You're wasting my time" mahabang litanya ko.
Kung sana hindi siya nangako e di sana naghahanap na ako ngayon. Bat ba kasi subrang laki ng school nato?!
"You want to enroll right? that's why dito kita dinala." sagot niya sa akin.
"And sorry for what happen." dagdag nito.
Ngayon kolang na realize na hindi pala kami nag-iisa dito. May mga lalaking naka upo sa isang table sa harapan namin. Mga apat na gwapong lalake.
Nakatuon ang atensiyon nila sa amin. May isang nakangiti, yung isa nakikinig nang music pero nasa amin ang atensiyon, yung isa naman sumisipol. Binalingan ko yung isa at tinaasan ako ng kilay sabay kagat sa kanyang labi. Ewww! Mukhang manyak yung panghuli.
I rolled my eyes to the last one. Mukha siyang manyak eh!. Pero manyak na subrang gwapo. Lahat naman sila gwapo pero yung panghuli ang pinakagwapo para sa akin. Kaso yung panghuli din yung mukhang manyak, ang lagkit kasi makatitig.
"Oww? Ang cheap naman nang school nato bakit sa cafeteria ang enrollment?" sabi ko at tumawa na. Nakakatawa naman talaga.
Humalakhak yung mukhang gwapong manyak kanina.
"Btw, I am Cayfer Nathan Vergara. And i'm the vice president on this school at in charge kami sa mga bagong tranferee." sabi nang katabi kong chinito.
Oh! Cayfer huh? Yun pala ang pangalan nang lalaking ito.
"This is Xandrick" turo niya sa lalaking sumisipol kanina. Ngumiti ito sa akin, so i smiled back. "This is Brayle" turo niya sa lalaking nakikinig ng music, tumango ito sakin at bumalik na sa pakikinig. "This is Yhuan" turo niya naman sa lalaking nakangiti kanina. He look friendly and approachable. "And last but not the least, This is-"
"I am Kendrick Dale Vega" pagpuputol noong manyak sa sasabihin ni Cayfer.
Hindi ako bumaling sa kanya at nagpatango tango nalang. So Kendrick pala ang pangalan nang manyak nayan?.
"Nice meeting you all" ngiti ko sa kanilang lahat maliban lang doon kay Kendrick.
Nararamdaman ko ang paninitig niya sa akin. I heard him chuckled, dahilan para bumaling ako sa kanya. Pinagtaasan niya ako ng kilay habang nag evil smile ito.
Evil smile bayun? O maniac smile? Kinilabutan tuloy ako sa kanya dahilan para umiwas kaagad ako.
"Where's your paper?" tanong ni Kendrick sakin.
"Eto" sabay pakita ko sa envelope na dala ko.
Ni tap niya yung mesa. Senyales na pinapalagay niya yung envelope sa mesa. He's staring at me using his maniac smile. Damn! Kinakabahan ako, correction nasusuka pala.
Hindi ko nilagay ang envelope doon instead bumaling ako kay Cayfer "Diba Vice Pres. ka? Sayo ko nalang ibibigay ang papers ko" pambabalewala ko sa maniac don sa gilid.
Sa kanilang dalawa mas may tiwala pa ako kay Cayfer eh! Ket mukha tung playboy.
"Okay." akma niya na sanang kukunin nang may sumalida sa gitna namin.
"Excuse me, I'm the President here" malutong niyang english at agad kinuha ang envelope ko.
Aapila pa sana ako kaso binuksan niya na. He's the president? Bat may ugaling manyak ang presidente nila dito?
"Marieanna Eleaza? hmmm nice name." malambing niyang sabi sa pangalan ko.
Alam kong maganda ang pangalan ko. Pero may igaganda pa pala ito pag binigkas niya. Damn!
"Thank you" Baling ko kay Cayfer. Hindi ko alam kong sa kanya ba dapat yung thank you ko.
But still i'm thankful kasi dahil sa kanya nakapag enroll ako.Bumaling siya sa akin with a question look.
"Thank you sa pag sama sa akin"
"Una narin ako, bukas pa naman siguro ako papasok" nakangiti kong sabi at akma nang umalis nang pinigilan ako ni Cayfer.
"Hatid na kita sa gate" sabi niya nang nakangiti at hinawakan ang kamay ko.
"Damn Cayfer! In charge lang tayo sa pag- eenroll hindi pati sa paghahatid" apila ni Kendrick at akma na sanang tatayo kaso pinigilan naman ni Xandrick.
What the hell is happening with that maniac?
Welcome to montereal college and their maniac SSG president. Tanging nasabi ko nalang sa sarili ko.