Pumasok si Kendrick sa last quarter. Sinabi niya naman na okay lang daw talaga siya. He look energetic noong pumasok na siya.
The crowds are screeming and getting wild seeing Kendrick on the last quarter. Ang kaninang nawala nang gana nang business add ay nabuhayan muli.
"Gooo Business Add!" nangibabaw na hiyaw ng Business add students ako man din ay humihiyaw nadin.
Hindi kona marinig ang sigawan ng mga law students dahil natabunan na ito nang hiyawan namin.
Tiningnan ko ang score at tie. Alam kong maipapanalo nila Kendrick ito lalo na't pumasok silang lima.
"Go Kendrick. Go Vega" I shouted. Pero natabunan iyon nang hiyawan nang lahat.
I wanna cheer him, kasi baka mamaya magtampo na naman siya kung bakit diko siya ni cheer.
"Go Kendrick. Go Vega" paulit- ulit kong sigaw kahit na alam kong imposible niya namang marinig iyon dahil natatabunan nang hiyawan ng iba.
Lumingon siya sa akin ng nakangiti and he mouthed I love you baby. Gusto kong magtago sa hiya. Akala ko di niya iyon naririnig. Uminit tuloy ang pisngi ko na paniguradong namumula na ito nang parang kamatis ngayon.
Tanggap kona na nagugustuhan ko na siya. Alam ko masyado pang maaga para sabihin ito ngayon pero sure ako. I admit this isn't my first time, pero ibang iba ito sa lahat. What i felt for him right now is different from my past relationship.
I try to guard my heart but it's useless. Ngayon kolang napagtanto na kahit pala anong gawin mo pag umibig ka, iibig ka and you can't do anything to stop it.
Pero hindi ko pa siya sasagutin. I'll test him at kilalanin pa siya ng husto, hindi naman pwedeng sasagutin ko nalang siya bigla just because i love him.
Napahiyaw kaming lahat nang pumasok ang tira ni Kendrick. Kanina pa di pumapalya ang mga tira niya at halos three points shot lahat.
Malapit nang matapos ang fourth quarter at lamang nang isang shot ang law dept. Nang ma shoot ni Cayfer ang isang tira ay tie na.
Hindi na ako mapakali at ang lakas na nang kabog nang dibdib ko. Nakakabingi na ang hiyawan ng mga nanunuod. One minute nalang at nasa kalaban ang bola. s**t! Nag aagawan sila Kendrick sa bola. Nang maagaw ni Kendrick ang bola ay nagtatalon ako.
"Go baby!" diko mapigilang mapasigaw dahil sa excitement. Nilingon niya ulit ako at nginitian. Shittttt!
Ten seconds nalang at pigil hininga ang lahat ng tinira na ni Kendrick ang bola.
"5..4..3" Bilang ng MC.
Mukhang hindi papasok. Mukhang hindi papasok.
"Woahhhhhhh!" sigaw nang lahat nang pumasok ang huling tira ni Kendrick hudyat na panalo ang business add.
"Vega for three points" anunsiyo nang Mc.
Walang ganang umalis ang mga Law players dahil sa pag kakatalo. Buti nga sa kanila dahil madaya yung isa nilang player.
Agad dinumog nang estudyante sila Kendrick para e-congratulate dahil sa pagkakapanalo.
"Marieee!" sigaw ni Vien. Nilingon ko siya at pababa siya papunta sa akin kaso nahihirapan siya dahil andaming estudyanteng pababa at papunta kina Kendrick.
"E congrats natin sila" sabi niya nang tuluyan nang makalapit.
"Ikaw nalang, nahihiya ako eh" sagot ko.
"Suss, ano kaba! Kung hindi dahil sayo baka hindi nanalo ang business add eh. Kaya dapat andoon ka" turo niya kay Kendrick na pinapalibutan ng mga kaibigan at mga babae.
Hindi pa ako nakakasagot ay hinila niya na ako papunta sa gitna.
"Dalian mo kasi may nanglalandi na sa baby mo" gigil na sabi niya.
Agad kong tiningnan ang isang babaeng kausap ni Ken. Sa itsura nito mukhang first year palang. Maganda ito at maganda rin ang hugis ng katawan.
"Excuse... excuse.. Dadaan ang girlfriend ni Ken" sisigaw sigaw ni Vien dahil hindi kami binibigyan ng daan.
Napapangiwi ang nadadaanan namin at nagbubulungbulungan. Nang tuluyan kaming makarating sa gitna ay kinabahan ako. Kasalukuyan paring nag-uusap ang dalawa. Kitang kita ko ang ningning sa mata nang babae at tumatawa pa silang dalawa na parang walang nakapalibot sa kanila at sila lang dalawa.
A sudden pain stab into my heart. Nakakapangliit. Nakaka selos. Hindi ko alam pero naluluha ako. Bago pa tawagin ni Vien si Kendrick ay tumakbo na ako paalis doon.
Narinig kopang tinawag ako ni Vien pero hindi na ako lumingon. Nagagalit ako sa sarili ko kung bakit ako naluluha dahil lang doon.
Lakad takbo ako papuntang gate. Kaso wala pa si manong. Kaya andoo lang ako nakatunganga at iniisip kong gaano ako ka tanga para maiiyak dahil lang doon.
"What are you doing here?" Sabi nang isang pamilyar na boses sa likod ko.
I can smell his scents from here. Ang bango niya.
"Uuwi nako." maikli kong sagot nang hindi siya nililingon.
Bakit siya andito? Dapat andoon siya dahil ang dami niyang fans doon eh. Kaya dapat doon siya.
"Your supposed to congratulate me kanina diba?" tanong niya at naramdaman kong tumabi na siya sa kinatatayuan ko. Naka full jersey uniform parin siya at mukhang di pa talaga nakakapag bihis dahil pawis na pawis parin.
Hindi ko alam kong pano niya nalaman na andoon ako kanina. Pero baka sinabi ni Vien.
"Hindi." maikli kong sagot.
"Bakit ka lumapit kanina? At bakit ka umalis?" malambing niyang sabi sa gilid ko.
"Trip kolang. Pake moba?" pagalit kong sabi.
"Bakit ka galit?" pang-aakusa niya sa akin.
"Hindi ako galit."
"Then you're jealous."
"Hindi ako nagseselos."
"You are." giit niya dahilan para mairita ako.
"Hindi nga kasi. Tsaka bakit ka andito doon ka nalang kaya at makipag usap ka sa babaeng yun. Doon ka wag mokong isturbuhin dito, dahil uuwi na ako." Sigaw ko sa kanya at sinamaan siya nang tingin.
Pagbibintangan niya pa talaga akong nagseselos. Tssk! hindi ako nagseselos at bakit ako magseselos di naman kami. Galit lang ako sa kanya dahil ang saya saya niyang kausapap ang babaeng iyon.
"Your jealous baby!.." ngingiti ngiti at pinal niyang sabi.
Tinitigan ko siya nang masama pero hayun at nakangiti parin na parang tuwang tuwa sa inaakto ko.
"What should i do to stop you from jealosing baby?" lumapit siya sa akin at binulong yun.
"I wanna kiss you right now" bulong niya ulit dahilan para mapatalon ako.
Kumalabog na naman ng malakas ang puso ko at nagdidiwang na naman ang paru paru sa tiyan ko. Uminit ata ang pisngi ko sa sinabi niya.
"Pervert" sigaw ko at tinulak siya.
Tumatawa siya habang tinutulak ko. Ayan na naman ang pagka maniac niya, lumitaw na naman.
"Subukan mo Kendrick baka ma busted kita agad" pang babanta ko sa kanya.
Sumeryuso bigla ang mukha niya at naglakad siya palapit sa akin. " Isa lang nama eh!" pagmamaktol niyang sabi.
"Sige subukan mo talaga Kendrick. Di talaga ako nagbibiro" sagot ko at umatras pa.
"Doon din naman tayo papunta eh" he said huskily as he leaned closer to me. Napaatras pa ako kaso sumandal na ang likod ko sa gate. Oh god! Im trap.
"Isa... Kendrick" pang babanta kong sabi dahil ang lapit niya na sa akin.
Ngumiti lang siya ng nakakaluko at hinawi ang buhok kong nakatabon sa mukha ko. Nararamdaman kona ang init nang kanyang katawan sa akin at naamoy ko ang mabango niyang pabango. Ansarap sa ilong.
"Dalawa....." pikit mata kong sabi dahil unti unti niyang nilapit ang mukha niya sa akin.
Mabuti nalang talaga at walang tao dito sa gate dahil andoon lahat sa gym.
"Tat-" Minulat ko ang mata ko at ang lapit na nang labi niya sa akin at naamoy ko na ang hininga niya. Napapikit nalang ako at hinintay ang susunod na mangyayare.
"What are you doing kuya?" tawag nang isang babae dahilan para matulak ko si Kendrick dahil sa pagkakagulat.
Agad naman siyang umalis sa harap ko. Kanina noong tinulak ko siya di ko man lang matulak nang konti. Salamat nalang at natulak ko siya ngayon lalo na't may tao pala.
"What are you doing here Aleah?" striktong tanong ni Kendrick sa babae.
Imbes na sagutin niya si Kendrick ay tumingin siya sa akin mula ulo hanggang paa habang nakataas ang kilay.
"You're unbelievable kuya" pailing iling na sabi ng babae at binalingan si Kendrick.
Siguro magkapatid sila ni Kendrick. She look like a girl version of Kendrick, subrang ganda niya rin.
"Your disturbing us." litanya ni Kendrick.
Sinamaan ko nang tingin si Kendrick sa pagiging strikto niya sa kapatid nito. "Hello I'm Marrieanna Eleaza, schoolmate kami nang kuya mo" nakangiti kong sabi sa kapatid niya at nag lahad nang kamay.
Nakakahiya pa naman ang naabutan niya. Baka isipin niya na mababang uri lang ako nang babae. s**t talaga tong si Kendrick eh!
"Soon to be girlfriend " Sabat ni Kendrick na ikinairita ko.
"Damn you! busted kana" baling ko sa kanya at sinamaan siya nang tingin. Kitang kita ko ang pag alma niya kaso pinanlakihan ko siya nang mata dahilan para tumahimik siya.
"I'm Aleah Deserie, kuya ko siya" baling niya kay Kendrick at tinangap ang kamay ko.
"Nice meeting you" nakangiti kong sabi. She smile back.
"Bawiin mo yung sinabi mo" sabat agad ni Kendrick.
Pinandilatan ko siya. "It's your fault. Sinabihan na kita pero dika nakinig"
Parang natalo sa loto ang mukha niya. Daig pa nang sinakluban nang langit. Gusto kong matawa sa itsura niya pero pinipigilan ko para panindigan ang desisyon ko.
"Hindi naman natuloy eh" frustrated niyang sabi.
"Natuloy sa hindi Ken. Nothings change, hindi ka parin nakinig sa akin" pag papaliwanag ko sa kanya.
Hindi naman talaga ako galit sa kanya. Trip kolang tingnan siyang stress.
Namataan ko ang papalapit na sasakyan namin. Andito na si manong Henry kaya uuwi na ako.
"Goodbye Aleah" paalam ko kay Aleah na kasaluluyang tumitipa sa phone niya.
"Goodbye" nakangiti niyang baling..
"Pakibitbit nang kuya mo pauwi. Kasi baka lumandi payan doon sa loob eh" natatawa kong sabi.
"Busted na ako eh, kaya lalandi talaga ako doon." sabat naman ni Kendrick na nakabusangot ang mukha.
"O di sige. Subukan mo" panghahamon ko sa kanya.
Tumawa siya at kinamot ang ulo. "Eto nanga uuwi nadin kami" baling niya sa kapatid.
Tumawa lang si Aleah at tumango sa akin.
Tumatawa akong pumasok sa sasakyan. I wave my hand to them before closing the door.