Chapter 10

1644 Words
Lumipas ang araw at palapit na ang sports day nang school namin. Araw araw pa din akong sinusuyo ni Kendrick at sa bawat araw nayun palagi kaming nag aaway, hindi ko kasi binabawi yung huling sinabi ko sa kanya at yun ang pinagtatrabahuan niya ngayon. Di daw talaga siya titigil hanggang hindi ako pumapayag. "I'll make you fall inlove with me. Harder and deeper, yung tipong di ka mabubuhay pag wala ako." mahinang sabi niya dahil andito si proff at nag lelecture. Kinabahan ako sa sinabi niya. If he keep doing this baka nga mangyare iyon at natatakot ako. " Shut up Ken. I'm listening." reklamo ko sa kanya dahil hindi na naman ako makapag pokos sa pakikinig. "I'm serious Marrieanna." dagdag niya sa pagbabanta na tuno. Wala talagang sinasantong lugar tong taong ito eh. Ket saan talaga basta trip niyang bumanat o mag PDA gagawin niya talaga. Pagkatapos nang klase namin ay nagpaalam siyang pupunta nadaw sa susunod niyang subject. This past few months, palagi niya akong ina-update kong saan ang punta niya kahit hindi ko naman tinatanong. Pagkatapos nang klase ko buong araw, napagpasyahan kong mag Cr muna bago umuwi kasi ihing ihi na ako. "The b***h is here!" sabi nang isang babae sa akin. Kakatapos kolang umihi nang paglabas ko ay binungad ako nang isang harina. Ayy tao pala! Hindi kasi pantay yung kulay nang mukha niya sa kulay nang katawan niya. "Stay away from Kendrick." sabi nang isa pang babae. Kilala ko to, ito yung babaeng nakausap ni Kendrick noong nanalo sila sa basketball. Tinaasan ko siya nang kilay at tiningnan mula ulo hanggang paa. "Why would i do that?" mataray kong sabi. "Kendrick is mine! So stay away from him!." malakas niyang sabi bakas ang galit sa mukha. Tumango tango naman ang alipores niya sa likod. Sayang ang ganda niya pa naman para maging warfreak. Nginitian ko siya, actually gusto kong tumawa kasi desperada siya. "Really? If Kendrick is yours? Why is he courting me?" sabi ko. "Oppss, mali pala diko pa pala siya pinapayagang manligaw sa akin" nakangiti kong saad. Her face became red, the anger is evident on her face. Don't you dare threaten me little girl, kasi galit pa ako sayo. Gusto ko nang tahimik na college dito pero hindi ako mag papaapi. "How dare you!" galit na sigaw niya at akma sana akong sasampalin, pero bago niya pa magawa yun ay sinampal kona siya. "Kateee!" napahiyaw ang kasama niya. "Kung sayo si Kendrick. Eh di sayo! But you can't force me to leave him alone." sigaw ko sa kanya. Nag-iinit na ang ulo ko. Aalis na sana ako nanghinila niya pabalik ang buhok ko, dahilan para matumba ako sa floor nang CR. "What the?...." untag ko dahil sa pagkakabigla at sa sakit nang bewang ko dahil sa pagkakatumba. "You b***h! Ang landi mo" sigaw niya at hinila pa ang buhok ko. Ansakit na nang anit ko kaya inabot ko siya gamit ang matatalim kong koko. Napahiyaw siya ng nakalmot ko ang braso niya. "b***h?.... Sino kaya sa atin?... Ikaw yun...Ikaw." sigaw ko sa kanya at pinagkakalmot siya kaso diko siya nakalmot dahil hinila nang kaibigan niya ang kamay ko. Agad niyang kinalmot ang braso ko, dahilan para dumugo ito. Sinampal niya ako kaya nagpupumiglas ako sa pagkakakapit nang kaibigan niya at agad ko siyang hinilaan ng buhok, hindi ko inalintana ang dumudugo kong braso. Naramdaman ko ang pagdating ng maraming tao at inaawat na kami. "Ano bang ginawa ko sayo huh?" umiiyak na saad niya nang naawat na kami. Nakikita kong si Kendrick ang nakahawak sa kanya. Matalim ang titig ni Kendrick sa akin. "My ghad! Your acting innocent now? ..Wow! Just wow!" sigaw ko pabalik sa kanya. Nagpupumiglas pa ako at pilit na inaabot siya. Napapalibutan na kami ng mga tao, pero wala akong pake. "Marrie tama na" mahinahong sabi ni Cayfer sa likod ko. Ngayon kolang na realize na si Cayfer pala ang nakahawak sa akin. Agad nilayo ni Kendrick ang babaeng yun sa akin. At ang babaeta ay umiiyak na tela naapi ko. Gusto niya atang magpa awa effect sa harap ni Kendrick para ako ang iisiping masama. "Iharap mo siya sa akin Kendrick di pa ako tapos!" sigaw ko dahil sa galit. Gusto kong harapin niya ako gaya nang ginawa niya kanina. Gusto niya pala nang sabunutan then ibibigay ko. "MARRIEANNA STOP! Ano bang nangyayare sayo?" sigaw ni Kendrick na dumagundong sa buong Cr. Agad akong napatigil sa lakas noon. Nangilid ang luha sa mata ko. Did he just shout at me?. Tiningnan ko siya at galit na galit siyang nakatingin sa akin. So mas kinakampihan niya yang babaeng yan kesa sa akin?. "Kakampihan mo siya Kendrick? Really?" sigaw ko at tuluyan nang bumuhos ang mga nagbabanta kong luha. Naramdaman kona din ang pag haplos ni Cayfer sa likod ko dahilan para mas bumuhos ang luha ko. Lumapit nadin si Vien sa akin. Ako yung sinaktan dito nang una pero bakit ako pa ang nasisisi? Hindi naman ako mananakit kung hindi ako sinaktan nang una eh. Ako nga ang mas nasaktan dito eh, hindi niya ba yun nakikita?. "It's not like that Marrie" mahinahon niya nang sabi at hahawakan niya sana ako. Agad akong umiwas. "Wala kang alam Kendrick......Galit ako sa babaeng yan" sigaw ko ulit. Hindi ako papayag na sa akin masisisi ang pangyayaring ito. "Marrieanna, antagal na noon. Ba't kailangan pang umabot sa ganito?" sabi niya. "Pinagbibintangan moko? Hindi ako ang nagsimula. Siya nga... siya" galit kong sigaw at tinuro turo yung babaeng yun. Akala niya siguro sinugod ko si Kate dahil sa selos ko dati. "Nag Cr lang kami nang kaibigan ko tas paglabas ko nang cubicle kinalmot niya kaagad ako" umiiyak na sabi ni Kate at pinakita ang dumudugong braso niya. Agad nilingon ni Kendrick si Kate. "Bring here to the guidance office Cayfer" mahinahon niyang sabi at dinaluhan si Kate na umiiyak. Agad bumuhos ang luha ko nang makita si Kendrick na dinadaluhan si Kate at sabay na umalis doon. Ang sakit nang bewang at ulo ko ay nadagdagan pa ng sakit sa puso. Hinawakan ko ang braso kung may dugo rin. Unti unting nagsilabasan ang mga taong nandoon. "Kawawa naman si Kate" "Oo nga. Sabi ko nanga ba panget ang ugali nang babaeng yan" "Mabait yun si Kate, imposibleng siya ang nagsimula" Dinig kong bulungbulungan nang mga nanuod parin sa akin ngayon. Gusto kong ipaliwanang sa kanila ang totoo, pero alam kong di nila ako papaniwalaan. "Go out!" utos ni Cayfer sa mga nakikiusyuso parin doon, agad naman silang lumabas. Umiiyak padin ako, hindi dahil sa dumudugo kung braso, kundi dahil sa pagkampi ni Kendrick sa Kate nayun. Feeling ko natalo ako. Feeling ko mas gusto niya iyon. Baka nga tama si Kate na sa kanya talaga si Kendrick kasi kung sakin siya e di sana ako ang kinampihan niya. "Are you okay?" Sabay na tanong sa akin ni Cayfer at Vien. Tiningnan ko sila at nandito rin pala si Brayle at Xandrick. "Dumudugo ang braso mo" komento ni Cayfer nang makita ang kalmot ko at inakay ako palabas nang Cr. Hindi ako sumasagot sa kanila dahil bumubuhos parin na parang gripo ang luha ko. Nag aalala na ang tingin ni Vien sa akin. "Ano ba ang nangyare?" Tanong ni Xandrick. "Shut up bro kita mong umiiyak pa yung tao eh" sagot ni Brayle sa kanya. "Ayy sorry" Dinala nila ako sa Guidance office. Pagpasok namin doon naabutan namin si Yhuan na natutulog, agad naman siyang nagising noong pumasok na kami. "What happened? Bat umiiyak yan? Patay tayo kay Kendrick niyan" komento niya nang makita akong umiiyak. Mas lalong bumuhos ang luha ko noong binanggit niya si Kendrick. Hindi ko alam kong bakit napaka emosyonal ko ngayon, gayun hindi naman ako ganito dati. "Shut up Yhuan!" sabat ni Cayfer at lumapit na sa akin bitbit ang first aid kit. Agad ginamot ni Cayfer ang sugat ko. Pagkatapos niyang gamutin ay unti unti na akong kumalma. Pero batid kong namumugto na ang mga mata ko. "Ano ba talaga ang nangyare Marrie?" Mahinahong tanong ni Vien habang hinahaplos niya ang likod ko. I breath deeply to answer her question. "I go to the Cr kasi naiihi ako. Paglabas ko nang cubicle andoon siya at ang kaibigan niya. Sinabihan ako noong kate nayun na layuan kodaw si Kendrick dahil sakanya daw iyon, noong sinagot ko siya nagalit siya at akma niya sana akong sasampalin kaya inunahan ko siya. Aalis na sana ako, kaso lang hinila niya ang buhok ko pabalik dahilan para matumba ako. Kaya ayun nag away na kami" mahaba kong paliwanag. "Siya naman pala yung may kasalanan" galit na sigaw ni Vien. "Bakit anlaki nang kalmot mo?" tanong naman ni Xandrick. "Hinawakan kasi ng mga kaibigan niya ang kamay ko kaya nakalmot niya ako" sagot ko. "Humanda yun sakin mamaya." galit na sabi ni Vien sa gilid ko. Nagpa iling iling nalang ang apat at nagbuntunghininga. Sakto namang bumukas ang pinto at pumasok sina Kendrick at Kate. Inalalayan pa ni Kendrick si Kate na animoy lumpo. Tinitigan pa ako ni Kate sa mapang asar na titig. Sumikip ulit ang dibdib ko sa nakikita at muli na namang namuo ang luha sa mata ko. "Pag-uusapan natin ang nagyare kanina" Sabi ni Kendrick nang makaupo na sa gitna. Nasa harap ko si Kate nakayuko. "I already heard Kate's side and i need to hear your side Marrie" he ordered. "Narinig mona yung kanya? Then yun ang totoo." agad kong sagot. Wala na akong balak e-explain sa kanya ang side ko. Kung anong alam niya yun na yun at wala na akong pake. "That girl start the fight Kendrick" sabat ni Vien nang hindi ako nag paliwanag sa side ko. "I know Kate, hindi niya iyon magagawa" sagot agad ni Kendrick na nag pasikip sa didib ko. Tama nga ako kahit e-explain ko pa di parin niya ako papaniwalaan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD