FAYE POV
"Ma naman? Ganyan ka na ba ka praning? Wala na yung tao na iyon dito. Sure ako na wala na sila dito sa Pilipinas ng totoo niyang pamilya at tahimik na nabubuhay Kaya tayo rin, kailangan na natin itong ibaon sa limot lahat."
"Ah basta! Kahit mamatay pa ako, hindi ko pa rin makakalimutan ang galit na nararamdaman ko para sa tatay mong iyan!"
"Alam ko naman po iyon pero kapag hindi naman ako magtatrabaho, kawawa naman tayong dalawa."
"Nako dinramahan mo na naman ako Faye! Basta ang sa akin lang, umiwas na lang tayo sa gulo dahil kung matagal ka nang gusto ng tatay mo makita, noon pa niya ito dapat ginawa. At hindi ngayon na isa ka nang ganap na nurse. At sobrang proud lang ako na hindi ako nanghingi ng kahit na singkong duling sa kanya para lamang mapag aral kita."
"Sino kaya ang madrama sa atin ma? Pang ilang beses ko na yata iyan narinig sa inyo eh. At tsaka kayo naman po ang hindi pa maka move on sa kanya. Ako, matagal na akong hindi umaasa na magkakaroon pa ako ng isang ama."
Tumalikod na siya sa akin na para bang wala na itong ganang makipag usap. Ganito naman palagi si mama, wala nang kibo kapag lumalim na ang usapan naming dalawa.
Kinabakasan naman, umagang umaga pa lang ay nandito na sa bahay namin si Justin. Siya yung makulit kong manliligaw sa loob ng six months pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin siya sinasagot. Maayos naman ang hitsura niya at isa siyang teacher sa public school. Kaya nga lang, wala talaga akong nararamdaman para sa kanya. As in zero kasi iba yung hinahanap ko sa isang lalaki. At lahat ng ito ay wala sa kanya.
Pero kabaligtaran naman nito si mama na halos botong boto kay Justin para sa akin. Ang sinabi niya pa nga ay magiging maganda ang takbo ng buhay ko kapag isang kagaya ni Justin ang makakatuluyan ko.
I don't know about this guy, pinaparamdam ko naman kasi sa kanya na wala akong pagtingin sa kanya kaya lamang ito naman siyang lapit ng lapit sa akin. At kada umaga bago siya pumasok sa school ay sinasadya niya talagang dumalaw rito. Kulang na nga lang ay dito siya tumira.
Ayaw ko lang din kasi siyang diretsuhin kasi sure akong pati si mama ay aawayin ako. Basta ang sabi ko lang sa kanya, kailangan muna niyang maghintay hanggang sa maging ready ako. But in reality, wala naman talaga akong plano na sagutin siya. Naka unifrom pa siya at amoy na amoy ko yung pabango niyang nababahuan ako.
Ngayong araw, nagdala na naman siya ng branded chocolate at tatlong roses. Halos lahat nga ng flower vase namin dito sa bahay, napuno na nang bulaklak na dala dala niya. Kinakausap niya si mama hanggang sa makita niya ako at para bang tumigil ang mundo niya. Bakit kaya masyadong patay na patay sa akin ang lalaking ito gayong ang laming ng treatment ko sa kanya? Sure naman ako na mas marami pang babae ang deserve ang pagmamahal niya kaysa sa akin kasi wala akong planong suklian eto.
"Good morning Faye!" nakangiti niyang sabi sa akin.
Pinilit ko naman na ngitian siya kahit na wala ako sa mood. Pag upo ko pa lang sa harapan niya ay tumayo ito at tumabi sa akin.
"Grabe, ang saya saya ko na natanggap ka sa trabaho Faye. Saan ang clinic? Malaki ba? Anong pangalan ng hospital? May pang requirements ka ba? Kasi tutulungan naman kita kung nahihirapan ka sa requirements."
Kagigising ko pa lang at sa dami ng tanong niya sa akin, hindi ko alam kung ano ang uunahin kong sagutin sa mga ito.
"Basta... tsaka ko na lang sasabihin sayo... pwede ka na sigurong pumasok baka late ka na sa work mo..." sabi ko pa.
"8 am pa naman ang trabaho ko eh," sagot niya.
"Oo nga anak! Bakit ba palagi mong ipinagtatabuyan itong si Justin eh sobrang effort nga siya na magpunta dito palagi sa bahay. Ang feeling ko tuloy ay tinataboy mo siya."
"Ma naman? Hindi naman po sa ganun. Kaya lang siyempre ayaw ko naman na malate itong si Justin sa trabaho niya."
"No, 6 am pa lang naman at sarado pa yung gate sa school. Ikaw naman talaga ang sinadya kong puntahan ngayon."
"Well, ako kasi 7 am ang lakad ko kaya kailangan ko rin gumora ng maaga."
"Ano ba ang uunahin mo sa mga requirements mo? Baka pwede na kitang samahan pag may time ako?"
"Hindi... siyempre kaya ko naman lakarin ang lahat ng mga requirements ko. Ayaw na kitang maabala pa. At tsaka sana naman wag kang magalit kung ayaw na kitang magdala ng bulaklak para sa akin kasi ang dami mo nang mga binibigay."
"Ano ka ba? Ayos lang naman sa akin. Ang tawag jan ay investment, although six months ko na ito nagagawa, minsan napapagod ako pero umaasa pa rin naman ako na magbubunga ang mga pinaghirapan ko."
"Nako Justin, ako ang bahala sayo, kukurutin ko talaga ang singit nitong si Faye kapag hindi ka pa rin niya sinagot. Tutal 6 months ka nang nanliligaw, ako ang nagsasabi sayo na magbubunga ang paghihirap mo sa anak ko."
Tiningnan ko ng masama si mama, bakit ba pati itong love life ko ay pakikialaman niya pa? Ayaw ko pa naman pilitin ang sarili ko sa lalakin na never kong magugustuhan. Kung pwede nga lang, siya na lang ang irereto ko kay Justin para walang problema.
Ayaw ko nang magsalita pa dahil mas gusto ko na lamang na manahimik. 7 am naman ng umaga ay umalis na ako para kumuha ng mga requirements ko. Medyo mahirap at nakakapagod nga lang pero kailangan kong magtiis kasi ganito talaga ang buhay sa Pilipinas. Talo talaga ang sumusuko sa hamon ng buhay at sa pera umiikot ang mundo ng karamihan.
3 pm, pag uwi ko naman ay nagulat ako kasi marami ang nag iinuman sa bahay namin. Ito talagang step dad ko, nagawa pang manghatak ng ibang mga dakilang tambay para lamang may kasama siyang uminom. At nagulat naman ako kasi nakita ko na nakiki inom din si Justin kasama nila.