FAYE POV
Halos ang tindi kaagad ng nararamdaman kong galit ngayon. Ayaw ko man jay Justin subalit hindi naman ako makakapayag na ganituhin siya ng step dad ko. Idadamay niya pa pagiging manginginom niya.
Lakas loob akong lumapit sa kanila. Pinatagay pa nga ako ng magaling kong step dad subalit dinedma ko lamang siya. Wala akong paki kung magiging walang modo ako sa kanya.
"Nandito ka na pala Faye, kanina pa kita hinihintay hehe!" sabi ni Justin pagkatapos ko siyang hatakin at ilayo sa inuman.
"Ano ka ba? Nasisiraan ka na ba talaga ng bait? Sino ang nagsabi sayo na umabsent ka sa work mo at hintayin ako rito?"
"Relax ka lang? Nakalimutan ko lang kasi sabihinn sayo na half day lang ako ngayon kasi sumama ang pakiramdam ko kanina."
"Ah ganun ba talaga? Masama ang pakiramdam mo pero nagawa mo pang makipag inuman sa mga taong walang pangarap sa buhay? Ano ka ba naman! Teacher ka at hindi bagay sayo yung ganito!" pagsesermon ko sa kanya.
"Eh nakikisama lang naman din ako. Nakaka two shots pa lang naman ako kaya wala kang dapat na ipagalala. Siya nga pala, kamusta naman ang lakad mo?"
"Ayos lang. Pero sana ay umuwi ka na ngayon-"
"Bakit mo ba ako pinagtatabuyan? At bakit ang lamig ng trato mo sa akin? Hindi mo ba ako type?"
Nagulat naman ako sa kanya sapagkat naging prangka siyang bigla. Sinabi niya na nakadalawang shots lang siya pero mukhang may tama na siya ng alak. Sabagay, hindi nga naman talaga siya isang manginginom na lalaki kaya siguro ay madali rin siyang malasing.
"Eh diba palagi ko naman sinasabi sayo na hindi pa ako ready? Bigyan mo lang ako ng kaunti pang panahon."
Napakamot naman siya sa ulo, "Ready? Ang tanong, pwede mo ba akong bigyan ng exact date kung kailan?"
Hinawakan ko siya sa kamay niya, "Basta pinapangako ko sayo na sa lalong madaling panahon, sasagutin din kita."
Ang hirap din pala talagang magsinungaling lalo na kung wala naman talaga akong plano na sagutin siya. Kung hindi lang dahil sa nanay kong pakialamera, siguro naglakas loob na akong i basted siya. Sayang lang ang panahon.
"Sige, baka gusto mong gumala muna tayo sa park? O kaya mamasyal tayo sa mall para kumain? Sagot ko naman, para habang hindi ka pa busy, may bonding tayong dalawa."
"Hindi na, i save mo na lang ang pera mo para sa ibang bagay. Sorry, pagod din kasi ako at ilang araw na lang ay pasok ko na sa trabaho kaya kailangan kong ingatan ang sarili ko."
Napasimangot siyang bigla at umalis. Sobrang naawa ako at nakonsensya sa kanya. Pero ano bang magagawa ko kung tinatamad talaga ko na kasama siya?
Sa sumunod na dalawang araw, hindi pa rin nagpaparamdam sa akin si Justin. Siguro ay talagang nagtampo siya sa akin kaya hindi siya sumisipot sa loob ng dalawang araw. Nakakapanibago lang din pala lalo na't ngayong araw na ang start ko sa work.
Pero bago ako umalis, nagpaalam muna ako kay mama.
"Alis na po ako ha?"
"Teka lang anak," sabi niya na napatayo sa sala, "Bakit para yatang hindi ko na nakikita dito si Justin ha? Yung totoo, aminin mo nga sa akin, ano ang ginawa mo sa kanya? Binasted mo ba?"
Nakataas pa ang kilay sa akin ni mama habang nagsasalita ito. Ito talaga yung nagpapasindak sa akin sapagkat bihira niya akong taasan ng kilay. At pag ganito ay galit na siya. Sira na tuloy ang mood ko hindi pa man ako pumapasok sa trabaho ko.
"Ma? Sinaway ko lang naman siya nitong nakaraan kasi nakita ko siyang nakikipag inuman sa asawa mo. Tapos ayun, nag walk out na lang siyang bigla."
"Eh di suyuin mo siya. Alam mo ang pagmamahal ng isang lalaki ay mayroon ding expiration date lalo na kung matamlay at malamig ang trato mo sa kanya. 6 months na siyang nanliligaw sayo pero bakit hanggang ngayon ayaw mo pa rin siyang sagutin?"
Sa pagkakataong ito, ako naman ang iiwas sa tanong niya.
"Alis na ako ma, baka ma late po ako sa work ko. Wish me luck na lang din para maging maganda ang pasok ko sa trabaho. At sana lang ay hindi masungit ang magiging boss ko."
"Basta ha suyuin mo si Justin kasi siya ang lalaking gusto ko para sayo."
Tinalikuran ko na si mama at tsaka ako umalis. Wala na akong narinig pa na kahit isang salita sa kanyang bibig. Ayaw ko nang marinig pa kasi lalo lamang akong maba badtrip.
Pagdating ko naman sa kanto ng barangay namin, nakita ko si Justin na mayroong kasamang isang magandang babae na halos kaedaran ko rin yata. Maamo ang kanyang mukha at ang mas nakakagulat pa ay magka holding hands silang dalawa. Subalit mas okay na rin siguro ang ganito sapagkat mas gusto kong makita siyang masaya sa piling ng ibang babae kaysa naman sa aming dalawa.
Hindi naman nila ako nakita kaya ayos lang din sa akin. Salamat na lang sa lahat ng mga binigay niyang chocolates at rosas sa akin. Mukhang alak lang pala ang magpapa gising sa kanya sa katotohanan.
Mahigit isang oras din ang naibyahe ko patungo sa work kasi medyo trapik. Sa unang araw ko naman, allowed akong mag tshirt pero basta puti. Bukas pa raw nila ibibigay ang uniform ko ng libre. Ayos na rin, malaking bagay na sa akin iyon para naman makatipid ako. Kesa naman sa bumili pa, baka maubos ang pera kong budget.
Pag dating ko sa hospital, pumasok ako kaagad sa office ni Doc Danaya, siya ang nag interview sa akin na pangalawa at siya rin daw ang magtuturo ngayong araw.
"Teka lang Faye, darating kasi ngayon sila sir Miguel at ang anak niyang si Cherry. So kailangan na naka uniform tayong lahat para mapaghandaan natin ang pagdating nila. Mag i inspection din kasi sila sa bawat facility natin."
Halos bumilis ang t***k ng puso ko sa kaba. Hindi ko akalain na makikita ko kaagad ang ama kong matagal ko nang gustong makita. And it took 20 years bago ito mangyari.