FAYE POV
Sinuot ko kaagad yung pang nurse na uniform ni Ma'am at tsaka naman kami dumiretso sa hallway kasama ng iba pang mga nurse. At napansin ko naman kaagad na hindi lang ako ang bago sa hospital na ito. Marami rin pala kami kasi halata naman sa kilos nila.
Inayos ko ang sarili ko. Kailangan maging presentable ako mamaya kapag nakita ko si papa and I assume na anak niya si Cherry sa legal wife niya.
Subalit aaminin ko rin na grabe ang tindi ng kaba na nararamdaman ko sa mga sandaling ito. Makakaramdam kaya siya ng lukso ng dugo kapag nakita niya ako o sobrang dedma lamang ito? Ano na kaya ang hitsura niya? Sigurado akong matanda na rin siya. Baka nga mayroon na itong puting buhok.
Makalipas ang ilang minuto, nakaamoy ako kaagad ng napaka bangong perfume. At ito ay nanggagaling sa entrance ng hospital. Lumitaw ang isang napaka tangkad na lalaking matanda na nakasalamin at kasama niya ang isang napakagandang dalaga na kasama rin ng isang may hitsurang lalaki. Magkaholding hands silang dalawa at ang sweet.
So I assumed na itong si Cherry nga ang nag iisang anak ng papako na katabi niya. Grabe, matanda na nga talaga ang tatay ko at hindi niya ako pinansin ng dumaan ito sa harapan ko. Nakakalungkot lamang sapagkat may dugso ako ng dugo nang makita ko siya. Ngunit ganito siguro talaga kapag anak lang sa labas. Sobrang sakit lang sa loob na hindi talaga niya maramdaman ang dugong nananalaytay para sa aming dalawa.
Ngunit pumukaw din sa atensyon ko ang lalaking kasama ni Cherry na malamang ay jowa or asawa niya. Parang ang lahat yata ng physical characteristics ng lalaki na hinahanap ko ay nasa kanya na. Matangkad tapos mayroong dimples at maamong mukha na makinis at maputi. Masasabi ko na napaka swerte ni Cherry sapagkat mayroon siya ganitong boyfriend.
Siguro kung ako nga ito ay baka pinakasalan ko na siya kaagad. Kaya lamang, alam ko sa sarili kong hanggang pangarap na lang ako. Na isa akong ilusyonadang babae na nangangarap mapansin ng isang kagaya nitong lalaking ito. Huminto silang tatlo sa tapat ni Doc Danaya.
"Good morning sir!" nakangiting sabi niya pa.
"I would like to know the status of this hospital. Come to my office," wika niya ni papa, este Doc Miguel.
Umakyat sila ng hagdan. Nakakalungkot naman kasi parang hindi man lang sila nagtagal ng isang minuto kasi tila ay nagmamadali rin itong si sir Miguel.
Sabagay, marami rami din naman siguro silang pag uusap kaya ano pa bang aasahan ko? Sa isang kagaya niya na president ng hospital na ito, hind na niya kailangan pang makilala ang isang katulad ko na nasa sulok lang ng kanyang mga mata. Sayang, what if nakita niya ako kanina na nakatingin sa kanya? Ano kaya ang magiging reaksyon niya?
Pagkatapos nito ay kanya kanya na kaming balik sa aming mga pwesto. Pero ako naman, bumalik sa reception area dahil ito naman talaga ang posisyon na in-applyan ko. Madali lang naman ang trabaho kung tutuusin. Ia accommodate ko lang ang mga patients at aasikasuhin ang mga pangangailangan nila. Pero kabang sobrang urgent daw, kakailangan ko rin na mag assist sa kanila.
During lunch break naman, kumain ako kasama ni Ma'am Denaya sa isang canteen. Ang bait nga niya kasi nilibre niya ako ng pagkain. Sobrang sarap din pala ng mga foods dito at mayroong discount para sa aming mga employees. Sobrang laki ng matitipid ko kapag dito ako palagi kumain.
"By the way I saw you earlier na titig na titig kay sir Miguel kanina. What's with that? I am just so curious to know?" tanong niya.
Napalunok ako sa sinabi niya. Akala ko pa naman walang nakapansin sa akin kanina dahil sa lahat ay nakatutok kay sir Miguel. Subalit mali pala ako ng akala.
"Ha... eh... kasi siyempre halos lahat naman po yata ng mga empleyado ay nakatutok kay sir di ba?" pagpapalusot ko pa.
"Still... iba kasi ang titig mo kanina... but never mind. Siguro ay sobrang na curious ka rin kanina kaya ganun ang titig mo. At least kahit papaano ay nakita mo ang boss natin. Actually, sobrang bihira na lamang natin siyang makikita kasi mayroon pang bagong hospital na pinapatayo sa Makati city at doon na siya usually magi stay. Ang magha handle rito ay si Ma'am Cherry at ang boyfriend niyang si Doc Joshua. Yung mala artistang lalaki kanina? Hindi lang kasi siya isang doctor, model rin siya at tsaka milyonaryo ang kanyang parents. Sa pagkaka alam ko ay engage na silang dalawa," mahabang pagsasalaysay niya pa sa akin.
Tama nga ang hinala ko na mayroon silang relasyon. At nakaka inggit lang din si Cherry kasi nasa kanya na ang lahat. Maganda na siya, mayaman, at mayroong boyfriend na pinapangarap ko. Samantalang ako, walang binatbat sa kanya. Ni wala pa nga akong napapatunayan sa sarili ko. Ang bansag ko nga sa sarili ko ay isa lamang hampas lupa na anak sa labas. At kahit kailan, never akong ia acknowledge ng totoong ama ko.
"Pero ayun na nga eh. Alam mo ba, may chismis akong nasagap na hindi naman daw iyan magaling si Ma'am Cherry! Ganda lang ang meron siya ngunit wala naman daw itong utak. Nag aral sa ibang bansa subalit pasang awa lang dawa. Kung hindi lang daw yan anak ng mayaman, hindi siya ipapasa. May mga sabi sabi pa nga dito na nakapasa lang iyan kasi binayaran yung professor. Ang layo lang din ng agwat niya kay sir Miguel na sobrang matalino."
Medyo na off ako nang sabihin niya ito. Ang akala ko pa man din ay isang matalinong babae itong si Cherry pero ganda lang din pala. At ito namang si Ma'am, halatang halata na may pagka chismosa ring babae. At kung si Cherry ay nagagawa niyang maikwento, malamang ako rin ay iku kwento niya sa ibang tao pag nagkataon. Ayaw ko pa naman ng bina backstab ako. Sobrang sakit lalo na kapag kalat na kalat na ang chismis.
Habang nag uusap naman kaming dalawa ay biglang pumasok sa canteen si Cherry kasama ang kanyang fiance.