Chapter One

1429 Words
"Cala!" Parang may sunog na sigaw ni Vina habang nasa kwarto niya at ako ay nagpe-prepare ng breakfast namin. Agad naman akong tumakbo papunta sa kwarto niya. "Ano bay an, Vina. Hindi mo kaylangan sumigaw. Bakit ka basumisigaw? Para kang nare-rape, alam mo 'yon?!" Sabi ko sa kaniya sabay pinaikutan siya ng mata. "Tingnan mo kasi 'to!" Sabi niya sabay hila sa akin paupo sa kama niya. Nakita ko naman sa screen ang pangalan ng kumpanya nila Alex. "M's tower? Ano namang meron diyan ngayon?" Tanong ko sakaniya. Isang batok naman ang natanggap ko sa kaniya. "Basahin mo kasi 'yong e-mail. Ano ba naman 'yan, Cala." Pagrereklamo niya. Iniharap ko naman sa akin 'yong laptop niya at binasa 'yong e-mail na sinned sa kaniya ng M's tower. "Akala ko ba tanggap ka na?" Sarkastiko kong tanong sa kaniya. Nagkibit balikat lang naman siya saka ngumiti. "Oo. At 'yan ang first order sa akin ng boos ko. Pero may sakit pa rin ako e. Pwede bang ikaw na lang muna ulit?" Paki-usap niya sa akin. "Huh. No way. Ayoko ng makita 'yang boss moa no. ikaw na lang." Sabi ko sabay talikod na sakaniya. "Ganyan ka. Hindi k aba na-aawa sa akin? Trabaho ko 'to oh. Gustong gusto ko ng magkatrabaho diba? Tapos may sakit ako kaya hindi ko magagawa 'yong first task ko, baka tanggalin ako agad. Naku, paano na lang tayong dalawa niyang, Cala." Halata sa boses niya na sinasadya niyang asarin ako. Pero tama siya. Matagal na niya gustong magkaroon ng trabaho. "Fine. Tapusin ko lang 'yong niluluto ko, at papakainin muna kita bago ako pumunta diyan." Sabi ko tyaka lumabas na sa kwarto niya. Bakit ba kasi kaylangan ng personal interview nanaman? Sobra naman atang maging boss si Alex. Gaya ng sabi k okay Vina, tinapos ko muna 'yong niluluto ko saka kumain kami. Kinapa ko naman 'yong noo niya para manigurado na hindi siya nagbibiro tunkol sa sakit niya, at totoo naman iyon. Mainit nga talaga siya. Pagkatapos naming kumain, naghugas na ako ng plato bago ako nagbihis. "Babawi ka sa'kin kapag gumaling ka, Vina. Tandaan mo 'yan." Sabi ko bago lumabas ng bahay. Papunta nanaman ako ngayon sa M's tower. Hindi na ako nagdamit ng presentable dahil baka sabihin pa ni Alex na pinaghahandaan ko siya. Mukha niya. "Ms. Collin. Kayo nap o ang next." Sabi sa akin ng secretary niya. Naglakad naman na ako papunta sa office niya. Pagpasok ko, nakita ko siyang ngumiti habang nakatingin sa akin. Pero agad din 'yong nawala. "Ikaw nanaman? Nasaan na si Ms. Collin?" Tanong niya habang inaayos 'yong mga papers sa table niya. "Sino ba naman ang gagaling agad sa flu? Dapat nga pinayagan mo na lang siya na mag-pass ng interview niya through e-mail dahil alam mong may sakit siya." Dire-diretso kong sabi sa kaniya. Tumawa lang naman siya saka naglakad papunta sa couch at umupo. "Napansin ko lang, bakit parang walang good sa morning twing nandito ka sa loob ng office ko?" Sabi niya sabay sumenyas na umupo ako. Para namang nag-init 'yong mukha ko sa sinabi niya kaya napayuko ako saka bumati ng Good morning. Narinig ko naman siyang tumawa kaya nag-angat ulit ako ng tingin sa kaniya. "Magsimula ka na." Sabi niya saka inayos 'yong suit niya. Ako naman, binukla 'yong folder kung nasaan 'yong mga tanong na hinanda ni Vina. Huminga muna ako ng malalim bago nagsimulang nagtanong. "So, totoo bang kayo ng kapatid mo ang nagma-may-ari netong kumpanyang ito? I mean, hindi ito galling sa pamana ng mga magulang niyo, kundi kayo mismo ang nag-umpisa sa negosyong ito?" Nagtataka ako, two years ang agwat naming dalawa, pero sa loob ng dalawang taon na 'yon nagkaroon na agad siya ng napakalaking kumpanya. "Yes. It's true. Next question." Sabi niya sabay niluwagan 'yong tie niya. "Para kanino mo inilalaan ang success mo?" Tanong ko habang nagsusulat. "Sa pangalawang babae sa buhay ko." Agad naman akong napa-tingin sa kaniya. Siya naman, nahuli kong dati na palang nakatingin sa akin. O, sabihin na nating nakatitig siya. Pangalawa? Ano 'to? Marami parin ba siyang babae tulad ng dati? Hindi ka pa rin ba nagbababgo, Alex? "Parang may gusto kang tanungin, Ms. Saavedra. Feel free." Sabi niya sabay ngiti. Napansin ata niya 'yong pagkunot ng nook o. "You said, pangalawang babae sa buhay mo, what do you mean by that?" Kahit nakakahiya, hindi ko kayang itago sa isip 'yong tanong na 'yon. "Sa Nanay ko." Maiksing sagot niya sabay ngiti. Tanging tango lang naman ang nasagot ko. "Next, sino ang naging inspirasyon mo sa tagumpay na 'to?" Tanong ko ulit habang nagsusulat ng sagot niya sa kaninang tanong ko. "Sa unang babae ng buhay ko." Iritado akong nag-angat ng tingin sa kaniya. Pimikit ako ng madiin dahil sa inis. "Ilang babae ba ang meron sa buhay mo? Lima? Sampo? Pwede bang sabihin mo na lang 'yong pangalan at hindi kung pang-ilan?" Inis kong tanong sa kaniya. Nakita ko naman siyang ngumisi. "Camille Althea Louise Agape Saavedra." Parang tumigil naman ang mundo ko dahil sa binanggit niya. Lumambot 'yong ekspresyon ng mukha ko/ "Ako? Ako ang dahilan ng tagumpay na 'to?" Tanong ko. Tumawa naman siya at naglakad papunta sa table niya at doon umupo. "No. tinawag lang kita sa pangalan mo, miss. Dahil gusto kong sabihin sayo na ako ang iniinterview mo, kaya ako ang bahala kung ano ang gusto kong isagot. Ngayon, next question please." Sabi nito. Nako. Lupa, lamunin mo ako, please. Tumingin naman ako sa papel na hawak ko kasi natataranta na ako dahil skahihiyan. "Bakla ka ba?" Tumingin ako sa kaniya saka ibinalik sa papel 'yong tingin ko. Papalit-palit lang 'yong tingin ko hanggang sa tumikhims iya. "Kasi. 'yon 'yong nandito. Napagutusan lang ako." Depensa ko. Tumawa lang naman siya at umiling. "Hindi, Cala. Hindi ako bakla." Napakagat lang ako sa labi ko at mabilisang isinulat 'yong sagot niya saka tumayo. Nagpaalam na ako at hindi na hinitay 'yong sagot niya at lumabas na sa office niya. Nakakahiya ka, Cala. Inuntog ko sa manubela 'yong ulo ko dahil sa inis sa sarili ko. Dumaan muna ako ng pagkain naming ni Vina dahil pakiramdam ko, hindi ako makakapag-luto ng maayos. Pagdating ko sa bahay, nakita ko si Vina na nanonood ng tv. "O. Kamusta interview?" Tanong sa akin ni Vina na parang natatawa. "Walang hiya ka, Vina! Alam kong sinadya mo 'yong tanong na 'yon! Kung alam ko lang hindi na ako pumunta ron at hinayaan ka nalang mawalan ng trabaho." Reklamo ko sa kaniya. Tumawa lang naman siya ng malakas. Ako naman, pumunta nan g kusina para ilagay 'yong binili kong pagkain naming. "Akala ko kasi, si Keiden na ang nanduon kaya 'yon ang mga sinulat kong tanong. Isa pa, wala namang problema ron ah?" Umiling lang ako sa mga sinasabi ni Vina. "Vina. Ayoko ng maulit 'to a. Ayoko ng masaktan. Once is bravery, but twice is stupidity." Sabi ko sakaniya habang inaayos sa sala para ihanda 'yong pagkain naming. "Paano pag trice na?" Sabi niya habang pinapanuod ako. "Ewan. Kung ano-anong tinatanong mo. Uminom ka na ba ng gamot mo?" Tanong ko sa kaniya. "Yes, Ma'am. At, trice is romantically." Out of the blue niyang sabi. "Huh?" Nagtataka kong tanong. Habang nilalabas sa plastic 'yong mga pagkain na binili ko. "Once is bravery, twice is stupidity and trice is romantically." Sabi niya bago pumulot sa mga pagkain na nasa harap niya. Pinalo ko naman 'yong kamay niya. "Romantically? Sa taong 'yon? Kay Alex? Naku, nananaginip ka ata Vina." Sabi ko sabay naglagay ng pagkain niya sa plato at iniabot 'yon sakaniya. "Naku. Halata namang mahal mo pa e. Huwag mo ng ideny sa akin, Cala. Kitang kita ko." Sabi niya sabay start ng kumain. Naglagay na rin ako ng pagkain sa plato ko at nagsimula na ring kumain. Maya-maya pa, biglang may nag-pop-up sa laptop niya. Kinuha niyo 'yon at binasa. Nakita ko namang nagbago 'yong ekspresyon niya sa mukha. "My god, Cala! Hindi ko alam kung paano kita pasasalamatan. Pero, may project na ako!" Sabi niya habang mangiyak-ngiyak. "Talaga? Wow. Ang bilis." Hindi ko rin makapaniwalang sabi. "And, ito ang mas nakakabaliw. Tanggap ka na sa company nila." Para naman akong mabubulunan sa narinig ko. "Ako?" Sabi ko sabay turo sa sarili ko. "Uhum." Sagot ni Vina sabay inom ng gatas. "Huh. Mukha niya. Hindi naman ako nag-apply diyan eh. Ayoko siyang maging boss. No way!" Sabi ko sabay tayo. Parang nawalan ako ng ganang kumain. "Ayaw mob a 'yon? Pareho na tayong may trabaho, saka hindi ka na mahihirapang maghanap pa. instant na nga eh." Sabi niya sa akin. "Wala akong pake, Vina." Maiksing sagot ko saka nagligpit ng pinagkainan naming. Maya-maya pa ay narinig kong tumunog 'yong phone ko. Si Mama, tumatawag. Pinapanpunta niya kami ni Vina sa hacienda. "Vina, natanggap mo ba message nila?" Tanong ko kay Vina at tumango naman siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD