Chapter 25 Jennifer Tahimik pa rin ang paligid. Walang ibang tunog kundi ang mahinang hampas ng alon at ang paminsan-minsang huni ng hangin. Basang-basa pa rin ako, nanginginig sa lamig at sa pagod ata pagkawalang paga-asa, ngunit sa unang pagkakataon, naramdaman kong may kasama ako. Hindi ako mag-isa. Katabi ko si Lolo Gorio, ang matandang hindi ko kilala pero sa loob lamang ng ilang minuto ay naging sandalan ko sa pinaka-madilim na bahagi ng buhay ko. “Salamat, Lolo,” bulong ko, hawak ang tuhod ko habang nakaupo sa malamig na buhangin. “Kung hindi dahil sa ‘yo… baka wala na ako.” Hindi siya agad sumagot. Tumingin lang siya sa dagat, malalim ang titig, parang hinahanap ang kasagutan sa bawat alon na humahampas. “Alam mo, iha,” aniya, “minsan, kailangan lang natin ng kahit isang taon

