Episode 26

1902 Words

Chapter 26 Jennifer Maliwanag na ang langit nang ako’y magising. May sinag ng araw na sumisilip mula sa maliit na siwang ng kurtina sa bintana. Tahimik ang paligid, maliban sa mahihinang huni ng mga ibon sa labas. Ilang saglit akong nanatiling nakahiga, pinipilit alalahanin kung saan nga ba ako—at nang maalala kong nasa bahay ako ni Lolo Gorio, muli akong napapikit, ngunit hindi dahil sa pagod. Kundi sa panandaliang kapayapaan. Naaalala ko pa rin ang sinabi niya kagabi—na hindi pa huli ang lahat. Na may mga taong handang tumanggap kahit hindi nila alam ang buong istorya. Sa gitna ng lahat ng kaguluhan sa buhay ko, napakagaan ng pakiramdam na may isa man lang akong nasandalan. Kahit pansamantala. Ngunit ang katahimikang ito ay naputol nang makarinig ako ng boses mula sa kabilang bahagi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD