Kabanata 26 Jennifer Kinabukasan ng hapon, matapos ang isang tahimik na tanghalian kasama si Lolo Gorio, nagpasya na akong bumalik sa condo. Hindi man niya ito sinabi nang direkta, ramdam ko ang kalungkutan sa mga mata ng matanda habang binabati ako ng “Ingat ka palagi, hija.” “Babalik po ako, Lolo,” pangako ko habang hawak ang kanyang magaspang na kamay. Ngumiti siya, at marahang tumango. “Alam kong babalik ka. Kasi hindi dito nagsimula ang kwento mo, pero dito mo natutunang mahalin ang sarili mo ulit ng totoo.” Paglabas ko ng bakuran ni Lolo Gorio, sumakay ako ng taxi pauwi. Ngunit habang nilalakbay ko ang pamilyar na daan, may isang bagay na hindi mapakali sa dibdib ko. Isang damdaming matagal ko nang hindi hinarap. Kaya bago pa man ako makarating sa condo unit, nagpa-drop ako sa m

