Episode 61

2114 Words

CHAPTER 61 Jennifer Lumipas ang tatlong buwan mula nang huli naming pag-uusap ni Papa,' yong araw na hinahanap niya sa akin si Katrina. Sa mga buwan na lumipas, sinikap kong maging maingat. Walang kakaibang kilos, walang palya sa trabaho, at higit sa lahat, walang bakas na mag-uugnay kay Katrina sa akin. Pinaghandaan ko ang lahat. Wala akong iniwang larawan, resibo, o kahit simpleng palatandaan na pwedeng gamiting ebidensya laban sa akin. Kapag dinadalaw ko si Katrina, laging ibang ruta, ibang oras, at iba’t ibang damit ang suot ko para hindi mahalata. Tila ba naging pangalawa nang balat ko ang pagiging maingat. Pero kahit ganoon, alam kong hindi habambuhay ako ligtas. Kilala ko si Papa, hindi siya titigil hangga’t hindi niya nakukuha ang gusto niya. Isang hapon, habang nasa opisin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD