Chapter 13 Jennifer Pagkabigay ko ng mga huling dokumento kay Sir Daniel at matapos niyang pirmahan ang mga iyon, magalang akong tumango. “Thank you po, Sir,” sabi ko, pinilit ang isang mahinhing ngiti. Tumango lang siya at muling tumutok sa laptop sa mesa niya. Tahimik akong lumabas ng opisina, bitbit ang folder na naglalaman ng mga pinirmahang papeles. Malinis ang hallway, maririnig mo pa ang sariling hininga at yabag. Ilang hakbang pa lang mula sa pinto ng opisina ni Sir Daniel, abala ako sa pag-aayos ng folder—ayaw ko kasing makuyom ang mga papel, at gusto kong maayos itong maisubmit sa HR. Hindi ko namalayan na may paparating din mula sa kabilang direksyon. Wala man lang babala. At bago ko pa maiangat ang ulo ko— Bang! “Ah!” Napa-atras ako. Hawak ko agad ang braso ko na bahagy

