Chapter 14 Jennifer Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa parking lot sa gilid ng coffee shop. Ang alam ko lang, tuloy-tuloy ang paglakad ko, dala ng luha at sakit, dala ng bawat salitang binitawan ni William na parang sibat sa puso ko. Mabilis akong pumasok sa loob ng sasakyan at pinahururot ko ito. Hindi ako tumuloy sa condo unit ko. Bagkus tumuloy ako sa dati naming apartment na tinitirhan namin na binili rin ni Papa. Pagdating ko roon umupo ako sa upuan sa ilalim ng puno. Ang langit ay unti-unti nang dumidilim, pero wala akong lakas para tumayo. Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang mga sinabi niya. "Ikaw ang dahilan kung bakit si Raynier ay agaw-buhay ngayon." Umaalibgawngaw pa rin sa isip ko ang mga panunumbat at paninisi ni Willam sa akin. Ang lalaki na dati ay halos ay

