CHAPTER 67 Jennifer Paglabas namin ni Katrina sa hotel function room, ramdam ko pa rin ang bigat ng hangin na iniwan doon. Tahimik kaming naglakad sa pasilyo, habang ang yabag ng mga sapatos namin ay umaalingawngaw sa marmol na sahig. Hawak ko ang kamay niya, mahigpit—para bang baka may biglang sumunggab sa kaniya kung bibitawan ko. Nilingon ko ang kapatid ko. Maputla pa rin ang mukha niya, payat, ngunit may kakaibang ningning sa mga mata. Para bang sa unang pagkakataon, nakahinga siya nang maluwag. “Ate…” mahina niyang tawag, halos bulong. Napahinto ako at hinintay siyang magsalita. Nakita ko kung paano siya napatingin sa sahig, bago muling tumingin sa akin. “Salamat. Hindi ko akalaing kaya mong gawin ‘yon—ang talikuran ang lahat, para lang sa akin.” Pinilit kong ngumiti, kahit sa l

