Episode 8

2030 Words
Chapter 7 Jennifer Sakay ang lumang suv minaneho ko ito pabalik sa Holand. Matagal na itong nakaimbak sa garahe. Ginamit ko na lang para masubukan kung okay pa. May bagong sasakyan naman kasi si Papa na binili. Gusto niya na nga sanang ibinta ito, pero nakiusap lang ako sa kanya. My sentimental value kasi ang sasakyan na ito. Ang pinangbili rito ay ang ipon ni Mama, para sana sa pag-aaral ni Katrina. Labing siyam na taon na si Katrina. Para sa akin isa pa rin siyang bata. Batang musmos na walang alam. Pero hindi ko namamalayan. Dalaga na siya. Maganda,.maputi, matangos ang ilong. Ang mga mata niya nakuha niya kay Papa. Pero hindi pa rin matanggap ni Papa na anak niya si Katrina. Iniisip niya pa rin na pinagtaksilan siya ni Mama. Noong umalis kasi si Papa pumunta ng Amerika, may nangyari pa sa kanila ni Papa at ang bunga nga ay si Katrina. Minsan kasi may pagkabobo rin ang utak ni Papa. Nadadala siya sa mga impluwensya sa mga taong nakapalibot sa kanya. Bago ako tumuloy sa Holand, dumaan muna ako sa bayan ng San Agustin. Hindi ko rin alam kung bakit ako bumaba. Ang plano ko lang naman ay dumaan sa bayan ng San Agustin para bumili ng gamot sa migraine at kape. Pero ang totoo gusto ko rin bumili ng tinapay. May masarap kasi na tinapay rito ako na binabalik-balikan kapag nandito ako sa San Agustin. Pero habang binabaybay ko ang makitid na kalsada ng San Agustin, may kung anong pakiramdam na parang hinahatak ako pabalik. Hindi ng lugar, kundi ng kung anong hindi ko pa alam. Mainit ang hapon. Walang masyadong tao sa kalsada. Tumatakbo ang orasan pero pakiramdam ko bumabagal ang paligid. Pumarada ako sa tapat ng maliit na botika. Bumili ako ng paracetamol at tubig. Pagkalabas ko ng tindahan, may naramdaman akong pares ng mata sa likod ko. Yong pakiramdam na parang may sumusunod, pero paglingon ko, wala namang tao. Nilakad ko ang ilang hakbang pa, patungo sa sasakyan, pero bago ako makapasok, isang tinig ang pumigil sa akin. “Miss Jennifer?” Napalingon ako. Lalaking nasa dalawampu’t lima, moreno, may manipis na bigote, at suot ang maong jacket kahit tirik ang araw. Hindi ko siya kilala. Pero iba ang tingin niya sa akin—hindi bastos, hindi mapanukso. May laman. May bigat. “Ako nga,” sagot ko, bahagyang naiilang. “May kailangan ka ba?” Lumapit siya ng kaunti, pero hindi masyadong dikit. “May dapat kang malaman,” sabi niya. “Tungkol kay Mario Morales. Sa tatay mo.” Napatingin ako sa paligid. Walang ibang tao, pero ang dibdib ko, biglang bumilis ang t***k. “Kung reporter ka—” “Hindi ako reporter,” mabilis niyang sagot. “Hindi rin ako scammer. Hindi ako lalapit kung hindi importante ‘to.” Tahimik ako. Hindi ko alam kung tatakbo ako o makikinig. Pero nanatili akong nakatayo. “Alam mo bang involved ang ama mo sa isang malawakang sindikato noong dekada nobenta hanggang early 2000s? Front lang ang RCA noon. Sa ilalim noon may illegal smuggling, tax fraud, at customs manipulation. Pinalinis na lang ang record dahil... well, may bayad ang katahimikan ng gobyerno.” Hindi ako agad nakasagot. Parang may kumalabog sa dibdib ko. Hindi ito bago sa akin. May mga bulung-bulungan na rin dati. Pero wala akong patunay. Wala akong kinapitan. Ayaw ko ring maniwala. Kasi kahit papaano, gusto ko pa ring isipin na kahit masama ang ama ko, hindi siya kriminal. Alam ko rin na may dati siyang kumpanya na hinahawakan. Pero ibinenta niya ito. At ang iniisip ko nga baka ito ang RCA. Binuksan ng lalaki ang jacket niya. May kinuha siyang envelope. Luma na, at may mantsa pa ng tubig. Iniabot niya sa akin. “Wala akong panahon para ipaliwanag lahat. Pero ito, basahin mo. May mga dokumento d’yan—isa sa mga biktima ay kaibigan ng nanay ko. Sinira ng tatay mo ang pamilya nila.” Kinuha ko ito, may pag-aalinlangan, pero mas nangingibabaw ang takot. Nang binuksan ko ang envelope, bumungad ang lumang litrato—si Papa, kasama ang ilang banyaga sa harap ng warehouse. Sa likod, may dokumentong may pirma niya at red stamp: Investigation Pending. “Bakit mo ‘to binibigay sa akin?” tanong ko. “Sino ka ba talaga?” Sandaling natigilan ang lalaki. Parang may sasabihin pa siya, pero napalingon siya sa kaliwa. Para bang may nakita. Nanigas ang katawan niya. “Pasensya ka na. Hindi pa ngayon. Delikado.” “Hoy—sandali! Hindi ka pa sumasagot!” Lumingon siya muli sa akin. Kita ko ang pag-aalinlangan sa mga mata niya. "Jeff, ang pangalan ko. Abangan mo ang email ko," sabi niya at mabilis na siyang naglakad papalayo. At bago ko pa siya mahabol, tumakbo siya. Nawala sa likod ng isang lumang karinderya. Nanatili akong nakatayo, hawak ang envelope, parang estatwa. Nanginginig ang kamay ko. Pumasok ako sa loob ng sasakyan. Hindi ko na namalayan na humuhulas na pala ang pawis sa batok ko, kahit naka-aircon ang SUV. Pagkaupo ko sa driver's seat, binuksan ko agad ang phone ko. Naka-on na ang data. Walang ilang minuto, may notification. 1 New Email Sender: elijahtruth1979@protonmail.com Subject: Kapag handa ka na. Pinagpawisan ako ng malamig. Binuksan ko ang message. Walang body. Wala ni isang salita. Pero may naka-attach na PDF file. Ang file name: morales_dirty_list.pdf Hindi ko alam kung bubuksan ko ba. Hindi ko alam kung gusto ko pa bang malaman ang mga sunod-sunod na kasinungalingan ni Papa. Pero isang bagay ang sigurado: May mas malalim pa pala akong kailangang harapin. Sa buong biyahe pauwi, hindi ko na muling binuksan ang envelope. Nakatupi lang siya sa loob ng bag, parang bomba na naghihintay ng oras para sumabog. Gusto kong paniwalaan na tapos na ang lahat, na makakabalik na ako sa dating katahimikan ng buhay ko sa Holand. Kahit pansamantala. Pero kahit saan ko dalhin ang katawan ko, dala ko pa rin ang bigat sa puso ko. Pagdating ko sa condo unit, bumungad sa akin ang malamig na katahimikan. Walang kaluskos, walang amoy ng kape, walang ingay ng trapik. Dito, dapat tahimik. Dito, dapat kalmado. Pero hindi. Sa loob ko, may bagyong hindi maawat. Inihagis ko ang coat sa sofa at dumiretso sa bintana. Sa labas, tanaw ko ang ilaw ng siyudad, mga building na tila walang pakialam sa mundong gumuho sa loob ko. Paglingon ko, nakita ko ang envelope na iniabot ng lalaking nagpakilalang Jeff. Tahimik itong nakapatong sa ibabaw ng mesa, pero ang presensya nito, parang may sariling lakas ng loob na pasabugin ang buong katahimikan ko. Binuksan ko ang envelope. Hindi ko na kayang patagalin pa. Ang unang bumungad sa akin ay ang isang lumang larawan—si Papa, nakangiti sa tabi ng dalawang banyagang lalaki, nasa harap ng isang container van. Sa likod ng lirato, may nakasulat: na MNL at petsa. Sumunod ang mga photocopy ng dokumento: customs forms, shipping records, pirma ni Mario Morales sa bawat sulok ng papel. Hindi ako legal expert, pero sapat na ang nakita ko para maintindihang may mabigat na itinatago. Isang listahan ang sumunod. Mga pangalan, kompanya, at sa pinakailalim, may pulang bilog: "Veronica De Castro– San Luis Branch." Parang may kumalabog sa dibdib ko. Hindi ako sigurado kung dahil sa takot o sa pagkakumpirma ng hinala. Naalala ko ang sinabi ni Jeff sa San Agustin: “Isa lang siya sa mga biktima. Sinira ng tatay mo ang pamilya nila.” Hinayaan kong bumagsak ang mga papel sa lamesa. Isa-isa silang lumapag na parang patak ng ulan sa bubong sa gitna ng gabi—mga katotohanang hindi ko inaasahan pero alam kong kailangang harapin. Lumuhod ako sa sahig, itinukod ang mga siko sa gilid ng mesa, at tinakpan ng palad ang mukha ko. "Veronica de Castro," bulong ko, ulit-ulit. "San Luis Branch. Hindi ko alam kung sino siya. Pero alam kong hindi siya pangalan lang sa papel. Isa siyang buhay na tao, isang boses na maaaring may kuwento. Isa siyang biktima, sabi ni Jeff. Tumayo ako, huminga nang malalim, at binuksan ang laptop. Tila automatic na gumalaw ang mga kamay ko, hinanap ang pangalan sa Google, sa f*******:, kahit sa mga forum. Kailangan kong may malaman. Bingo. Isang lumang f*******: account. Profile picture: isang babaeng nasa mid-40s, morena, may matalas na titig. Background photo: beach sa San Luis Wala nang masyadong update. Pero may isang post na humatak ng atensyon ko—isang post na matagal na: "Kahit lumipas na ang panahon, hindi ko pa rin nakakalimutan ang taong sumira sa negosyo at pamilya ko. Hindi lahat ng 'malalakas' ay malilinis. Sana may araw rin kayo." May mga comment. Isang nagtanong, "Tungkol ba 'to kay Mario Morales?" Napasinghap ako. Halos mahulog ang kamay ko sa mouse. Hindi na ako nagdalawang-isip. I-click ko ang “Message.” Jennifer: Hi. I’m sorry for the random message. I’m Jennifer Morales… daughter of Mario Morales. Can we talk? Nag-send. Seen. Walang reply. Pinanood ko lang ‘yon ng ilang minuto. Hanggang sa dumilim ang screen ng laptop, at ako'y naiwan sa repleksyon ng sarili kong gulo. Lumipas ang oras. Hindi ko alam kung ilang minuto, o oras, o baka buong gabi na. Pumikit ako sandali pero ramdam ko pa rin ang bigat ng pangalan sa likod ng mga papel. Hanggang sa may notification. Tumunog ang cellphone ko. Unknown Email: From: Elijah. Subject: He didn't just ruin my family. He ruined my life. Nanigas ako. Elijah. Jeff ang pangalan niya nang una kaming nagkita. Pero totoo pal ang hindi ‘yon ang tunay niya. Binuksan ko ang email. From: Elijah Velasquez To: Jennifer Morales Subject: He didn’t just ruin my family. He ruined my life. Jennifer, Alam kong binuksan mo na ang envelope. Siguro nagtataka ka pa rin kung bakit ako nagpakilala bilang Jeff. I had to. Kung sinabi ko agad kung sino talaga ako, baka hindi mo ako pinakinggan. Hindi ko intensyon na saktan ka. Pero kailangan mong malaman ang totoo. Ang totoo tungkol sa tatay mo. Noong 2003, may illegal shipment na dumaan sa San Luis Port. Isang operasyon ng kompanyang pagmamay-ari ni Mario Morales ang sangkot. Ang tatay ko, si Mang Elias, isang warehouse manager noon. Pinagbintangan siyang utak ng operation, kahit wala siyang kaalam-alam. Pinaalis siya sa trabaho. Inimbestigahan. Dinakip. Tinorture. Hindi kinaya. Lumayas ang nanay ko. Naiwan akong mag-isa. Simula noon, buhay ko na lang ang paghahanap ng hustisya. Pero ang nakakatawa, ikaw ang una at nag-iisang anak ng taong kinasusuklaman ko na... nagtanong. At alam mo kung bakit kita pinuntahan? Kasi gusto kong malaman kung totoo kang anak ng demonyong 'yon. Gusto kong makita kung meron ka ring kasinlalamig ng puso niya. Pero hindi. Hindi ikaw si Mario Morales. Gusto kong makita kung kaya mong harapin ang katotohanan. Makikipagkita ako ulit sa'yo. Kung handa ka. – Elijah (a.k.a Jeff) Natigilan ako. Parang may sumundot sa puso ko, malalim, at diretso. Hinawakan ko ang dibdib ko, sinusubukang pigilan ang biglaang paninikip ng hininga. Hindi ko alam kung galit ang nararamdaman ko, awa, o hiya. O baka lahat nang sabay-sabay. Masakit bilang isang anak na alam ko na may mga illegal na ginagawa si Papa. Pero mas masakit pa pala kamukha sayo ng ibang tao na anak ka ni Mario Morales . Pero hindi ako ang anak niya. Pero kailangan kong protektahan si Katrina. Kailangan ko siyang itago sa mga taong naging biktima ni Papa.. Hindi bale ako na lang ang sumalong lahat ng galit nila, huwag lang si Katrina. Tumayo ako. Pumasok sa banyo. Naghilamos, tumitig sa sarili sa salamin. Pula ang mata ko, namumugto sa lahat ng hindi ko pa nailalabas. "Oo, anak ka niya," bulong ko. "Pero hindi ibig sabihin na ikaw din siya. Wala ka lang niya sa mata ng mga tao. Pero wala kang dugong nananalaytay sa kaniya." Pero paano kung dala ko ang apelyido niya? Paano kung lahat ng pagkakamaling iniwan niya ay kasamang nakasulat sa apelyido ko? Bumalik ako sa sala. Tinignan ulit ang screen. Jennifer: Where do we meet? Tumunog agad ang reply. Elijah: Tomorrow. 2 PM. Greenbean Café, Park. Holand City. Hindi ko pa alam kung anong mangyayari bukas. Pero ito na ‘yon. Ito na ang simula ng lahat ng katotohanang tinatakbuhan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD