Episode 10

2012 Words
Chapter 10 Jennifer Habang papalabas ako ng gusali ng RCA, napatingala ako sa mataas na salamin nito. Tila sinasalamin din ang mundong ginagalawan ko ngayon. Isang mundo ng kapangyarihan, impluwensya, at panlilinlang. Isa akong pawn sa laro ng ama ko. Ginagamit, tinutulak, pinapaikot. Akala niya hindi ko alam. Akala niya habang sumusunod ako, ay sunod na rin ang loob ko. Pero ang hindi niya alam—pinagmamasdan ko ang bawat galaw niya. Ang bawat bitaw niya ng salita ay tila isa-isang piraso ng puzzle na unti-unti ko nang nabubuo. At kahit pawn lang ako ngayon, balang araw, ako ang magiging reyna sa board na ito. Hindi para sa kanya. Hindi para sa pamilya. Kundi para sa sarili ko. Sa mundong ito wala akong ibang kinakapitan kundi ang sarili ko. At dito magsisimula ang tunay kong kwento. Pagkagaling ko sa RCA tumuloy ako sa isang restaurant. Hindi ko rin alam kung anong eksaktong nagtulak sa'kin na pumasok sa restaurant na 'to. Siguro pagod na lang ako sa lahat. Sa dami ng tanong na wala pa ring sagot, sa bigat ng mga matang nakatingin sa'kin sa RCA, sa paulit-ulit na paghihintay sa mga message ni jeff na hanggang ngayon hindi pa rin nagre-reply sa mga email ko. Nag-order ako ng pagkain. Nang ibinigay nito ng waiter nagsimula na rin akong kumain na mag-isa. Pero hindi ko inaasahan nasa dami ng araw at lugar, dito ko pa makikita si Allysa. Dati kong best friend. Dati kong kakampi sa lahat ng gulo ng mundo. Hanggang sa isang araw, para kaming naging estranghero sa isa't isa. Nagtagpo ang mata namin. At gaya ng dati, siya pa rin ang naunang lumapit. "Jen?" Napalingon ako, bahagyang nabigla. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Pero tumango lang ako at ngumiti ng kaunti. "Hi." Nakangiti rin siya. Medyo alanganin, pero nagawa niya pa rin ngumiti. "Kumusta ka na ang tagal nating hindi nagkita." Tanong niya habang nakatayo sa harap ko. "Oo nga. Ang daming nangyari," sabi ko. "Pwede ba akong umupo?" tanong niya. Mahinhin at kalmado. Tumango ako. "Oo naman." Umupo siya sa harap ko, dala-dala ang brown paper bag. Tahimik kami ng ilang segundo, parehong hindi alam kung paano sisimulan ang usapan. Parang ang daming gustong itanong, pero hindi mo alam kung saan magsisimula. "Kamusta ka na?" tanong niya sa wakas, sabay titig sa akin. "Ang tagal ko ng walang balita sa'yo." "Okay lang ako. Heto ka papasok ko lang sa RCA. Entry level. Ikaw kumusta? Kumusta ang buhay may asawa?" tanong ko sa kaniya. "Wow. Hindi ko akalaing papasok ka ro'n. Heto okay lang kahit medyo mahirap. Hindi ba... si Mario..." Tumango agad ako. Ayaw ko ng patapusin ang sasabihin niya tungkol sa ama ko. "Oo. Siya ang nagpapasok sa akin sa RCA. Pero hindi ko ito ginagawa para sa kanya, hindi ginagawa ko ito para sa sarili ko. Sa amin ng kapatid ko, si Katrina." Tumango rin siya, parang nauunawaan ako. "Alam mo, kahit ganito tayo ngayon... masaya ako para sa'yo." "Salamat," sagot ko, at totoo naman. "Ikaw? Kamusta ka?" "Ilang taon na rin kaming kasal ni Gabriel." Tipid akong ngumiti sa kanya at tumango. Si Gabriel Moore, isang kilalang negosyante dito sa Holand. Mabuti nga hindi siya naging target ni Papa. Mayaman din si Gabriel Moore. "Congratulations. Pero bakit mag-isa ka lang?" tanong ko. Tahimik siya saglit. "Busy kasi si Shiena. Tapos ikaw busy rin. Hindi na tayo katulad nung nag-aaral pa tayo. Lagi tayo laman ng bar. Pero ngayon maraming nagbago. Kapag may pamilya ka na o asawa, lahat magbabago," malungkot niyang sabi sa akin hindi ko alam kung bakit. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Masaya ako para sa kanya. Pero nasasaktan din ako sa friendship namin. "Masaya ako para sa'yo, Lys," sabi ko sa wakas. "Gano'n talaga lahat nagbabago." Ngumiti siya. Malambot. Hindi na siya 'yong Allysa na palaban at puno ng drama. Mas kalmado na siya ngayon. Mas kalmado na siya ngayon, mukhang hindi na rin masyadong maldita. Siguro nakapag po rin siya ng katapat niya, sa ugali niya. At si Mr. Moore, ang lalaking katapat ng ugali niya. At habang tinititigan ko siya, hindi ko maiwasang maalala kung paano kami dati. Lagi kaming magkasama. Tawanan, iyakan, kalokohan—lahat 'yon pinagsaluhan namin. Hanggang sa isang araw, bigla na lang siyang lumayo. Siguro umiwas na siya sa akin dahil hindi na ako ang boyfriend ng pinsan niyang si Liam. Simula ng maikasal si Liam, sa asawa nito. Unti-unti na rin lumalayo sa akin si Allysa. Pero pinagsalamatan ko rin iyon. Ayaw ko rin siyang madamay sa mga binabalak ng aking ama. "Jen?" Mahina ang boses niya, pero ramdam ko ang bigat. "Alam kong ang tagal kong nawala. At hindi ako umalis ng maayos. Pero gusto kong malaman mo, hindi kita kinalimutan." Napatingin ako sa kanya. Nakayuko siya, parang hindi sigurado kung kaya niyang sabihin ang mga susunod na salita. "Hindi mo ako kinausap noon," sabi ko. Diretso, walang galit, pero puno ng tanong. "Ni hindi mo ako binalikan kahit isang mensahe. Hindi mo man lang ako nilinaw kung bakit bigla ka nagbago?" Tumango siya, marahang pinahid ang gilid ng mata. "Alam ko. At ang dami kong gustong ipaliwanag noon pa. Pero natakot ako. At to be honest, nahirapan din ako sa sarili kong gulo. Sobrang gulo ko noon, Jen." Hindi ako agad nagsalita. Hinayaan ko lang siyang magsalita, kasi sa totoo lang, ito na rin ang matagal ko nang gustong marinig. "Marami kasi ang nagbago sa buhay ko, simula noobg ikasal ako kay Gabriel. Pero hindi ibig sabihin na wala tayong komunikasyon ay nakalimutan na kita." Napalunok ako. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman. Kasi may parte pa rin sa'kin na nasaktan. Pero may parte rin na nauunawaan siya. "Gano'n talaga siguro. Naging mas malapit kayo ni Miss Hemenez. Pero nauunawaan ko," sabi ko sa kanya at bahagya ngumiti. Hindi ko maiwasan na hindi makaramdam ng selos. Isa si Miss Crystal Hemenez, ang naging matalik niyang kaibigan. "Pasensya ka na. Hindi ko na mababawi ang mga panahong nawala ako," patuloy niya. "Pero kung may pagkakataon pa… gusto kong maging parte ulit ng buhay mo. Kahit hindi tulad ng dati. Kahit bilang kaibigan lang." Tahimik ulit. Tanging tunog ng kutsarang humahampas sa baso mula sa kabilang mesa ang maririnig. "Ang dami nang nagbago, Lys." Sabi ko. At hindi ko siya ilalagay sa alanganin. Mas gustohin ko pang mas malayo siya sa akin. "Alam ko," mabilis niyang sagot. "Pero baka pwedeng magsimula ulit. Baka pwedeng subukan ulit." Napabuntong-hininga ako. Inabot ko ang baso ng tubig sa harap ko, uminom ng kaunti, saka siya tinitigan. "Ako rin naman. Hindi ko rin alam kung saan ako magsisimula. Sa dami ng nangyayari sa paligid ko. Sa buhay ko. Sa sarili ko. Hindi ko rin alam kung kaya ko pa magdagdag ng isa pang bagay." Tumango siya. "Gets ko. Hindi kita pipilitin. Gusto ko lang malaman mo na andito pa rin ako, kung sakaling kailangan mo." At doon ko siya muling nakita. Hindi bilang estranghero, kundi bilang Allysa na nakilala ko noon—ang kaibigan kong handang umunawa. "Pwede bang yakapin kita?" tanong niya. Tumango ako, at sa unang pagkakataon matapos ang matagal na panahon, nagyakap kami. Mahigpit. Totoo. Pagkatapos ng yakap na 'yon, pakiramdam ko, nabawasan kahit paano ang bigat na dala ko. "Baka gusto mong mag-coffee minsan?" alok niya. "I mean, wala namang pressure. Catch up lang." "Sure," sagot ko. Subalit ang totoo natatakot ako. Natatakot akong mapalapit muli sa kaniya. Ang kinakatakutan ko, lahat ng mga tao na malalapit sa akin nagiging delikado ang buhay dahil sa aking àma. Pagkatapos ng yakapan nagpaalam siyang umalis. Naiwan akong nakaupo pa rin sa mesa. Hawak ang baso, nakatingin sa malayo. Ang daming tanong na tumatakbo sa isipan ko. Kay Jeff, kay Katrina, at sa bagong iniutos sa akin ng aking ama. Ang pagpasok ko sa RCA. At ang gusto niya akitin ko si Reynold Johnson. Hindi ko alam kung kakayanin ko pa ba ang mga iniutos ni Papa. Kung hanggang kailan ako magiging sunod-sunuran sa kaniya? Hindi ko kayang buksan ngayon ang muling pakikipagkaibigan ni Allysa sa akin. Mas gusto ko pa rin na malayo siya sa akin. Minsan ng tinangka ni Papa, ang buhay ng pinsan ni Allysa na si Liam. Hindi hindi ko ipapahamak ang kaibigan ko. Pero sa likod ng lahat, isang imahe pa rin ang hindi mawala sa isip ko. Si Daniel Carters. Hindi ko maipaliwanag kanina ang naramdaman ko ng makita ko siya kanina. Hindi ito pakiramdam na sa unang kita mo pa lang ay na love at first sight ka. Basta hindi lo maipaliwanag ang naramdaman ko. Pagkatapos kong kumain naglakad-lakad pa ako sa park. Umupo ako sa isang bench. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ko si Danica. Ilang sandali pa, nasa kabilang linya na siya "Ate Jen, kamusta ka? Kayo ni Katrina?" Saglit akong napabuntong hininga bago sinagot ang tanong niya. "Ayos lang ako, Dan. Kumusta kayo ni Tita Joyce? Naroon si Katrina sa San Fernando." "Ganun ba? Pinapatanong ni mama kung tumalura kayo sa libing nang Tito Ramon niyo," sabi nito sa akin. Parang malungkot ang boses niya "Ako lang ang dumalo. Hindi ko na pinapunta si Katrina. May problema ba?" tanong ko sa kabilang linya. Napakunot ang noo ko. May kakaiba sa boses niya—hindi ito ang palaban at kumpiyansang Danica na nakilala ko. May bigat, may lungkot, may pagod sa boses niya. "Danica, okay ka lang ba?" tanong ko, tumayo ako at naglakad-lakad sa may damuhan, layong walang makarinig sa pag-uusap namin. Tahimik siyang bumuntong-hininga sa kabilang linya. "Ate Jen… mula kahapon, hindi na nakatawag si Jeff sa ’kin," ani Danica, mahina at garalgal ang tinig. Napatigil ako. "Kahapon?" Tumingin ako sa paligid na parang may makikita akong sagot. "Baka lang busy siya?" Umiling siya, kahit hindi ko man siya makita, ramdam ko ito sa tinig niya. "Hindi siya gano'n. Alam ko kapag may conflict sa schedule. Nagpaparamdam pa rin kahit papaano. Pero ngayon? Wala. Ni isang text." Kinuyom ko ang palad ko. Ramdam ko ang unti-unting pagbigat ng dibdib ko. May gumagapang na tensyon sa katawan ko na hindi ko na kayang isantabi. Ayaw ko sanang itanong, pero kailangan. Kailangan ko nang makasiguro. "Danica," maingat kong simula, "si Jeff... Elijah Ruiz ba ang boyfriend mo?" Saglit siyang natahimik. Pagkatapos ay bigla siyang sumagot, may halong pagtataka. "Ha? Oo. Si Jeff Elijah Ruiz. Bakit mo natanong?" Hindi ako agad nakasagot. Parang may nanlamig sa buo kong katawan. Iisa nga. Jeff. Elijah. Isa lang ang taong iyon. At tama nga ang hinala ko na boyfriend siya ni Danica. Hindi ko napigilang tumigil sa paglalakad. Nakatingin ako sa lupa, pinipilit intindihin ang mga koneksyon sa isip ko. Ang Jeff na hinihintay ko sa restaurant, hindi ko alam kung ano ang alam niya sa lahat ng mga illegal na ginagawa ni Papa. "Ate Jen? Okay ka lang?" tanong niya, halatang may halong pag-aalala. Huminga ako nang malalim. Pilit kong pinanatag ang sarili ko. "Oo, nagulat lang ako. Kasi may kakilala akong kapangalan niya." Tahimik siya. Pero ramdam ko ang pagdududa. Hanggang sa muling nagsalita. "Ate, May alam ka ba tungkol kay Jeff? May nangyari ba?" Umiling ako, kahit alam kong hindi niya ako nakikita. "Wala, baka hindi naman siya iyon kilala ko nakapangalan niya." Tahimik kami pareho. Ako, nakatitig sa mga gumuguhit na ulap sa langit. Siya, malamang nakatingin sa screen ng cellphone niya, naghihintay ng kahit anong mensahe mula kay Jeff. "Ate, kinakabahan ako." basag niya sa katahimikan, "parang iba ang kutob ko." Napakagat ako sa aking labi. "Alam ko namang hindi siya perpekto. May mga bagay siyang hindi agad sinasabi. Pero ngayon..." narinig ko ang hikbi ni Danica. "Pakiramdam ko, may tinatago siya sa akin." Hindi ko na kayang magpigil. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin kay Danica, ang pag-uusap namin ni Jeff noong nakaraan. "Danica, huwag kang mag-isip ng kung ano. Baka busy lang ang tao." "Sana nga Ate, gano'n lang. Pero hindi naman siya gano'n." Hindi ko alam kung paano ko pakal mahin ang damdamin ni Danica. Sana nga lang walang may nangyaring masama kay Jeff.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD