Ella's POV Ilang araw ang dumaan na halos kasing-bilis lang ng kidlat. Ngayon, isang araw na lang, pero hindi pa rin ako makakapag-decide. Naiinis na ako. Bakit ba nangyayari ito? Bakit ba kailangan kong pumili sa dalawa na pareho kong kailangan? “Ella, bumaba ka na, mali-late na tayo.” Narinig kong sigaw ni Manang Selma mula sa baba. Ma-late? May pupuntahan kami? Walang ganang bumaba ako. “Saan po tayo pupunta?” tanong ko. “Sa park,” maikling sagot nito. Wala ako sa mood para mamasyal. May malaking problema pa akong kailangang lutasin. “Hindi na lang po ako sasama… masama po ang pakiramdam ko,” saad ko. Totoo naman, masama talaga ang pakiramdam ko dahil sa kaiisip buong magdamag. “Gano’n ba? Oh, segi, maiwan ka na lang dito at uminom ka na agad ng gamot ha? Oh s’ya… aalis na kami.”

