MAID
Ella's POV
"Ma'am! Ma'am, gising po!" Nagising ako sa yug-yug ng kung sino. Minulat ko ang mga mata ko at tumambad sa akin ang mukha ni Manong Driver.
"Nandito na po ba tayo?" tanong ko at nagkusot ng mata.
"Hindi pa po. Na-siraan po tayo, kaya bumaba po muna kayo," wika niya. Ah, gano’n pala?
Tumango na lang ako at binitbit ang gamit ko at bumaba ng bus.
Marami palang tao na naghihintay dito katulad ko. Naiinip na ako—dalawang oras na at hindi pa rin natatapos. Hayst.
Bigla na lang nakaramdam ako na parang may puputok sa tiyan ko—parang tawag ng kalikasan yata ito. Dali-dali akong tumakbo sa talahiban at doon inalabas ang “ginto” ko. Solve! Tumayo na ako. Nagulat ako nang sumulpot ang isang lalaki sa kabilang side ng talahiban.
Sinilipan niya ba ako? Gago ‘to ah!
"Hoy!" bulyaw ko.
"Yes?" tanong pa nito. Aba’t may pa-English-English pa ah.
"Bastos ka ah! Sinilipan mo ‘ko!" sambit ko habang may hawak pang stick para hampasin siya.
"I'm sorry? What?" Inosenteng tanong nito. Hindi talaga ito titigil sa pag-e-English eh.
"Don't what-what me, ha! You… you ah—" Hindi ko alam ang susunod na sasabihin. "Ah basta umain ka! You silip-silip me noh?" ani ko na ikinatawa niya.
"Marunong ka ba talagang mag-English? Miss WhoAreYou?" sabi niya pa. Ako? Oo, marunong ako mag-English noh. "Hoy! For your information, marunong akong mag-English!" taray ko at naglakad na paalis.
"At hindi WhoAreYou ang pangalan ko!" habol ko habang tumalikod.
Pagbalik ko roon, sakto naman na papaalis na ang bus. Papasok na sana ako nang pumasok rin ‘yong lalaki kanina. Hindi ko na lang ito pinansin; sumakay na rin ako at umalis na ang bus.
Nakarating ako sa bahay ng amo ko. Isa akong katulong na lumuwas lang ng Maynila para magtrabaho dahil na rin sa kahirapan sa probinsya. Kaya heto ako ngayon, magbabasakali dito sa Maynila.
Pinindot ko ang doorbell at naghihintay na lang na buksan ang gate nila nang makita kong naka-sunod sa akin ‘yong lalaki kanina. Teka-teka, sumusubra na ‘to ah—malapitan nga.
"Hoy! Kanina ka pa sunod-sunod sa akin ah! Mag-nanakaw ka noh? Kung balak mong nakawan ako, aba wala kang makukuha," saad ko habang nakataas ang kilay.
"Tsk. Excuse me," sabi niya at binunggo pa ako. Bumukas ang gate at pumasok… siya? Luh. Pumasok na rin ako, wala talaga akong tiwala sa lalakeng ‘yon. May balak siyang masama sa bahay ng amo ko.
Pagpasok ko sa loob, biglang nawala na lang sa paningin ko ang lalaki. Sandali, i-describe ko siya: matangkad, medyo payat, at medyo pareho lang kami ng age. May itsura—I mean, lahat naman ng tao may mukha. Ang ibig kong sabihin: gwapo siya, tapos parang may lahing Americano o ano! Ah, basta.
Umupo ako sa sofa habang hinihintay ang amo ko. Ngayon ko lang siya ma-meet kaya dapat maganda ako, siyempre. Kinuha ko ang powder at perfume sa bag ko at ang maliit kong salamin. Sinuklay ko ang curly hair ko at nagpaganda. Nang makuntento na ako, ibinalik ko ito sa bag.
"You must be the new maid." Napa-angat ang tingin ko sa babaeng naka-pula. Ang ganda niya. Kaso seryoso ang mukha.
"Opo! Ako nga po! Ella Balona po pala," pagpapakilala ko. Naglahad ako ng kamay pero tiningnan niya lang ito kaya napilitan akong bawiin.
"Come… I want you to meet my son," wika ng yaya niya na agad kong sinunod. Habang naglalakad sa sobrang laki nilang bahay, pinag-usapan namin ang tungkol sa sweldo ko at ang kailangan kong gawin dito. Madali lang naman ang trabaho ko—magbabantay lang sa kasing-edad ko rin. Ang hirap talaga sa mga mayaman, kahit malaki, pina-babantayan pa rin.
"Mom?" Nabaling ang atensyon ko sa lalakeng naglalakad papunta sa amin. Teka…
"He is my son. Son, she is your new maid." Kahit ang pagpapakilala niya sa akin ay malamig, hindi iyon ang nauna sa pansin ko—kaagad nagbago ang mood ko nang makilala ang sinasabi niyang anak.
Hindi ako makapaniwala. Sya? Kunot-noo at inis na tinitigan ko itong lalakeng ‘to. Naka-taas pa ang kilay niya at naka-evil smile pa. Ngayon pa lang, masasabi ko na hindi magiging maganda ang bawat araw ko.