Ella's POV
"Ella, tawagin mo na nga si James sa taas," utos ni Manang Selma. Tumango na lang ako at umakyat na sa kwarto ni James.
Binuksan ko ang pinto, walang tao. Binuksan ko ang CR, wala ring tao. Nasaan na 'yon? Hays. "What are you doing here?" Halos mapa-tili ako sa gulat nang magsalita ito sa likuran ko. "Eh kasi si—my ghad!" Mabilis akong tumalikod sa kanya dahil naka-towel lang ito at walang damit pang-itaas.
"Get out."
"H-ha? K-kasi—"
"Get out!"
"Oo nga, eto na oh, aalis na. Bwesit! Bumaba ka...na." Nanginig ang boses ko nang lumapit ito sa akin. "A-a-ano..." Bakit ba ako nauutal? Nagtaas ito ng kilay. Nagulat naman ako nang magtaas ito ng isang kamay at mas lalo pang dumikit sa akin. Kadiri.
"H-hoy! A-anong gagawin mo?" Nanginginig na ang boses kong tanong. "M-may balak kang masama noh?" Dugtong ko. Napa-iling lang ito at tumingala. Ano naman ang tinitingnan niya sa taas?
"Hindi ka pa ba aalis dyan? Hindi ko makuha 'yong rubber shoes ko sa taas ng cabinet oh," reklamo niya. Ngayon ko lang napagtanto na hinaharangan ko pala ang cabinet niya kaya mabilis akong umalis.
Pinanood ko lang itong abutin niya ang kanyang rubber shoes sa pinaka-taas na bahagi ng cabinet. Nauna na akong bumaba sa kanya. Nasa hagdan ako nang lingunin ko ang kwarto niya at pasimpleng iniling ang ulo ko. Dirty-minded ka kasi, self, kukuha lang ng rubber shoes 'yong tao, kung ano-ano na ang iniisip mo. Hays.
Kulang lang 'to sa kain—mabuti pa kumain na ako.
"Oh, bakit ang putla mo?" tanong ni Manang. Mabilis naman akong umiling bilang sagot. "May...nangyari ba sa taas," dugtong nito. Napatingin naman ako sa kanya. "Wala po!" Tanging sagot ko. Bakit? Wala naman talagang nangyari ah.
"Let's eat?"
At sa wakas ay bumaba na nga ang hinayupak. Tinarayan ko siya at naupo na. Magkaharap ang aming upuan kaya nakikita kong nakasimangot ito.
"Ok ka lang, James?" tanong ni Manang kay James.
"Yeah," sagot nito at nagsubo ng kanin.
Akala mo kong sinong gwapo. Tsk.
---
"Don't be stupid, Ms. Balona."
"Batukan ko na lang kaya 'to."
"May sinasabi ka?"
"Wala!"
"Fix my things na!"
"Oo na po!"
Kainis. Aalis daw kasi kami papuntang probinsya. Pinasasama kasi ni Madam si James kay Manang Selma. Uuwi kasi si Manang Selma sa kanilang probinsya kaya sasama ako, of course. Si James at Manang Selma ay close na close pala kaya hindi siya nag-reklamo.
Tsaka narinig ko rin na parang parusa ito kay James dahil sa mga kung ano-anong ginagawa niya sa buhay niya. Suwail na anak kasi, halata naman. Kaya ngayon ipapadala siya sa probinsya para sakaling mabawas-bawasan ang sungay niya.
---
"So hot!" reklamong ni James nang makarating na kami sa bahay ni Manang Selma. Ang arte.
"Hindi naman seguro ako iitim dito 'noh?" dugtong pa niya. Kalalakeng tao, ang arte-arte.
"Pwede ba sir! Kahit ngayon lang, huwag kang OA. Probinsya 'to kaya obviously mainit," sagot ko.
"Alam mo, Ms. Balona? Kung kanina mo pa pinapasok ang mga gamit natin sa loob, edi sana ngayon tapos ka na ngayon, 'di ba?"
"Salamat sa paalala, sir ha! Kanina ko pa sana matatapos 'to kung tinulungan mo ako. Tamad ka kasi!" inis kong saad sa kanya.
"Alam mo, malaw-ay ka!" dugtong ko.
"Malaw-ay? Ano 'yon?"
"Salitang Bisaya 'yon. Sabihin mo... malaw-ay ako! Sabihin mo!" Utos ko sa kanya. Natatawa ako dahil para siyang oto-oto.
"Malaw-ay ako."
Palihim akong natawa dahil sinunod niya ang sinabi ko. Haha.
"Buti inamin mo! Haha!"
"Ano ba ang ibig sabihin noon?"
"Panget."
"What the hell?!"
Tawa pa rin ako nang tawa hanggang sa magseryoso ang mukha niya kaya umatras ako.
"Run." Lumamig ang boses niya, napa-atras ako lalo. "Joke kasi 'yon. Ikaw naman, wala kang sense of...h-humor."
"Run."
"Ahhhh!!!"