James POV
That Ella Balona, para siyang isang tinik sa lalamunan ko. Pero it's ok, hindi naman ako magtatagal dito, lalong-lalo na ang babaeng 'yon. I will make her leave sooner or later. Ayoko dito pero wala akong choice. Ganito ba talaga ang probinsya? Creepy. Idagdag mo pa ang mga tingin ng mga tao sa akin—ngayon lang ba sila nakakita ng gwapo?
Kahit gumamit ng banyo, natatakot ako. Baka may sumilip na lang bigla sa akin.
"Hoy! Psst! Hoy!"
"Bakit po, sir?"
"Samahan mo 'ko!"
"Saan?"
"Sa banyo."
"Ano? Nahihibang ka na ba?" Tanong niya, hindi makapaniwala.
"Hindi!" Tanging sagot ko.
"Eh bakit magpapasama ka sa banyo? Takot ka noh?"
"I am not!" Pagsisinungaling ko. Tiningnan pa ako niya ng taas at baba.
"Tara na nga! Sa labas ka lang naman eh!" Pagpipilit ko.
"Oh sya oh sya! Dalian mo ha?" Mabilis ko siyang hinila. Nakakatakot kaya dito.
"Saan kayo pupunta?"
"Sa banyo, magpapasama raw," sagot ni Ella kay Vince, anak ni Manang Selma.
"Ah sus. Anong gagawin nyo ro'n?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Bumaba ang tingin niya sa kamay kong nakahawak sa kamay ni Ella kaya mabilis ko itong tinanggal.
"Luh! Dirty-minded ka kuya ah!"
"Biro lang. Sige na, ako na lang ang sasama sa kanya, Ella. Bumalik ka na lang doon sa loob," tugon ni Vince. Mabilis namang tumango si Ella at umalis na.
Inakbayan ako ni Vince, at hinila na ako paalis.
---
Kinabukasan…
"Sir! Sir! Sir gising!" I open my eyes and I saw her freaking face.
"What?" inis kong tanong.
"Sabi ni Manang Selma, pwede raw tayong mamasyal dito!" Masayang sabi niya.
"Tsk." Mabilis kong kinuha ang unan at tinakpan ang mukha ko. I'm still sleepy.
"May plaza ba dito?" I asked.
"Ah—wala!" Tanging sagot niya.
"Wala naman pala eh. Bakit pa tayo papasyal?"
"Sir, for more information… hindi lang plaza ang pwedeng pasyalan, tsaka pwede ba kahit pa minsan-minsan huwag kang OA! Ha? Pwede?"
I rolled my eyes.
"Bla bla bla bla! Daming sat-sat," inis kong saad.
"Pwede ba huwag mong guguluhin ang araw ko—"
"Oo na. Tumigil ka na. Eto na nga, Madam oh, maliligo na. Bwesit. Parang ikaw na ang boss sa ating dalawa eh." Agad akong pumasok sa banyo at naligo na. Kainis talaga ang mga babae. Hindi mo maintindihan kung kelan sila galit.
---
Boring. Boring. Boring!
"Akala ko ba mamamasyal tayo? Eh parang binibilad mo naman ako sa araw eh!" Inis kong saad. Ang init sobra.
"Pwede ba? Ang arte-arte mo."
"Ano bang ginagawa natin dito? Kanina pa tayo palakad-lakad dito eh. Look, Ella, I'm tired!"
"Anong kanina? Ayon 'yong bahay ni Manang Selma oh, eh nandito pa lang tayo. Kung sana hindi ka maarte, sana kanina pa tayo nakarating sa pinupuntahan natin. May paupu-upo effect ka pa kasi!"
"Eh kasi nga hindi ako sanay sa probinsya. And one more thing… hindi bagay ang tulad kong gwapo para pa-initan mo lang dito noh!"
"Grabe! Ang lakas pala ng hangin dito 'no. Ang lamig nga eh. Sa sobrang lamig, masusuntukan ka na talaga sa akin sa sobrang OA mo!" Nagulat naman ako nang bigla itong sumigaw. Galit ba siya?
"Galit ka?" tanong ko.
"Ay hindi! Happy ako. Arg! Kung ayaw mong ipagsigawan ko sa buong mundo ang nangyari sa'yo roon sa sapa, susunod ka sa akin!" Kumunot naman ang noo ko sa pinag-sasabi ng babaeng 'to.
"Huh, anong nangyari?"
"Ah! Hindi mo matandaan? Pwes sasabihin ko… hoy kayo ryan, alam nyo bang nadulas si James sa sapa at nalag-lag yung—hmm." Mabilis kong tinakpan ang bibig niya.
"Shh! Tumigil ka nga—ahhh! Bakit mo 'ko kinagat? Masakit 'yon ah!"
"Tinakpan mo bibig ko eh!"
"Ang ingay mo kasi eh. Can you please shut your mouth?"
"Gagawin ko lang 'yan kapag susundin mo ako! Ano? Ayaw mo? Oh segi—"
"Oo na! Yes ma'am! Tara na po, Madam!"
"Good. Dito tayo. Bilis!" Utos niya. Batukan ko na lang kaya ang babaeng 'to.