HIS SECRET

915 Words
Ella's POV Kausap ko sa telepono si Madam, ang mommy ni James. Nangangamusta lang naman. "Wala ba siyang ginawang kung ano r'yan?" tanong nito, strikta talaga kahit sa tono ng pananalita. "Wala naman po, Ma'am," sagot ko. "Good. Siguraduhin mong mababantayan mo ang bawat kilos niya. Don’t let him do something useless again. And one more thing… do me a favor, Ella, tingnan mo sa lahat ng bags na dala niya kung may makita kang drawing book o kahit anong bagay na related sa stupid arts. Burn them for me." Natigilan ako sa iniutos nito. "S-sige po, Madam," sabi ko at ibinaba ko na ang telepono. Bakit pinapasunog niya? Against ba siya do’n? May kinalaman kaya ito sa dahilan kung bakit pinadala siya sa probinsya? Minabuti ko nang bumaba at kaagad na hinanap ang boss ko. "Manang Selma, nasaan po si sir James?" tanong ko sa kanya. Tumingin ito sa akin at agad na ibinalik ang atensyon sa kanyang hinihiwa. "Lumabas. Magjo-jogging daw eh." Tumango na lang ako at lumabas ng bahay. --- Tiningnan ko ang cellphone ko—8:28 AM na, wala pa rin siya? Grabe naman, kung mag-jogging ‘yong isang ‘yon. Hindi ako mapakali. Ilang beses na akong nagmamasid sa cellphone ko pero wala pa rin siyang text o tawag man lang. Baka kung ano na ang nangyari sa kanya roon. "Ella, bakit wala pa ang sir mo? Tumawag na ba?" Alalang tanong ni Manang Selma sa akin. Mabilis akong umiling bilang sagot. Bumalik ito sa loob at ako na lang ang natira dito sa labas, hinihintay siyang dumating. Mas lalo akong naging balisa nang makita ko ang oras—10:45 AM. Saan na ba siya? Baka naligaw na ‘yon. Hindi niya kabisado ang lugar na ‘to. Ilang beses kong sinubukang tawagan o mag-message man lang sa kanya pero hindi niya sinasagot. "Manang Selma! Manang Selma!" Mabilis kong binuksan ang gate nang marinig ko ang tumatawag sa labas. Nanlaki ang mga mata ko kung sino ang bitbit ng tatlong tao. Bakit ganyan ang itsura niya?! Agad namin siyang pinasok sa loob at ginamot ang mga sugat niya. Binugbog siya. "Ano ba ang nangyari sa kanya? Bakit ang dami niyang pasa?" Alalang tanong ko. "Napagtripan siya ng mga lasing sa daan kanina. Nakita na lang namin siyang nakahandusay sa daan. Mauna na kami." Tumango na lang ako at isinarado ang pinto. Ngayo’y pinupunasan ko siya ng maligamgam na tubig para gumaan ang kanyang pakiramdam. Kung makita mo lang ang pasa niya ngayon, ewan ko lang kung hindi ka maawa. Pa-simple akong natawa dahil sa mukha niya habang natutulog. Ang lakas pala niyang humilik. Marahan kong ginalaw ang buhok niya na naka-takip sa mukha. Natigilan ako nang mapalapit ang mukha niya sa akin. Ang cute pala niya sa malapitan. "Baka matunaw na 'yan sa kakatingin mo." Bigla akong napatayo dahil sa gulat. Kainis naman si Lyn oh. Si Lyn De Serra ang kakambal ni Vince De Serra, anak ni Manang Selma. "Ayeiii! Crush mo ‘no?" Tukso niya sa akin. Nakangiting umiling lamang ako. Baliw talaga ang putcha. Umupo siya sa tabi ko habang pinagmamasdan si James. "Alam mo ate Ella, ang gwapo pala ni kuya James kapag natutulog," manghang saad niya. "Crush ko siya!" Dugtong niya. Napatingin naman ako sa kanya. "Ang bata mo pa para magka-crush," sabi ko. "Anong bata? For your information, 17 na ako noh!" "Hay nako! Ewan ko sa’yo, bata ka pa." "Fiona? Fiona!" Rinig naming sigaw ni Manang Selma. "Aalis na ako, ate. Take your time with him… yeiii!" Mahina ko siyang pinalo sa balikat. ‘Tong batang ‘to, kung ano-ano ang sinasabi. Naramdaman ko ang pagbigat ng aking mata. Inaantok na ako. Makatulog nga. --- 1 hour later… "Ella? Ella!" "Ano ba? Natutulog ‘yong tao eh!" "Ella!" "Natutulog pa. Maya na!" "Stupid, ano ba?!" "Sinabi na natutu—ay, sir, gising na pala kayo." "Ay hindi tulog pa! Kita mo namang mulat na mata ko ‘di ba?" Kahit kailan talaga napakapilosopo nito. "Sabi ko nga gising ka na. Nagugutom ka ba? Gusto mong kumain? May masakit ba sa—" "Can you please make your mouth shut kahit ngayon lang?" Putol niya sa sinasabi ko. Concerned lang naman siya eh. "Ay sorry! Gusto mong kumain?" tanong ko. Tumango lang siya kaya mabilis kong kinuha ang nakahandang pagkain. Kumuha ako ng kunting kanin at ulam, sabay subo sa kanya pero lumaban siya. Ayaw magpasubo. "I can handle myself." "Kahit na. Alam kong masakit ‘yang mga sugat mo kaya nga—nga! Ah? Nganga!" "Ayoko nga sabi eh!" "Ayaw mo?" "Aya—ahhh! Ouch! It’s hurt!" Daing niya nang hawakan ko ang balikat niyang may bandage. "Ano ayaw mo?" pagbabantang ko. "Oo na! ‘Wag mo ngang hawakan, sakit!" Inis niyang reklamo. Wala naman na siyang magawa. Paulit-ulit ko siyang sinubuan hanggang sa malapit nang maubos ang pagkain niya. "Ano ba kasing nangyari sa’yo?" tanong ko pagkatapos siyang subuan. "None of your business," mabilis niyang sagot. "Of course it’s my business kasi kailangan kong sabihin lahat ng nangyayari sa’yo sa Mommy mo," sagot ko naman. Sumeryuso ang mukha niya. "Yeah, right. Tell her everything." Kahit hindi niya sabihin, alam kong sarkastiko iyon. "Alam kong wala akong karapatang magtanong pero—" "Then don’t ask." "Wala pa nga eh. Pero kasi curious ako—" "Curiosity will kill you, Ms. Balona." "'Wag na nga. Nambabara ka eh," suko ko. Natahimik na kami pagkatapos noon. Confirm, mukhang hindi nga sila ok ng Mommy niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD