James’ POV
Noong una, ang balak ko lang ay paibigin siya para makaganti kay Chance. Pero ngayon, hindi ko na alam ang nararamdaman ko. I can’t fall for her. Not now.
Hindi pwedeng magkagusto ako sa babaeng 'yon. Like... she’s not even that beautiful. Madaldal pa, hambog, feeling boss, at maingay na annoying and stupid. So why would I even fall for her? She’s not my ideal girl.
"Hindi mo siya gusto, okay?" parang baliw na sabi ko sa sarili. "James, remember, you used her. Don’t fall for her!" paalala ko pa sa sarili. Then why did I see her face everywhere?
What the f**k is happening to me?
Lumipas pa ang ilang araw na pinipilit kong layuan si Ella. Ayaw kong humantong 'tong nangyayari sa akin ngayon doon sa iniisip ko.
Papauwi na ako ngayon galing sa bayan. Gusto ko kasing magpahangin kaya lumabas ako, at mabuti na lang at hindi bumuntot sa akin 'yong babaeng 'yon. Medyo madilim na rin no’ng makauwi ako.
Nang makarating at makababa ng sasakyan, kaagad akong nilapitan ni Kuya Jo.
"Oh, hindi mo kasama si Ella?" takang tanong nito at sumilip pa sa sasakyan ko. Kunot-noo naman akong bumaling sa kanya.
"What do you mean? Wala ba siya dito?" tanong ko pabalik saka nauna nang maglakad at sumunod naman ito sa akin.
"Pinuntahan ka niya sa bayan kanina kasi tumawag 'yong mommy mo, may sasabihin daw sa ’yong importante. Sabi ko nga eh hintayin ka na niya na lang dito kasi gagabi na, pero ayun at umalis pa rin kahit medyo masama raw ang pakiramdam no’n."
Kaagad akong napahinto nang matapos nitong sabihin lahat ng iyon.
Dahan-dahan akong humarap sa kanya.
"Where is she?" tanong ko.
"Aba eh, hindi ko nga alam. Kanina pa 'yon umalis, hanggang ngayon wala pa. Balikan kaya natin, baka mapano pa 'yon, eh mukhang uulan oh." Tiningala niya ang langit.
"Balikan—hoy, James! Hintayin mo ’ko!"
Hindi ko na ito pinansin at nagmadali akong pumasok ng sasakyan at umalis.
Bumalik ako sa highway na dinaanan ko, nagbabakasakaling makita ko siyang naglalakad doon. Madilim at masukal pa naman ang daanan papasok sa lugar nina Manang Selma. Nag-drive pa ako hanggang sa bayan, pero dalawang oras na yata akong naglilibot doon at hindi ko pa rin siya nakikita. I tried to call her pero cannot reach ang number niya. Napamura na lang ako nang mabilisang pumatak ang malalaking butil ng ulan at hanggang sa lumabo na nga ang daan.
I stayed almost half an hour sa kotse ko para bantayan siya kung dadaan sakali. Pero wala. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako at naging dahilan iyon para uminit ang ulo ko.
Napagpasyahan kong bumalik na dahil sobrang lakas na rin ng ulan, pero kaagad akong napamura nang huminto na lang bigla ang sasakyan ko. Lumabas ako, hindi alintana ang malakas na ulan. I checked my car pero mukhang wala na akong magagawa dito. Bumalik ako sa sasakyan, kinuha ang payong ko, saka naglakad-lakad.
And then, I saw her. Nakaupo siya sa isang waiting shed sa kabilang kalsada. Basa ito at medyo nanginginig pa. Mabilis akong tumawid para puntahan ito. Huminto ako sa harapan niya, at nagulat ito nang makita ako.
"Sir? Anong gina—"
"What do you think you’re doing?!"
Hindi ko alam kung bakit nagagalit ako ngayon dahil sa kalagayan niya.
"Ha?" takang tanong nito.
Napakapit ako nang husto sa payong ko.
"Bakit mo ako sinundan dito kahit alam mong hindi maganda ang pakiramdam mo? Tanga ka ba? Papatayin mo ba ang sarili para sa akin?!" sunod-sunod kong bulyaw dito.
Hindi ito nakapagsalita. Tumayo ito at hinarap ako saka ginalaw-galaw pa ang kamay sa mukha ko na parang chine-check ako.
"Lasing ka ba o ano? Pinagsasabi mong sinundan kita? For more information, pumunta lang ako ng Palawan para magpadala ng pera sa mga magulang ko sa probinsya namin. Kaso nga lang, madaming tao kaya ginabi ako, at umulan rin kaya eto, basa ako. Ang OA mo talaga kahit kailan—"
Hindi ko alam kung anong tumulak sa akin para yakapin ito bigla. Nagulat ito sa ginagawa ko, maski ako ay gano’n rin, pero hinayaan ko na lang ang sarili ko.
"Teka, naga-alala ka ba sa akin?"
Bigla akong lumayo dito at umiwas ng tingin.
"Let’s go home," sabi ko na lang. Kitang-kita ko kung paano ito ngumisi.
"Sus, ba’t di na lang kasi aminin eh. Teka, saan na ba ang sasakyan mo? Or nag-commute ka lang? Wait, nag-commute ka?" gulat nitong tanong, at doon pumasok sa isipan ko na sira nga pala ang sasakyan ko.
"Of course not! The thing is, my car broke down, so I don’t know paano tayo makakauwi ngayon."
"Sandali, mag-antay tayo ng jeep."
"For how long? Di ba masama ang pakiramdam mo? At tsaka basa ka na—"
"Alam mo, OA ka na nga, ang daldal mo pa. ’Wag mo ’kong aalahanin, iinom lang ako ng gamot, okay na ako," sabi niya kaya wala na akong nagawa kundi sundin siya.