PINAPANOOD ni Rome ang mga piling tauhan na nag-eensayo. Napalingon siya nang maramdaman ang paglapit ni Albert. “What?” malamig niyang saad. Bumuntong-hininga ito, “Kailangan ba talagang gawin mo kay Lady Theia iyon?” Hindi siya nakakibo. “Rome, hindi sa nakikialam ako sa desisyon mo, kaya lang... malaking gulo ang gusto mong mangyari.” “Albert, kahit ikaila ni Valentin ang totoo, alam ko na si Theia ang may gawa sa nangyari kahapon,” saad niya. “Ayon sa intel na nakuha natin, enforcer siya ng Regno Reno. Hindi kataka-takang magagawa niya ang bagay na iyon,” tugon ni Albert. “There’s more to it, believe me. Ipahanap mo kay Ivan ang pinsan ni Theia. Bigla na lang nawala ang Lena na ‘yon. Iba ang kutob ko, Albert.” “Rome,” nag-aalalang usal nito. “Malalaman ko rin kung ano ang pap

