bc

Her Naked Secrets

book_age18+
8.1K
FOLLOW
64.6K
READ
spy/agent
revenge
possessive
family
kickass heroine
mafia
realistic earth
betrayal
secrets
crime
like
intro-logo
Blurb

WARNING: MATURE CONTENT (R18)?NOT YOUR ORDINARY MAFIA STORY ?

Si Altheia Sebastian alyas Phoenix. Mula sa pagiging ordinaryong accountant ay naging isa siyang mahusay na mersenaryo ng Rextor Specialist. Walang misyon ang di niya kayang gawin. Para sa kanyang pamilya handa siyang maging isang makasalanan.

Sa isang iglap ay nagbago ang kanyang mundo. Upang protektahan ang mga taong mahalaga sa kanya at ang kanyang sikreto, pumayag siyang maging asawa ng Mafia Lord ng Black Empire, si Rome Henarez.

Saan hahantong si Altheia kung ang asawang minamahal niya ay ginagamit lamang siya. Kaya ba niyang takasan ang taong nagbigay sa kanya nang walang kapantay na pighati. Kaya ba niyang magpatuloy kung ang lahat-lahat sa kanya ay pag-aari na ng isang Rome Henarez.

Sino si X De Silva sa buhay ni Altheia?

chap-preview
Free preview
Prologue/Chapter 1
Prologue “Roman!” umiiyak na tawag kay Rome ng babae. Tumayo siya upang isuot ang kanyang mga damit. Huminto siya nang marinig niya ang tunog na nilikha ng kadena na nakatali sa kaliwang kamay nito. Pinigilan niya ang sariling huwag lingunin ang babae. “M-maawa ka sa akin. Palayain mo na ako, ayaw ko na!” mariing sigaw nito sa kanya. “Mananatili ka rito hanggang hindi ka pumapayag sa gusto kong mangyari,” malamig niyang wika sa babae. “Roman, ayaw ko na! Wala na akong maiibibigay sa iyo. Durog na durog na ako,” humihikbing wika nito sa kanya. “Mahal mo ako di ba?” galit niyang wika rito. Nilingon niya ang babae, patuloy ang pagdaloy ng mga luha sa mga mata nito. “Roman,” mahinang bigkas nito sa kanyang pangalan. “Mahal mo ako at alam kong patuloy mo akong minamahal. Kaya hindi ako makakapayag na patuloy mo akong saktan,” nangangalit ang pangang wika niya sa malamig na tinig. “Mahal?” tumatawang umiiyak na tanong nito, “Manhid na ang puso ko, Roman. Sige kunin mo at patuloy mong gamitin ang katawan ko, pero wala na akong pagmamahal na maibibigay para sa iyo. Dahil kahit kailan hindi mo nagawang tugunin ang damdamin ko. Paulit-ulit, Roman, paulit-ulit mong sinasaktan ang damdamin ko. Pagod na pagod na ako!” pinahid nito ang mga luha at inilayo ang tingin sa kanya. Hindi siya nakakibo sa mga binitawang salita ng babae. Kuyom ang kamaong tinitigan niya lamang ito. Mahabang sandali ang lumipas nang muli itong mangsalita. “Sige, pumapayag na ako sa gusto mong mangyari. Wala na rin naman akong babalikan pa. Kinuha mo na ang lahat sa akin, pero ito ang tandaan mo, katawan at kaluluwa ko lang ang sa iyo. Hindi kasama ang puso ko, dahil matagal mo na itong pinatay,” kasing lamig ng yelo ang tinig na dagdag nito. Tumalikod ito sa kanya at inayos ang kumot na tumatabing sa hubad nitong katawan. Tinitigan niya ang naka-tattoo sa buong likuran nito. Pigil ang damdaming pumikit siya. Nilapitan niya at kinalag niya ang kadena sa kamay nito, hinaplos niya ang namumulang pulsuhan ng babae. “Cara mia, hate me all you want, I don’t care! I’m a monster, cara mia. Wala akong ibang hihilingin sa iyo kundi ang manatili ka sa tabi ko. You are the only reason that’s keeping my sanity, Theia,” mahinang bulong niya sa babae. Chapter 1 Hawak-hawak ni Rome ang mga larawang inabot sa kanya ng kanyang kaibigan at right-hand man na si Albert. Si Albert ay ang pinakamatapat niyang tauhan at kaibigan. Sampung taon na ang tagal ng kanilang pinagsamahan. Nakilala niya si Albert nang gabing unang beses siyang sumabak sa underground fight tournament. Isa ito sa una niyang nakalaban. Nang ipamahala sa kanya ang Black Empire Organization ng kanyang Lolo Benedict, pinakiusapan niya si Albert na magtrabaho sa kanya. Magkaiba sila ng kaibigan sa maraming bagay, pero sa kabila ng lahat ay kapatid ang turing niya rito. Iginagalang niya ang opinyon at pananaw nito. Kuyom ang kamaong tinitigan niya ang mga larawan ng babaeng malaki ang pagkakautang sa kanya. “Albert, where is she?” malamig niyang tanong rito. “Nasa isang bayan siya sa Zambales ngayon.” “Zambales?” kunot-noong wika niya. Bumungtong-hininga ito, “Rome, alam niyang malalaman at malalaman mo kung nasaan siya. Ayaw na lang niya na tumakbo pa,” malungkot nitong saad. “How about the surveillance team?” aniya. “Nandoon na si Valentin para siguraduhin na mananatili siya sa lugar na iyon,” sagot nito sa kanya. “She can’t run away from me ever again, Albert!” tiim ang pangang sabi niya sa kaibigan. “Rome, I think you need to let her go,” seryosong wika nito. “No!” binato niya ang bote ng alak na iniinom niya bago niya matanggap ang mga bagong larawan ng babae. Nagtaas-baba ang dibdib niya sa matinding emosyon. “Rome, anong gagawin mo? Pupuntahan mo ba siya ngayon?” tanong ni Albert sa kanya. “I’ll deal with her later. Kailangan kong puntahan si Blanca,” hinilot niya ang kanyang batok, “Make sure na dagdagan mo ang magbabantay sa kanya, baka matakasan na naman ako ni Theia,” malamig niyang saad rito. “Sasabihan ko si Valentin,” anito. “Maraming salamat, Albert,” tinanguan niya ito. Sumandal siya at ipinikit niya ang kanyang mga mata nang lumabas ng kanyang opisina si Albert. Kung inaakala ni Theia na makakatakas ito sa kanya ay nagkakamali ito. Kahit saan ay susundan niya ang babae at sisingilin sa lahat ng atraso nito sa kanya. Walang sinuman ang makakatakas sa isang Rome Henarez. Malungkot na nakatanaw si Theia sa kanyang nakakatandang kapatid. Iba’t ibang aparato ang nakabit rito. “Theia, umuwi ka muna, kailangan mong magpahinga,” wika sa kanya ng pinsang si Lena. “Lena ang sakit-sakit! Bakit kailangan mangyari ito sa kanya? Akala ko maayos na ang lahat,” mariing sabi niya. “Theia, wala na tayong magagawa kundi ang magpakatatag para kay Kuya Greggy,” naluluha na tugon nito sa kanya. “Alam ko, Lena, pero hindi deserve ng kapatid ko ang kalagayan niya ngayon. Bakit walang masagot ang mga pulis kung ano ba ang totoong nangyari kay Kuya Greggy?” saad niya. “Tatagan mo ang loob mo, kakayanin natin ito, couz,” tugon nito sa kanya. Dalawang linggo na ang nakakaraan nang matagpuan na halos wala ng malay ang kanyang nakakatandang kapatid. Ang Kuya Gregory niya ay piloto para sa isang cargo plane. Ayon sa management, napapansin ng mga kasamahan nito na parang wala sa sarili ang kanyang kapatid. Sinabihan daw ito ng management ng cargo company na magbakasyon muna. Lalo na at napapadalas ang insidente ng paglalasing nito. May kasamahan daw ng kuya niya ang nakasaksi sa dalawang beses nitong pagtatangkang magpakamatay. Pero ang lahat ng iyon ay hindi niya pinaniniwalaan. Bago naging piloto ang kanyang Kuya Greggy ay dati itong seminarista. Sabay na namatay ang kanilang mga magulang kaya kinakailangan nitong iwan ang bokasyon para maitaguyod siya. May takot sa Diyos ang kanyang kapatid. Kaya ang pagkitil sa sarili nitong buhay ang huling bagay na iisipin ng kuya niya. “Hindi ko na alam ang gagawin natin, Lena. Saan ako magsisimula? Hindi pwedeng mawala sa akin si Kuya,” naluluhang wika niya. Niyakap siya ng kanyang pinsan. Kagaya nilang magkapatid ay ulila na din ito. “Tingin ko, Theia, kailangan mong kausapin si–,” mabilis siyang umiling. “No! Ayaw ko siyang idamay sa problema kong ito,” mariin niyang tanggi. “Eh kung kay Master–” di nito tinuloy ang sasabihin nang tignan niya ito ng masama. “Hindi ako lalapit sa taong iyon!” galit niyang wika rito. “Pero, Theia, alam nating pareho na kahit saan ka magtago ay nasusundan ka niya. Hindi siya titigil,” bumuntong-hininga ito at masuyong hinawakan ang kanyang kamay. “Theia, sigurado akong hindi pa niya alam ang lahat lahat, lunukin mo muna ang pride mo para kay Kuya Greggy. Si Master lang ang makakatulong sa iyo ngayon,” malungkot nitong saad. “Natatakot ako Lena, hindi mo kilala ang taong iyon, natatakot ako sa pwede niyang gawin k-kapag–,” nauutal niyang wika kasabay ng pagpatak ng mga luha sa kanyang mga mata. “Alam ko, couz, kung may iba lang sanang paraan,” malungkot nitong tugon sa kanya. Binalingan niya ang nakaratay na kapatid. Nadudurog ang kanyang puso habang tinitigan niya ito. Para sa kapatid gagawin niya ang lahat kahit pa ang pagharap sa kanyang nakaraan. Pero batid niyang mabigat ang magiging kapalit nang muling pakikipaglaro niya. Pakiramdam niya ay hindi na niya matatakasan pa ang lahat tulad noon. “Theia, ang mabuti pa ay magpahinga ka muna, ako na muna ang bahala ritong magbantay,” dagdag na sabi ni Lena sa kanya. “Salamat, Lena, kung wala ka ay hindi ko alam ang gagawin ko. Lalo na at halos inako mo na ang lahat ng responsibilidad na dapat ay ako ang gumagawa,” aniya. “Couz, sige na bawal ang drama. Nabili ko na ang gamot ni Kuya Greggy hanggang para bukas,” pagbibigay alam nito sa kanya. “Sige, Lena, gamitin mo na ang iniwan kong pera sa iyo noon. Kung kukulangin iyon, magsabi ka lang,” wika niya sa pinsan. “Ikaw ang bahala! Kaya lang inaalala ko, paano mo mapapaliwanag ang lahat sa kanya. Magtataka siya kung bakit kailangan mong mawala ng matagal,” nag-aalalang wika ni Lena. Isang mahalagang tao sa buhay niya ang tinutukoy ni Lena. Taong nagbigay muli ng buhay sa kanya. “Ako na ang bahalang gumawa ng dahilan, mauunawaan niya ako,” nakakasiguradong sagot niya. Tinanguan siya nito, walang imikan na nakatunghay sila sa kanyang Kuya Greggy. Alam ni Theia na madaming loopholes ang sinasabing dahilan ng cargo company. Sisiguraduhin niyang malalaman niya ang totoong nangyari sa kanyang kapatid. Pagal ang kanyang katawan nang sapitin niya ang maliit na paupahan na pansamantalang tinutuluyan niya. Pagkababa niya ng kanyang mga gamit ay kunot-noong nilibot niya ang paningin sa buong kabahayan. Kahit pagod ay malakas ang pakiramdam niya na may mga taong nakamasid sa kanya habang papasok siya ng bahay. Sumungaw siya sa pinto, “Pakisabi sa Master ninyo, puntahan niya ako at kailangan ko siyang makausap!” malakas niyang sigaw na kinalingon ng mga batang naglalaro sa katapat nilang bahay. Napailing siya, siguradong iniisip ng mga nakarinig sa kanya na nababaliw na siya. Wala pang ilang sandali ay pumarada ang isang sasakyan at lumabas sa itim na van ang isang matangkad na lalaki. May pilat ito sa kanang pisngi subalit hindi ito nakabawas sa kakisigang taglay nito. Lumapit ang lalaki sa kanya at yumuko, “Lady Theia,” mahinang usal nito. Sinimangutan niya ang lalaki pagkarinig sa tinawag nito sa kanya, “Papuntahan mo siya rito, Val, pero bukas na at pagod ako. Please lang, pagsabihan mo ang mga kasama mo. Galingan nila ang pagtatago dahil nakakaabala sila sa mga kapitbahay ko,” malamig niyang wika rito. “Masusunod, Lady Theia,” tugon nito. Tumango siya rito at muling isinara ang pintuan. Tumuloy siya sa kanyang maliit na silid. Unti-unti niyang hinubad ang kanyang suot na pangtaas at muli niyang sinilip ang kanyang likuran sa salamin. Lagi niya iyong ginagawa. Dahil ang naka-tattoo sa kanyang likuran ang nagpapa-alala sa kanya na nakatali siya sa taong ilang taon niyang tinatakasan. Ang bawat letra na nakaukit sa kanyang likod ay katumbas ng sakit na dulot nito sa kanyang pagkatao. Her back is filled with red phoenix tattoo. Sa bandang beywang niya ay nakapalibot ang mga letrang, ‘Own by Mafia Lord Rome Henarez’.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Married To A Billionaire

read
1.0M
bc

ARROGANT PLAYBOY NIKOLAI MONTEMAYOR( Tagalog )

read
166.2K
bc

YOUNIVERSE SERIES 1: Tristful Eyes

read
1.0M
bc

Mister Billionaire's Secret Wife [Tagalog/Filipino]

read
5.1M
bc

Mr. Billionaire and Eve(ZL Lounge Series 02)

read
315.8K
bc

MAKE ME PREGNANT (TAGALOG R18+ STORY)

read
1.9M
bc

That Professor is my Husband

read
504.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook