Chapter 2

1532 Words
“Rome, tumawag si Valentin. Pinapasabi ni Lady Theia na puntahan mo raw siya bukas,” wika sa kanya ni Albert. Napabaling siya rito mula sa pinapanood niyang surveillance video ng kalaban nilang grupo. “Bakit bukas pa? Ipahanda mo ang sasakyan,” mariin niyang sabi. “Rome, pasensya na! Pero mahigpit na bilin ni Lady Theia na bukas na at pagod daw siya,” wika ni Albert sa kanya na kinakunot-noo niya. “I can’t wait any longer, Albert,” malamig niyang wika rito. “Baka hindi ka niya harapin kahit kailan kung pupuntahan mo siya ngayon.” “D*mn that woman! Sige, pero pupunta pa din ako ngayon, and no more questions!” seryosong wika niya rito. “Sige, ipapahanda ko ang sasakyan,” tugon nito sa kanya at bago tumango. “You’re giving me so much trouble, Theia,” mahinang bulong niya habang nakatingin siya sa kanyang kaliwang kamay. Ipinarada niya ang kanyang sasakyan sa harapan ng isang lumang bahay. Hindi ito ang inaasahan ni Rome na madadatnan niya. Kunot-noong lumabas siya ng sasakyan, ganoon din ang mga tauhang nakasunod sa kanya. “Are you sure na nandito siya?” seryosong tanong niya kay Albert nang lumapit ito sa kanya. “Yes, dito nakatira si Lady Theia,” anito. “How the hell she ended up here, Albert!” tiim ang bagang niyang wika rito. “Rome,” usal ni Albert sa kanya. “Where did she spend all the money I deposited on her account?” kinuyom niya ang kanyang kamao, kumukulo ang kanyang dugo sa galit. “Rome, she never touched a single cent from that account,” nakayukong tugon nito. “What?” galit siyang lumingon rito. “Noong umalis si Lady Theia, wala siyang dinala na kahit ano,” anito. “D*mn Albert! Bakit di mo sinabi sa akin ang bagay na iyan?” mariing wika niya rito. Kung iba-iba lang ito kanina pa niya ito sinuntok. “Rome sinabi ko sa iyo ang tungkol sa bagay na iyon,” naguguluhang wika nito, “Binigay ko sa iyo ang iniwan ni Lady Theia na envelope,” dagdag nito. “D*mn!” bulalas niya. Napahawak siya sa kanyang sentido, natatandaan niya ang araw na iyon. Ang araw na kagagaling niya sa hacienda ng mga De Silva. Dumalo siya para sa baby shower ng anak ni Lexie. Nang araw ding iyon ay nakita niya ang kanyang nakakabatang kapatid na si Blanca. Sa matinding emosyon niya sa muling pagkikita nila ni Blanca, hindi niya pinansin ang envelope na binigay ni Albert sa kanya. Nawala sa isip niya ang tungkol doon. Kinalma niya ang kanyang sarili at dahan-dahang lumakad papalapit sa lumang bahay. “Rome!” nagmamadaling tawag sa kanya ni Albert. “I can’t wait anymore, Albert. I will end this madness now,” malamig niyang wika rito na kinabuntong-hininga ng kaibigan. Kumatok siya ng ilang ulit sa lumang pintuan. Medyo kumakalat na ang liwanag kaya aninag niya ang kalumaan ng bahay. Narinig ni Rome ang paglangitngit ng pintuan at ang dahan-dahan nitong pagbukas. Bumungad sa kanya ang bagong gising na babae. Mahigit dalawang taon na ang lumipas noong huling beses silang nagkita nang harapan ni Theia. Pero ang pagnanasang nararamdaman niya para sa babae ay mas tumindi sa paglipas ng panahon. Ang dating mahabang buhok nito ay pixie cut na, pero mas lalo lamang nagpatingkad sa kaakit-akit na mukha nito. Ang suot nitong manipis na t-shirt ay nagpainit sa kanya, aninag niya ang mayamang dibdib nito. Bumaba ang tingin niya sa maikling short na suot ni Theia. Hindi pa din ito nagbabago, mas komportable itong matulog na maikling short at lumang t-shirt ang suot. One of the many things that makes Theia seductive. Nakayapak din ito, sa ibang pagkakataon, he will take her, but he knows it can wait. Ngumisi siya nang makita ang panglalaki ng mata at ang pamumutla nito. “Hindi mo ba ako papasukin, cara mia?” nakangising wika niya rito. “R-roman!” nauutal na bulalas nito, napatutop ito sa bibig. Kumunot ang kanyang noo ng mapansin ang namumulang mga kamay nito. “A-anong ginagawa mo rito?” may galit sa tinig na tanong nito. “Di ba pinapunta mo ako dito?” nakataas ang kilay na wika niya sa babae. “Oo nga, pero bakit ang aga mo?” nakasimangot na tugon nito sa kanya. “Is that how you welcome me?” aniya sa halip na sagutin ang tanong nito. Bumuntong-hininga si Theia, niluwagan nito ang pagkakabukas ng pintuan. Pumasok siya sa loob ng bahay, iginala niya ang tingin sa kabuuhan niyon. “Maupo ka, maghahanda lang ako ng kape,” malamig na wika ni Theia sa kanya. Tumango siya at umupo sa kawayang sopa. Iginala niya ang kanyang tingin sa maliit na bahay. Luma ang mga gamit pero malinis at maayos ang mga ito. May maliit na television at isang stand fan. Hindi niya maiwasang manikip ang kanyang dibdib kung paanong nakakaya ng babae ang tumira sa maliit na bahay na iyon. Nakaramdam siya ng kakaibang damdamin nang mapansin niya ang mga garapon na pinalamutian ng ribbon. Alam na alam ni Rome na ang mga maliliit na origami stars ang laman ng mga garapon na iyon. “Pasensya ka na, wala akong creamer,” napukaw ang pagtitig niya sa mga garapon nang ilapag ni Theia ang umuusok na kape. “What happened, cara mia?” naguguluhang tanong niya sa babae. Umupo ito sa pang-isahang sopa, “Roman, pinapunta kita rito dahil kailangan ko ng tulong mo,” usal nito. “What is it?” blangko ang mukhang wika niya. “Nasa hospital si Greggy, hindi ko alam kung magigising pa siya pero kailangan niyang m-mabuhay,” pumiyok ito at nanginginig ang kamay nito. “So?” malamig niyang wika. Nakaramdam siya ng galit pagkarinig sa pangalan ng taong binanggit nito. “Naaksidente siya, hindi pa malinaw ang imbestigasyon kung anong sanhi ng aksidente,” dagdag na saad nito. Hindi siya kumibo. Tumikhim si Theia bago muling nagsalita. “Kailangan ko ang koneksyon mo na alamin kung anong nangyari sa kanya. Alam mong hindi ako basta-basta makakalapit kanino man,” wika nito sa kanya. “Bakit mo naman naisip na tutulungan ko siya?” aniya sa malamig na tinig. “Roman, hindi ko na alam ang gagawin ko, nakikiusap ako sa iyo. Hindi ako matatahimik hanggang hindi ko alam ang totoong nangyari sa kanya. Sabihin mo lang, gagawin ko ang lahat ng gusto mo,” wika ni Theia sa kanya. Nakita niya ang determinasyon sa mga mata nito. Tumayo siya at lumapit sa cabinet kung saan naroon ang mga garapon, hinaplos niya ang mga ito. “Lahat!” pagak siyang natawa, “Lahat gagawin mo para sa lalaking iyon, tapos ay tatakasan mo na naman ako. Hanggang ngayon siya pa rin ang mas mahalaga sa iyo,” hindi lumilingong wika niya. Pilit niyang nilalabanan ang galit na nararamdaman niya sa kanyang buong pagkatao. “R-roman,” mahinang usal nito. “Sige, bukas na bukas papaayos ko ang lahat, pero babalik ka sa mansyon!” aniya. “Ano!” bulalas nito. Nilingon niya ito, nakatayo na si Theia, namumula ang mukha. Bakas din ang iba’t ibang emosyon sa mga mata nito. “Narinig mo ang sinabi ko, babalik ka sa mansyon at gagampanan mo ang obligasyon mo sa akin na pilit mong tinakasan,” nakangising wika niya rito. “How dare you! Alam mong hinding-hindi na ako tutungtong sa impyernong lugar na iyon!” galit nitong wika sa kanya. “Di ba gagawin mo ang lahat para mabuhay ang lalaking iyon? At para sa kaya kong ibigay sa iyo. Kaya susundin mo ang gusto ko. Kapag sinabi kong sa mansyon ka titira, doon ka titira,” malamig niyang wika rito. “Demonyo ka talaga!” nanglilisik ang mga matang sigaw nito na kinangisi niyang lalo. Dahan-dahan siyang lumapit at hinapit niya ito palapit sa kanya. “Baka nakakalimutan mo ang kayang gawin ng demonyong sinasabi mo,” nakangising bulong niya rito. “Hindi ko nakakalimutan,” mariing sagot nito sa kanya sabay iwas ng tingin sa kanyang mga mata. Hinawakan niya ang panga nito, “You know, cara mia, everything has a price. You will come back and stay with me again.” Hindi ito kumibo, subalit ramdam niya ang galit na nakikita niya sa mga mata nito. “In return, I will do everything to help you,” malamig niyang hayag. Nakipaglaban ito ng malamig na titig sa kanya, “Sige, gagawin ko! Pero alam mong hindi magiging madali ang lahat,” anito. “Good, cara mia.” Walang anu-ano ay sinakop niya ang mga labi nito at buong kasabikang inangkin. Sa una ay nararamdaman niya ang paglalaban nito, but he knows her weakness. He bit her lower lip, kaya napasinghap ito. Sinamantala niya iyon at pinalalim niya ang paghalik kay Theia. Habol ang hiningang binitawan niya ito, baba-taas ang dibdib nito at sinamaan siya ng tingin. Nginisihan niya si Theia at kita niya ang paglaglag ng butil ng luha sa mata nito. He ignored it, “Fix yourself, cara mia, uuwi na tayo, my dearest wife,” mapanganib na saad niya sa kanyang asawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD